Chapter 37: Found it

904 77 14
                                    

Tahimik na binaybay ni Ms. Garcia kasama ang kaniyang estudyanteng si Shilloh ang kahabaan ng pasilyo. Kanina pa sila nakalabas sa controlled room nang walang kahit anong bitbit na armas dala ng kanilang labis na pagmamadali. Naimapa na ng guro kung saan sila dadaan at kung walang palyang mangyayari ay mararating nila ang kinaroroonan ng mga sundalo na may kalayuan din ang pwesto mula sa gusaling kinalalagyan nila ngayon.

Akay-akay ng maestra ang kaniyang estudyante at minu-minuto niya rin itong sinusulyapan para tignan ang kalagayan nito. Aminado siya na labis na ngang nanghihina ang katawan ng kasama ngunit sa kagustuhan niyang mailabas ang bata sa eskwelahan ay susugal siya kahit wala pang kasiguraduhan.

"Kapit ka lang, Shell." Pampalubag-loob niya saka hinigpitan ang pagkakakapit sa dalaga nang sagayon ay hindi ito bumagsak. Pasarampay na rin si Shilloh kung maglakad kaya bahagyang nahihirapan si Blaire na alalayan siya.

"We still have to cross two more buildings before we could reach the hall. Kaunting tiis na lang, nak. Malapit-lapit na tayo." Pabulong niyang sabi bago idinikit ang sarili sa pader nang sagayon ay masilip niya muna ang panibagong corridor na dadaanan nila. Gusto niyang makasigurado kung may zombies bang palakad-lakad sa paligid para mabigyan pa sila ng tyansa na makapagbago ng ruta.

Hindi mapigilan ni Shilloh ang magnakaw ng tingin sa katabi. Kung tutuusin ay pwedeng-pwede siya nitong iwang mag-isa rito lalo na't sa ganitong uri ng sitwasyon, pinapairal na ng mga tao ang pagiging makasarili. Ngunit siyang tunay ngang iba sa lahat ang kaniyang guro dahil sa kabila ng kaniyang pagiging salbahing tao, pinili pa rin nitong tulungan siya.

"Why?" Mahinang tanong ng dalaga nang hindi man lang inaalis ang dalawang mata sa kasama. "Why are you doing all of this?"

"Why do you need to protect someone like me?" Dagdag niya pa habang binibigyan pa rin ng nagtatanong na tingin ang katabi. "What's the point of sacrificing yourself just to keep a mischievous person like me safe?" Ilang beses mang isipin ni Shilloh ang mga sagot mula sa nabubuo niyang mga katanungan ngunit kahit isa ay wala siyang sagot na nakuha.

Sa tinagal-tagal niyang namuhay rito sa mundo ay nananatili pa ring misteryo para sa kaniya ang iilang mga bagay na taliwas sa paniniwala niya pero kadalasan namang  ginagawa ng iba. Marami siyang mga napapansing gawi na hindi niya maintindihan kung  bakit ba iyon naging tama. Isa na rito ang pinapakitang tulong ng maestra sa kaniya kahit na alam niya sa sarili niyang hindi siya karapatdapat pang gawaran ng kahit katiting na kabaitan.

"Hindi ko deserve 'to. Hindi ko deserve lahat ng efforts na binibigay mo sa'kin, Ms. Garcia."

Nabalik lamang siya sa reyalidad nang bigla siya nitong ibinaba sa sahig. Tarantang napasandal sa gawing gilid ang maestra at mahahalata sa mukha nito ang matinding pagkabalisa. Nag-aalala siya nitong binalingan ng tingin bago sumenyas sa kaniya tanda ng pagbibigay alarma na huwag siyang gagawa ng ingay. Nahihilo man pero hinayaan ni Shilloh na ramdamin ang paligid, sunod na lang niyang narinig ang mga hindi kaaya-ayang tunog na nagmumula sa mga zombie. Sa dami ng narinig niya ay halatang hindi sila makakaligtas sa oras na mapansin sila nito. Idagdag pa ang kasalukuyan niyang estado na tiyak na makakapagpabagal sa kanilang pag-usad.

"We have to find an alternative route. Hindi natin sila kayang lampasan." Bulong ng kasama sa kaniya na lihim niya na lang din na sinang-ayunan. Akmang itatayo na siya nito pero bigla na lang silang nakarinig ng isang napakalakas na pagsabog na nagmumula sa gawing likuran. Ramdam din nila ang mahinang pagyanig na para bang may kung anong bagay na bumagsak sa lupa. Iyon din ang naging rason kung bakit kaagad na nagsialisan ang mga zombies para sundan ang pinagmumulan ng ingay na iyon.

"A-ano iyon?" Gulat na tanong ng guro na halatang wala rin itong kaalam-alam kung ano nga ba ang tunay na nangyari sa likod ng pagsabog na iyon. "Are they trying to wipe out our school? Diyos ko, sana okay lang ang lagay nila Yohan." Dagdag niya pa.

Save UsWhere stories live. Discover now