Chapter 34: Harap-harapan

939 70 13
                                    

TRIGGER WARNING: THE FOLLOWING CONTENTS MAY CONTAIN SCENES THAT SOME READERS MAY FIND IT DISTURBING. READER DISCRETION IS ADVISED


Mag-aalas kwatro na ng umaga pero nanatiling buhay ang diwa ni Wren. Kanina niya pa pinipilit na matulog pero hindi pa rin talaga siya dinadalaw ng antok. Wala sa wisyo siyang napatihaya at pasimpleng nilingon ang gawi ng mga kasama, nahihimbing na ang mga ito at tanging siya na lang ang natitira pa ring gising.

Sa hindi inaasahan ay dumapo ang mata niya sa katabing si Meadow na ngayon ay nakatalikod sa kaniya. Nang matuon ang pansin niya sa leeg ng kaklase ay bigla na lamang kumalam ang kaniyang tiyan. Ramdam niya rin ang panunuyo ng kaniyang lalamunan na para bang may hinahanap itong katas na hindi niya pa natitikman noon.

"What the fuck is this?" Bulong niya sa sarili. Hindi maiwasan ng dalaga ang kabahan sa kaniyang sitwasyon. Aminado siyang nakagat siya ni Quincy, pero hindi niya naman lubos akalain na aabot din siya sa punto na hahanapin na rin ng katawan niya ang preskong laman. Bagay na pilit niyang iniiwasang mangyari.

Walang nagawa si Wren kundi ang dahan-dahang nilayo ang tingin sa kaklase saka maingat na bumangon nang sagayon ay hindi niya ito magising. Saktong paglingon niya sa kabilang gilid ay doon niya nakita na bakante pa rin ang pwestong hinihigaan ni Willow. Ilang minuto na ang lumipas at hindi pa rin bumabalik ang naturang kaklase.

"Fuck, I've told her to just pee behind those boxes pero hindi talaga marunong makinig." Lihim niyang banggit sa sarili. Akmang tatayo na sana siya ngunit nahagip ng kaniyang tingin ang notebook ni Mills. Nasa uluhan ito ng dalaga kaya maingat niya iyong inabot. Gamit ang ilaw na nagmumula sa kaniyang cellphone ay dahan-dahan niyang inalis ang tape sa plastic cover, ilang minuto rin ang inilaan niya rito nang sagayon ay makuha ang balak. Ilang tape pa ang kaniyang inalis hanggang sa tuluyan niya na ngang napasakamay ang serial disk.

Gusto niyang abalahin ang sarili rito lalo na at ito na lang ang naiisip niyang paraan para kahit papaano ay makalimutan sandali ang gutom na pinipilit siyang kontrolin.

Maingat niyang isinaksak sa card slot ang hawak saka siya nag-antay ng ilang sandali. Kung anu-ano pa ang kaniyang pinagpipindot hanggang sa tuluyan niya na ngang na-access ang laman ng SD Card.

Unang pinindot ng dalaga ang files at bumungad naman kaagad sa kaniya ang lagpas sa isang libong mga litrato. Idagdag pa ang humigit isang daang mga clip na siyang hindi na niya pinansin pa. Hinanap nang hinanap ng kaniyang mata ang pakay na clip hanggang sa natiyempuhan niya iyon sa nakabukod na folder.

Bago niya pa man pinanood ang video ay sinaksak niya muna sandali ang kaniyang earphones nang sagayon ay hindi iyon makagawa ng ingay. Saglit muna niyang nilibot ang tingin nang makasiguro na walang kahit sino sa mga kaklase niya ang gising. Kung tutuusin ay wala naman din siyang nakikitang mali kung sasabihan niya si Mills o si Yohan na gusto niyang mapanood ang clip, ngunit mas pinili niyang kumilos nang palihim sa kadahilanang iiwas ang mga kaklase sa mga laman ng SD card na hindi na dapat pa mabuksan. Alam niyang hindi lang baho ng Bermuda Triangle ang laman ng nito lalo na at base rin sa naikwento ni Yohan patungkol kay Zigler no'ng nasa SEDP building pa lang sila ay hindi malabong may hinalo itong iba pang mahahalagang  impormasyon na siyang hindi niya rin ninais na mabuksan.

"Ano na, Willow? Aabutan pa ba tayo ng undas dito bago ka magdesisyon ha?" Panghahamak ni Quincy kay Willow na kasalukuyang nakasalampak sa sahig habang pinapalibutan ito ng mga lalaki.

"Hayop ka, Quincy! ISA KANG HAYOP!" Nangangalaiting sigaw ng dalaga na siyang mas lalong ikinatuwa ng kaklase.

"Alam ko, okay? You don't have to repeat it infront of my face. Hayop ako, oo. Gusto mo rin bang makita kung gaano ako kahayop sa kama?" Tila nanunudyo nitong sabi na siyang agarang nagpagpakuyom sa kamao ni Wren.

Save UsWhere stories live. Discover now