Chapter 9: Delikado

1.6K 150 34
                                    

Viruses rely on the cells of other organisms to survive and reproduce because they can't capture and store energy themselves. That's why they are called "non living"

***

"Meeting adjourned," anunsiyo ng principal saka naman nagsitayuan ang lahat ng teachers mula sa iba't-ibang levels at departments. Halos magkakasabay lang din ang mga guro na nagligpit ng kani-kanilang gamit bago lumabas sa doble at malaking pinto ng session room.

"Mr. Winston and Ms. Garcia, pwede ko ba kayong makausap sandali?" sambit ng principal na siyang naging rason kung bakit napahinto ang dalawa sa pagliligpit ng kanilang gamit. Agad namang bumaling ang atensyon nila sa Ginang na inaantay ang kanilang magiging sagot.

"Tungkol saan po ito, Ma'am?" tanong ng dalagang guro at muling naupo nang senyasan siya nito.

"I've received a report tungkol sa estudyante mong si Chloe, how is she?" panimula nito na siyang nakapagpaayos ng upo sa maestra.

"She's doing fine. Nasa clinic siya ngayon at inaasikaso ni Nurse Gwendyl " magalang niyang sagot at doon lang natuon ang tingin ng principal sa gurong si Winston na tahimik at nakatingin ang mata sa labas ng bintana.

"I've checked the CCTV footage sa control room the day na lumabas si Chloe sa room ng Aries. And I've found out na sa science office─or should I say─ sa science lab ko siya huling nakita," mulit nitong banggit gamit ang kalmado niyang boses.

Nakatingin pa rin siya sa maestro na ngayon ay hindi pa rin umiimik at nanatili lang na tahimik. "Yet wala man lang makikitang bakas na lumabas siya ng lab mo for almost twenty hours. Care to explain about what just happened?" gatong nito bago inayos ang papeles sa kaniyang mesa. Kababakasan talaga ng pagdududa ang boses ng Ginang. Subalit sa kabila ng kaniyang sinabi ay hindi man lang iyon nagdala ng pagkabahala sa mukha ng lalaking guro. Bagkus ay kalmado niya lamang na inayos ang pagkakasuot ng kaniyang salamin.

"Oh, it seems like the air that lurking inside started to move in reverse. Ano bang meron at bigla ka nalang nag-alala sa 'estudyante' mo, Madame?" sarkastikong tanong ng gurong si Winston na siyang nagpaseryoso sa mukha ng kaharap.

"She's still my student. Kargo ko pa rin ang bata dahil nasa premises natin siya," diretso nitong sagot na siyang ikinangiti lamang ng guro.

"Naging kargo mo na lang siya bigla because you're scared to be criticize dahil sa kapabayaan mo, right?" walang takot nitong tanong dahilan kung bakit umiba ang timpla ng mukha ng Ginang. "Sa lahat ng ginawa ng school na 'to sa bata, pamamahiya at pangungutya lang ang natatandaan ko. And where are you at that time?" banggit pa ng maestro bago niya ito binalingan ng tingin.

Sa sinabi niyang iyon ay tuluyan niyang napatahimik ang kaharap. Hindi ito nakasagot waring labis na nainsulto sa kaniyang sinabi.


"Nagbubulag-bulagan ka lang sa mga nangyayari dahil pinagtatakpan mo ang maton na anak ng major shareholder ng school mo. And here you are right now asking about her condition? Madam principal, don't make me laugh," pagpapatuloy ng lalaki.

Ilang sandali pa ay tuluyan niyang hinawi ang kurtina sa glass window at doon malayang nakapasok ang sinag ng araw. Natuon ang kaniyang atensyon diretso sa malawak na field ng eskwelahan kung saan makikita at klarong maririnig ang sigawan ng mga estudyante sa labas. Sumunod namang napatayo ang principal bago lumapit sa glass window para tignan ang nangyayari.

Save UsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt