Chapter 38: Quincy vs. Chloe

1K 76 6
                                    

"Quincy..."

May halong inis na banggit ni Chloe sa pangalan ng binata na mabilis din namang napangisi matapos mahimigan ang ibig sabihin ng kaniyang tono. Hindi nakaalpas sa mata ng dalaga kung paano ito labis na nagbago matapos tamaan nitong virus. Hindi rin siya bobo para hindi malaman na magkapareho sila ng kaso ng binata. Bagay na bahagya niyang ikinainis dahil kahit napunta na sila sa sitwasyong 'to, pilit pa ring gumagawa ng paraan ang tadhana para pagbanggain silang dalawa.

Kitang-kita niya rin kung paano kumulubot ang gawing kaliwa ng mukha nito na tila ba tinupok ng apoy, lalo na ang mata ng kaharap na siyang pinakanapuruhan talaga lalo. Purong puti  na lamang ang kaniyang nakikita at nahalata niya rin na hindi nito magawang maigalaw ng kaklase.

Nang mapansin nga ni Quincy na napatitig si Chloe sa tinamo ng kaniyang mukha ay doon na siya nakaramdam ng bahagyang pagkainis.

"Tutal, hindi naman nalalayo iyong sarili mo sa'kin. Silaban ko na lang din kaya 'yang mukha mo, ano sa tingin mo, Chloe?" Hamon ng binata sa kaniya. "The best iyong suggestion ko di'ba?" Dagdag  niya na siyang lihim na ikinailing ng dalaga. Sa isip niya ay mas lalo pa itong naging agresibo dala na rin ng panibago nitong anyo.

"If you are thinking that you can still step your foot on me, then you are just fooling yourself." Direktang sagot ni Chloe nang hindi man lang kababakasan ng kahit anong pagbibiro. Kung dati ay nauutal pa siya sa harap nito ngunit hindi na ngayon. Bakas at nag-uumapaw na sa dalaga ang matinding galit at lakas ng loob na siyang nagtutulak sa kaniya para tumayo at lumaban.

Gumuhit ang sarkastikong ngisi sa labi ni Quincy nang marinig ang isinagot ng kaharap. Hindi niya inaasahan na magkakaroon ng ganitong klaseng tapang ang kaharap sa maikli lamang na panahon.

"Ang lakas na ng loob mo ah," puri niya rito at hindi mapigilan ang sarili na manghang mapatawa. Dahil sa kaniyang  nakikita ay tila ba sumusubok itong pantayan siya. Hindi niya maiwasang lihim na mapailing lalo na nang mag-umpisa siyang magbagong-anyo ay wala siyang ibang nakakadaupang-palad kundi purong mga babae na nagtatangka siyang pabagsakin. Mga babae na hindi naman nagtagumpay na mahila siya paibaba. 

"Bakit, akala mo ba matatalo mo na ako sa pagkakataong 'to, Chloe?" Ang matalim niyang mga mata ay diretso niyang ipinukol sa nagbabanta ring tingin ng kaharap. "Hindi por que pumalya 'tong  virus na 'to na gawin kang purong halimaw ay may karapatan ka ng hamun-hamunin ako."

"Pwes para sabihin ko sa'yo, kahit ilang beses ka pa kamong magbago ng anyo. Hindi ka pa rin mag-iiba sa paningin ko. You are still the old Chloe Montemayor who never hesitates to bow her head the moment she faced the true king inside this school." Dahan-dahang inihakbang ng binata ang kaniyang paa papasok at si Willow na ngayon ay nasa sahig pa rin ay walang ibang nagawa kundi ang pahirapang gumapang pagilid nang sagayon ay hindi siya mapagbuntungan ng galit ni Quincy.

"You are supposed to act like a slave not a queen, so might as well step your foot back to where it really belongs," mapang-asar nitong dugtong saka dumura sa gilid. "Hindi mo deserve na magreyna-reynahan dito dahil wala naman sa lahi niyong mga Montemayor ang may otoridad na mamuno."

Puna niya na siyang ikinasira ng ekspresyon ng kaharap.

"Baka nakakalimutan mo kung sino talaga ako, Chloe?" Hirit na naman nito at hindi na nagulat pa ang dalaga dahil base sa inaakto ng kaharap ay halata masyadong muli na naman nitong ipapalandakan kung gaano kataas at karespe-respeto ang pamilyang pinagmulan nito. "That I am Quincy Corpuz— ang nag-iisang anak ng Mayor nitong siyudad na kinalalagyan mo. The one and only son of Mayor Nimuel Corpuz, the man  which you claimed as your biological father." May halong pait nitong sabi.

"I am not claiming him as my own. Sarili mo lang ang pumupuna niyan, Quincy. Hindi ko kainlanman inangkin ang p—"

"Tss. Iba talaga ang nagagawa ng mga sampid sa buhay ng iba ano? Nagkakaroon ng lakas ng loob at ang kakapal pa ng mukha. Sino ka ba sa inaakala mo para tawagin siyang tatay gayong hindi ka naman talaga galing sa kaniya? I did a background check on you, Chloe and there I found out that you are also an adopted child of Mr. and Mrs. Montemayor. I also conducted a DNA test for me to check kung anak ka rin ba ni Papa, but no. It was not a perfect match kaya na-confirm kong hindi ka rin isang Corpuz," sandali siyang huminto bago inayos ang kaniyang necktie. "Kaya sabihin mo nga sa'kin Chloe kung ano bang ritual iyong ginawa mo para makuha mo iyong atensyon ni Papa?
Nakakaputangina lang kasing isipin na dugo't laman niya ako pero mas may time pa siya sa'yo kaysa sa'kin na mismong anak niya."

Save UsWhere stories live. Discover now