Chapter 13: Paghahanap

1.4K 115 17
                                    

Buong pagtataka ni Quincy nang hindi siya naging zombie. Akala niya talaga kanina ay tuluyan na siyang mamamatay o 'di kaya ay magaya sa mga ito pero tila sinabuyan siya ng swerte dahil hanggang ngayon ay isa pa rin siyang tao.

Dahan-dahan siyang bumaba sa mesa kung saan siya napahiga at inatake kanina pero para bang walang pakialam ang mga zombie sa kaniya bagkus ay gumagalaw lang ito nang walang direksyon. Lumunok pa siya ng makailang beses at saka inabot ang pitsel hindi kalayuan sa kaniyang tabi. Hinulog niya ito kaagad dahilan kung bakit nagsilapitan ang mga iyon sa kaniya pero hindi pa rin siya nito napapansin.

"A-anong nangyayari?" Tanong niya at muli na namang nagsilapitan ang mga zombie nang marinig ang boses niya pero muli, hindi siya nito inatake. Ilang segundo pa siyang tumayo roon hanggang sa nagpasya siyang lumakad at nagdalawang-isip pa siya kung hahawiin niya ba ang mga halimaw na humaharang sa daanan ng kitchen o hindi. Sinubukan niya itong hawakan pero hindi rin ito nanlaban bagkus ay tuloy-tuloy lang iyon sa walang katuturan nitong pinaggagawa.

Wala sa wisyong namuo ang ngisi sa kaniyang mukha. Pakiramdam niya ay mas nakakataas na siya ngayon kaysa nong dati. Kaagad siyang umalis doon sa kitchen at binaybay ang daan patungong cafeteria. Sumalubong sa kaniya ang mga nagkalat na gamit at ang mga naglalakad na zombiea sa paligid. Hindi rin nakatakas sa mata niya ang mga sariwang pulang likido na tila tubig na bumabaha sa loob.

Nong nasa corridor na siya ay doon niya pinatunog ang buto niya sa gawing batok na tila ba nag-eehersisyo. Kaaagad bumalik sa kaniyang ala-ala ang malagim niyang sinapit sa kamay ni Yohan at ang kagustuhan niyang maghiganti dahil sa ginawa nito sa kaniya.

"YOHAN VERGARA!" Malakas niyang sigaw dahilan kung bakit nagsilapitan ang halos lahat ng zombies sa pwesto niya ngayon. "Kahit saang lupalop ka pa magtagong hayop ka, hahanapin pa rin kita." Seryoso niyang banggit. Saktong pagtama ng kaniyang mata sa salamin ay doon niya nakita ang estado ng kaniyang mukha. Dumaan ang matinding pagkadisgusto sa mukha ng binata matapos niyang mausisa ang kaniyang sinapit.

"Hindi pwedeng hindi ka makakabayad sa kaputanginang ginawa mo sa'kin." Dagdag niya bago inalis ang tingin sa salamin at muling naglakad sa matulin nilang hallway.

Saktong pagdating niya sa second gate ng Junior High ay doon siya pansamantalang tumigil nang may biglaan siyang naamoy na kakaiba. Ilang beses man niyang punasan ang kaniyang ilong pero hindi iyon mawala-wala, tila ba hindi siya nito titigilan hangga't hindi niya iyon nahahanap.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay tila ba nahipnotismo si Quincy waring wala na siyang iba pang maamoy kundi iyon. Iyon din ang naging rason kung bakit biglaan na lamang ding kumalam ang kaniyang tiyan.

Lumingon-lingon pa siya sa kaniyang paligid at nagbabakasakaling makita niya ang pinagmumulan ng ibayong klaseng pagkain pero wala siyang mahagilap. Hindi niya rin matukoy kung ano ito dahil sa buong buhay niya, ngayon niya lang ito naamoy.

"Psst! Quincy! Hoy, dito sa taas!" Kaagad dumapo ang kaniyang mata sa hindi gaanong kataaaang puno hindi kakayuan sa kaniyang pwesto. Doon niya nakita ang isang pamilyar na lalaki na nakaupo at nagtatago sa likod ng mga dahon. Boses at postura pa lamang nito ay agaran niyang nakilala kung sino nga ba ito.

Gumuhit ang tipid na ngiti sa labi ni Quincy bago nakapamulsang tumingala. Kung siya ay isang literal na bully, ang kaharap niya naman ngayon ay isang high-muck-a-muck. Ang nag-iisang estudyante sa loob ng Juanico na naging karibal niya sa hindi na mabilang pang taon.

At dahil nga sa wala naman siyang iba pang gagawin bukod sa mahanap sila Yohan ay pinili niya munang sumaglit.

"Ano bang kagaguhan 'yang ginagawa mo?" Banggit nito sa kaniya. "Umakyat ka nga rito baka makita ka pa ng mga zombie!" Pabulong na sermon ng kaharap at paulit ulit itong sumenyas na umakyat na siya.

Save UsWhere stories live. Discover now