Chapter 26: Pag-asa

1.2K 89 21
                                    

Kaagad na sumaludo ang lahat nang makita si Assistant Chief Suarez na kalalabas lang ng opisina nito. Kasunod niya ang batang opisyal na si Deputy Chief Villanueva na binibigyan ng signal ang kaniyang mga tauhan na kaagad din namang lumapit sa kaniyang pwesto. Hindi pa man siya nakakapagbigay ng utos ay ang siya namang pagdating ng Chief of Police lulan ng isang sasakyan.

Lahat sila ay umayos ng tayo nang makitang papalapit ito sa kanilang pwesto. Sabay-sabay na sumaludo ang lahat bilang tanda ng pagbibigay respeto sa pinakamataas na officer sa kanilang departamento.

"Did I missed something here?" Bungad nito saka inosente silang tinititigan. Ni isa sa kanila ay walang sumagot na siyang naging mitsa kung bakit nabaling ang tingin niya sa harap kung saan nakatayo si Suarez.

"So you are giving them orders without considering my decision?" Sarkastiko nitong tanong. Humakbang ito papalapit sa kaniya bago sila nagsukatan ng tingin.

"Tinatraydor mo ba ako, Suarez?"

"I can't afford to watch my comrades fighting for the sake of this city while we are just here, sitting around the corner and waiting for them to give us reports. Hindi na tama 'tong ginagawa natin, Villafuerte." Kalmado niyang tugon at nang hindi sumagot ang kausap ay doon nabaling ang tingin niya sa kalalapag na choper hindi kalayuan sa kanilang pwesto.

"Kailangan ko nang umalis. Inaantay na ako ng mga tauhan ko." Paalam niya at bago pa man siya makapagpatuloy sa paglalakad ay kaagad na nahigit ni Villafuerte ang kaniyang braso.

"At kailan pa naging tauhan mo ang mga nasasakupan ko? Nagpapatawa ka ba, Suarez?" Muli nitong hirit at tila pinipilit na lang nito na kontrolin ang namumuong inis sa kaniyang loob.

Bumuntong-hininga muna ang kausap bago niya ito sinagot.

"Leadership is seen by action and not in someone's position. Kaya kung hindi mo kayang gawin iyong sinumpaan mo. Mas mabuti pa siguro kung magkaniya-kaniya na lang tayo." Buong tapang niyang sambit saka binawi ang kamay at diretsong naglakad patungo sa chopper. Nakayuko namang lumagpas sa Chief of Police si Villanueva at hindi na nag-abala pang salubungin ang nagbabantang tingin na nagmumula rito.

Saktong ilang hakbang na ang layo nila ay ang siya namang pagdating ng mga media. Sabay-sabay ang mga itong nagsilapitan sa pwesto nila at huli na para sa ibang mga pulis na pigilan ang mga iyon. Kaagad silang napalibutan ng mga Intelligencers dahilan kung bakit hindi na sila nakaalis pa. Kalmado itong hinarap ng Assistant Chief at doon umayos ng tindig bago tuluyang hinarap ang mga reporters na galing pa sa iba't-ibang networks.

"Sir, we are here to ask you a few questions regarding to the nation's current state." Bungad ng isang babae na nasa harap lang niya.

"Why did the government decided to put our country under martial law?" Diretsong tanong nito bago nilapit ang hawak na mikropono.

"We are currently facing a huge crisis," direktang sambit ni Suarez. "Ang lahat ng viral photos, live videos and such na kumakalat ngayon sa social media ay hindi po edited."

Matapos niya iyong sambitin ay umugong ang mga bulungan sa paligid. Sandali pa siyang nag-antay na humupa iyon saka muling nagsalita.

"Our president agreed about Chief of Police Villafuerte's suggestion to put our country under martial law for good. Ang kasong kinakaharap ngayon ng bansa ay hindi po isang biro." Paliwanag niya at muli na namang nagsitaasan ang boses ng mga newspeople para kuhanin ang atensyon ng opisyal.

"Some are being skeptical about the statement in which you and your team have claimed about those zombies taking over our city. And there are also rumours that the government just used that card to cover up an ulterior motive. Totoo po ba ang sinasabi ng karamihan o hindi? Ano po ang masasabi niyo patungkol dito?"

Save UsWhere stories live. Discover now