Chapter 36: Double-edged

857 73 5
                                    

"Si Willow, nawawala." Nang dahil sa isinagot ni Ledger ay dinunggol ng kaba ang lahat ng nandito lalong-lalo na ang dalagang kaharap na si Mills. Tila  ba nabingi na siya mula sa kaniyang narinig dahilan kung bakit hindi siya agarang nakaimik.

Palipat-lipat ang tingin nilang lahat sa isa't-isa na para bang pilit na inaalam kung may isa ba sa kanilang nakakaalam kung saan nga ba apunta ang dalagang tinutukoy.

"I let her go ou—"

"Hinayaan mo siyang lumabas nang mag-isa?" Agarang putol ni Mills sa sinasabi ni Wren. Napahinto sa pagsasalita ang dalaga nang maramdamang natuon na sa kaniya ang atensyon ng lahat. Ngunit sa halip na mailang sa mga tinging ginagawad sa kaniya mas pinili niyang klaruhin ang nangyari.

"Listen, it's not my intention to harm her. She just want to go outside to pee. Hindi siya nagpapigil sa kagustuhan niya ring lumabas nang siya lang." Sagot niya ngunit sa halip na mabawasan ang kanilang pag-aalala ay mas lalo lamang iyong nadagdagan. May kalayuan ang bukas na Comfort Room mula rito sa rooftop na kinalalagyan nila ngayon kaya hindi malabong isipin na lumayo nga mula sa gusaling ito si Willow.

"Ilang oras na ba iyong lumipas magmula no'ng lumabas siya?" Kabadong tanong ni Meadow.

"It's been 2 hours already." Diretsa  niyang sagot na siyang naging mitsa kung bakit muling hindi maipinta ang mukha ng mga nandito.

"Ano, dalawang oras? Putangina ang tagal na no'n kung tutuusin! Sana ginising mo na lang kami nang mas maaga para masundan siya sa ibaba, Wren. Baka napano na iyon." Komento ni Corbin bago nagpasyang lumapit sa dulo ng rooftop at tanawin ang nasa ibaba. Ngunit dahil nga sa may astigmatism siya ay hindi siya makaaninag nang maayos.

"We managed to clear those zombies while we are still outside, right? Kaya kung may nakasalubong man si Willow sa baba, sure akong kaya niyang takasan iyon," pampalubag-loob ni Meadow nang mag-umpisang bumigat ang atmospera sa ibabaw. "She's toughy and quite adroit, baka kinakailangan niya lang munang mag-stay sa kung nasaan siya ngayon kaya hindi muna siya nakakabalik. Let's all believe on her, shall we? Makakabalik si Willow dito sa itaas, kailangan lang nating mag-antay."

"But what if she didn't?" Biglaang kontra ni Ledger. "What if she keeps on shouting each of our names to call for help? Paano kung inaantay niya lang iyong tulong natin sa ibaba pero wala man lang tayong ginawa kundi ang tumunganga rito sa ibabaw? Sige nga, paano kung iyon nga ang nangyari?" Tutol nito saka marahang inalis ang suot na salamin.

"Tol, tama na." Awat ni Earlyseven sa kaibigan. Tinapik niya ang likod nito bago siya nagdesisyon na ilayo ang kasama sa pwesto ng iba sa takot na baka magkaroon ng sigalot sa pagitan nilang dalawa.

"I didn't wake all of you to start an argument," usal ni Wren bago binalingan ng tingin si Ledger na ngayon ay hindi na umiimik. "Do you guys think that I fucking let her go without putting an eye on her?" Blangko niyang sambit na siyang nakapagpatahimik sa kanilang lahat.

Akmang magtatanong na si Mills kung ano ang tinutukoy nito pero natuon na lamang ang mata niya sa hawak na cellphone ng dalaga na may kulay berdeng kumukuti-kutitap. Hindi niya maiwasang mapatitig dito sa kagustuhang usisahin ang napakapamilyar nitong ilaw.

"Hindi ako tanga para hayaan siyang lumabas sa pintong 'yan nang walang  barahang hawak." Dagdag pa ni Wren bago nagpasyang iangat ang kaniyang cellphone para ipakita sa mga kasama ang tinutukoy niya.

"Monitor radar 'yan, tama?" Gulat na tanong ni Cody nang makita niya nang mas klaro ang nasa screen.

"The moment she asked for my permission to leave. I surreptitiously put the tracker on her sleeve to monitor and trace her location," paliwanag niya saka tinuro ang kumikislap-kislap na kulay berdeng bilog na nakapwesto 'di kalayuan sa gawing gitna. "This beeping green circle is her and those red fluctuates that surrounds the area are zombies."

Save UsWhere stories live. Discover now