Chapter 16: Alison

1K 115 18
                                    

"It's not w-what I'm thinking right?"

Hindi makasagot si Willow sa itinanong ng katabi. Tila ba nablangko ang isip niya nang makitang nag-umpisang labasan ng dugo ang bibig at ilong nito. Hindi niya mapigilang titigan ang itsura ng kaharap at sinubukang kilatisin ang kasalukuyan nitong estado. Ngunit kahit saang anggulo man tignan, pinapakita talaga ng tadhana sa kaniya ang katotohanang hindi niya magawang takasan.

Kagat-labi siyang nag-iwas ng tingin nang walang binibitawang salita. Gusto niyang isipin na biro lang ang lahat ng 'to, na isang kalokohan lang ang nakikita niya ngayon. Pauli-ulit niya ring pinapaalala sa sarili niya na walang masamang mangyayari kay Alison.

"W-willow?" Nauutal na banggit ng kaibigan sa pangalan niya dahilan kung bakit muling ibinalik ni Willow ang kaniyang tingin sa kasama. Akmang iaangat na sana ng dalaga ang kaniyang kamay para sana abutin si Alison pero natagpuan niya na lang ang sarili na napahinto nang makitang unti-unti ng nagsilitawan ang nangingitim na ugat ng kaibigan.

"W-will you please stop doing pranks, Alison? Come on, this is not you. You don't have to pull pranks para lang asarin ako nang ganito!" Pasigaw na sambit ni Willow dahilan kung bakit biglang natuon sa kanilang dalawa ang atensyon ng lahat. Bakas ang gulat ng magkakaklase nang makita ang sitwasyon ngayon ni Alison. Walang niisa sa kanila ang nakaimik at tila ba kahit isa sa kanila ay walang may balak na magsalita.

"Willow, I think I c-cannot control myself. W-what should I do?" Muli nitong tanong saka tinignan ang kaniyang braso na bayolenteng gumagalaw. Gustuhin man niya itong kontrolin pero tila may sarili na itong buhay. Nakakaramdam na rin siya ng ibayong sakit na hindi niya halos maipaliwanag kung saan galing.

"Willow, stay away from her." Agarang utos ni Wren pero hindi nakinig ang dalaga. Nakatuon pa rin ang buo nitong atensyon sa kaibigan. Ilang segundo pa siyang nakatulala sa kawalan hanggang sa nagpasya siyang kapahin ang bulsa para kumuha ng panyo. Mabilis niyang pinahid iyon sa ilong ni Alison na ngayon ay naluluhang nakatingin sa kaniya.

"Come on, guys. You don't have to fucking worry about her. She's perfectly fine! Normal lang sa isang tao ang magnosebleed!" Depensa niya bago mariing hinawakan ang panyo na ngayon ay napuno na ng dugo.

Samantala, nag-aalangan man sa nakikita pero pinili ni Mills na lumapit. Tinatagan niya ang kaniyang loob at pinipilit na iwasan ang tingin na pinupukol ni Alison sa kaniya dahil pakiramdam niya ay bibigay nang kusa ang mga binti niya.

"Willow," malamyos niyang tawag sa kaibigan na kaagad din namang nailipat ang atensyon sa kaniya.

"M-mills," naiiyak nitong sagot. "Mills please I'm begging you, we're friends right? Help me defend Alison from them! It's not what they are thinking right now. H-hindi siya infected and she'll never be!" Pakiusap nito sa kaniya saka hinawakan ang magkabila niyang kamay. Nangungusap ang mga mata ng kaharap na nakatingin sa kaniya hanggang sa natagpuan niya na lamang itong nakaluhod sa mismong harap niya.

"She's completely fine, okay? Nothing is wrong with her. Ano ba, Mills! P-panigan mo naman ako. Pakinggan mo'ko kahit ngayon man lang!" Pagmamakaawa nito at hindi na nga napigilan pa ni Willow ang mga luhang kanina pa namumuo sa kaniyang mga mata. Kusa itong dumaloy nang sunod-sunod at tila ba wala itong balak na tumigil. Kasunod ng mga mga katas ng paghihinagpis ay ang mga palahaw niyang nagdala ng kirot sa puso ni Mills.

"I am not going to turn, r-right?" Alanganing tanong ni Alison saka sinikap na tumayo. Nanginginig man ang binti pero nakuha niya pa ring makatayo, ginamit niya ang magkabila niyang kamay para humawak sa armchair nang sagayon ay suportahan ang sarili.

"Just accept the fact that you're going to die." Diretsang singit ni Shilloh na siyang nakapagpapantig sa tainga ni Willow. Mariin niyang naikuyom ang kamay bago nilipat ang naluluha niyang mata sa kaklase.

Save UsWhere stories live. Discover now