Chapter 12: Kumpirma

1.4K 128 23
                                    

"May nahanap ka ng bluetooth speaker, teh?" Tanong ni Alison kay Willow habang tutok ang mata nito sa kaniyang cellphone. Kanina pa ito naglo-loading hanggang sa biglaang nagpop-up sa screen niya ang available na speaker.

"Gotcha. Sa Grade-10 Poseidon 'tong nakita kong bluetooth speaker. Connect ko na ba?" Tanong ni Willow saka bahagyang tumihaya upang silipin ang pwesto ni Wren.

"It's a good spot pero standby ka muna." Sagot nito habang abala ang kamay sa paglalagay ng packing tape sa palapulsuhan ni Meadow.

Kasalukuyang nagkaniya-kaniya ang magkakaklase sa loob para atupagin ang mga bagay na dapat nilang pagtuunan ng pansin sa ngayon. Si Wren ang nanguna sa paglalagay ng tape sa braso ng kanilang mga kaklase. Si Willow at ang kaibigan nitong si Alison ang siyang nakatoka sa paghahanap ng bluetooth speaker na pwede nilang magamit para sa gagawin nilang plano habang si Mills ay abala sa pagsasagawa ng kaniyang sariling naisip na plano. Samantala, pinangunahan naman ni Yohan ang pagtitipon ng mga gamit na pwede nilang gamiting panlaban kasabay ni Cody.

"Hindi naman sa nagrereklamo ako, Wren ha. But," sandaling sinilip ni Meadow ang ekspresyon ng kaklase na ngayon ay seryoso sa ginagawa bago muling nagsalita. "I think this packing tape won't help. Kung gagamitin natin 'tong pangharang kung saka-sakali ay babaon lang kaagad ang mga ngipin ng mga zombie sa balat natin." Nag-aalala niyang tugon gamit ang kalmado at mahinhin nitong boses.

Nang magupit na ni Wren ang packing tape ay hinimas niya iyon para dumikit nang maigi. Matapos niyang gawin iyon ay doon pa lang niya sinalubong ang tingin ng kaharap.

"That's why I packed your arms together with your coat para mas makapal." Sagot nito at inabot sa kaniya ang isa pang packing tape at hindi na muling nagsalita bagkus ay tinungo na niya ang pwesto ni Alison at ito na naman ang sinunod niyang balutan.

"Ayan, okay na 'to," banggit ni Mills matapos maitali ang cellphone niya sa remore controlled car ni Willow. "Kung hindi pa rin sila madadala sa bluetooth speaker. Pwes, papasunurin natin sila gamit nito." Dagdag niya saka sinipat nang maigi upang masigurong hindi bibigay ang ginamit niyang pantali.

"Ngayon ko lang talaga na-appreciate iyong pinapa-project ni Miss Garcia. Never ko talagang na-imagine na magiging ganito 'yan ka-useful." Komento ni Earlyseven habang gumugupit ng panibagong tali bago iyon inabot kay Mills.

"Well, expect the inspected." Sukli ni Mills na siyang ikinaismid si Corbin na ngayon ay nakatayo ngayon sa bandang likuran habang tumutulong sa pagbubuhol ng mga kurtina.

"Expect the unexpected iyon, gago. 'Wag ka na nga kasi mag-english, panget mo pakinggan." Sabat nito at umiling. Sa halip na makipagpalitan pa ng salita ay lihim na lamang na napatawa si Mills. Matapos siyang makasiguro na ayos na ang ginagawa niya ay doon niya pa lang iyon tinabi.

"Atleast, hindi lang ang RC car ni Miss Garcia ang magiging usable sa sitwasyon natin ngayon." Singit ni Ledger dahilan kung bakit naagaw ang atensyon nila Mills, Corbin at Earlyseven sa binanggit nito.

"Anong ibig mong sabihin, Ledger?" Kunot-noong tanong ni Earlyseven.

"Sir Winston onced taught us about virus, right? And based on what you guys discussed about your individual experiences, may sense iyong tinuturo niya sa'tin." Dugtong nito at itinaas ang notebook niya kung saan nandoon nakasulat ang kaniyang mga nakopya.

"According to Alison, nang kagatin ng nurse ang biktima nitong estudyante ay naging zombie rin ito pagkatapos. So what do you guys think?" Tanong nito sa kanilang tatlo pero walang nakasagot sa kanila kahit isa. Sa ekspresyon nilang tatlo ay mahahalatang wala talaga silang kahit katiting na ideya kung ano ang nais niyang ipunto. Sa sandaling katahimikan na nanaig ay kulang na lang na magkakuliglig sa loob dahil tila ba kumakausap lang si Ledger sa hangin.

Save UsOn viuen les histories. Descobreix ara