Chapter 14: Takas

1.2K 131 14
                                    

Viruses are like hijackers. They invade living  normal cells and use those cells to multiply and produce other viruses like themselves. This harm, damage or kill a cells that will make you sick until you die.

***

"Now, hit the play button." Utos ni Wren kay Willow na kaagad namang sinunod ng dalaga. Nang magsimula na ngang tumugtog ang kanta ay mabilis na nagwala ang mga zombies sa labas at dagliang nagsi-alisan sa harap ng kanilang room bago iyon tuloy-tuloy na tinungo ang second floor kung saan nakapwesto sa kanilang itaas ang bluetooth speaker na ginagamit nila ngayon.

Samatala, nakatuntong naman sa ibabaw ng teacher's table si Earlyseven upang magsilbi nilang lookout. Todo silip ang binata sa bintana para matignan kung ano na ang kasalukuyang sitwasyon sa labas.

"P-putangina, sumunod nga sila." Namamangha niyang sabi bago tumingkayad upang mas lalong makita ang mga nangyayari.

"Ano na, Ryder? Pwede na ba nating madaanan ang corridor?" Atat na tanong ni Corbin  habang hinahawakan nito ang pinagpatung-patong nilang armchair para makasilip ito sa labas.

"S-sobrang dami nila. Hindi pa rin sila nauubos sa kadadaan sa labas." Sagot  nito habang hindi pa rin nag-iiwas ng tingin.

"Saan ba galing iyong iba? Imposible naman siguro kung marunong maki-usyo ang mga zombies, di'ba? Miski tayo nga na nandito lang sa ibaba ay nahihinaan sa music." Nagtatakang untag ni Alison.

"If they won't stop coming here, then kinakailangan nating makahanap ng panibagong speaker." Tugon ni Ledger saka niya nilabas ang cellphone niya.

"There are no available speaker na pwede nating ma-access aside from Poseidon. Meron sa  control room na kayang makapag-play sa halos lahat ng  speaker sa buong school. Pero hindi naman natin kayang i-maneuver iyon using our phones." Singit ni Willow.

"Viruses sometimes travel in groups kaya siguro grupo-grupo silang pumupunta rito." Paliwang ni Meadow saka naman nangunot ang noo ni Ledger.

"Viruses go and infect a hosts by groups dahil hindi iyon magwowork pag kaunti lang sila. Hindi ko rin halos ma-imagine na por que ganoon magtrabaho ang virus ay ganon na rin ang epekto no'n sa mga infected." Kontra nito at muli na naman silang binalot ng katahimikan.

"Kumukunti na ang bilang nila. Wala na rin akong nakikita pa na may mga pumapasok sa corridor natin," sambit ni Earlyseven saka nilingon si Yohan.

"Lalabas na ba tayo, tol?" Baling nito sa kaniya at kaagad namang nilibot ni Yohan ang tingin sa loob. Sinigurado niya muna na handa ang mga kasama niya bago sila umalis.

"Sige, lalabas na tayo. Pero hangga't maaari ay walang kakalas sa grupo at mas lalong walang dapat na  magpapabaya. Always remember to have each other's backs." Bilin  nito saka niya nilapitan ang pinto. Sumunod naman sa kaniya si Corbin at tumulong na rin siya sa pag-aalis ng mga armchairs na pinangharang nila rito.

"Kapag ako talaga namatay sa pagkakataong 'to, Yohan. Tamo, mumultuhin kita gabi-gabi." Banta nito sa binata na siyang ikinailing lang ng kassma.

Pigil-hiningang pinihit ni Yohan ang seradora para lang hindi ito gumawa ng ingay. Nang saktong nakabukas na ay sumenyas kaagad ito kay Cody at siya ang pinauna nito, matapos makalabas ang lahat ng lalaki ay ang mga babae naman ang pinasunod niya. At dahil nga sa nasa ground floor lang sila at ang classroom nila ito ang pinakamalapit sa labasan ng building ay tahimik silang nakaalis. Lakad-takbo ang ginawa ng grupo saka doon nila timungo ang gawing likod ng kanilang building kung saan doon ang daan patungo sa second gate.

Nang saktong nakapasok na sila sa isa na namang corridor ay maingat nilang nilakad ang napakatahimik at napakagulo nitong daanan. Saglit na napahinto sa paglalakad si Cody na siyang nasa unahan nang may makitang isang zombie na patuloy na dinadamba ang sarili sa isang room. Agad tinubuan ng kaba ang lahat nang makita ito pero hindi nagpatinag ang binata. Sandali niyang nilingon ang mga kasama saka dinampi sa kaniyang labi ang hintuturo niya senyales na binibigyan sila nito ng babala na 'manahimik'.

Save UsWhere stories live. Discover now