Chapter 30: Katotohanan

1.1K 103 4
                                    

"Chloe Montemayor is my long time sister." Pag-amin ni Wren na siyang dahilan kung bakit hindi kaagad nakasagot ang lahat. Halo-halong mga emosyon ang nakita niya sa mga kaklase bagay na siyang hindi niya ikinapagtaka dahil inaasahan niya naman ang magiging reaksyon ng mga kasama.

"Nice joke 10/10 ang rate ko. Maganda ang construction, may humor, gumamit ng figurative words para mas impactful iyong joke. Angas din ng delivery at timing kasi on-point, madali rin ma-gets at higit sa lahat relatable siya. To make it short, perfect iyong joke natawa ako 3 times like hahaha. Keep it up. Malayo mararating mo, mula Juanico High hanggang sa kabilang buhay." Sagot ni Corbin dahilan kung bakit nilingon siya ng dalaga. Akmang hihirit ito ulit pero naunahan na ito ni Wren.

"This might be sound  comical antic, pero hindi ako nagbibiro. Kapatid ko talaga siya."

"Tangina, mas mahirap pa'tong intindihin kaysa sa Synthetic Division. Parang ayaw tanggapin ng utak ko iyong sinabi mo, Wren." Sambit ni Earlyseven saka marahang hinawakan ang kaniyang sentido.

"Luh gago. Baka sa susunod nito sasabihin niyo rin pati si Quincy, kapatid niyo. Gagi huwag." Singit ni Ryder na kaagad namang nasiko ni Cody.

"Kung pareho kayong hindi naging full-fledged zombie. Posible kayang isipin na nasa dugo niyo talaga 'yan?" Alanganing sabat ni Mills. Saglit silang natahimik na tila ba tinitimbang nila kung maniniwala ba sila sa konklusyon nito o hindi.

"Acceptable sa part ni Chloe na naging kalahating tao at kalahating zombie siya because of her experimental development. May mga basic formations sa dugo niya or ibang parts na naiba dahil sa dinaanan niyang unusual process. Pero sa kaso mo, hindi eh. So we can consider her conclusion that there must be something in your family's bloodline, Wren." Konklusyon ni Willow na siyang sinang-ayunan naman kaagad ng iba.

"What if magpaturok din ako kay Sir Winston?" Sabat ni Corbin habang nakapangalumbabang tinignan ang mga kaklaseng nagpapalitan ng teorya.

"Tuturukan ka raw pero semen iyong ipapasok." Sagot ni Ryder dahilan kung bakit sinamaan siya nito ng tingin.

"Paki lugar iyong pagiging manyak, Ryder. Nakakahiya ka." Bulong ni Cody sa kaniya pero nagkibit-balikat lang ang kaibigan.

"Pero seryoso, baka may something din kasi sa dugo ko at mabigyan pa ako ng chance na magtransform. Aba, malay natin baka same kami ng variant ni Hulk." Seryosong paliwanag ni Corbin bago tumayo. Saglit pa siyang nag-unat bago pinaghahampas ang kaniyang dibdib.

"HULK SMASH!" Sigaw niya saka sinuntok ang pader. "Aray ko, tangina!" Reklamo niya nang halos hindi na niya maramdaman ang kaniyang daliri dulot ng malakas impact.

"Speaking of Sir Winston," usal ni Meadow bago nilingon si Wren. "How did he found out about Chloe's unavowed peculiarity? I mean, imposible kasing isipin na he just did his 'experiment' by choosing his students randomly."

"Naalala niyo pa  no'ng nagpa-health screening tayo?" Banggit ni Mills na siyang kaagad naman nilang sinagot ng tango. "May nasabi kasi sa'kin si Elsie that time na hindi ko lang masyadong sineryoso."

"Wala ka naman talagang siniseryoso, long quiz nga natin 'di ka nangalahati t─ Aray! Oo na, tatahimik na!" Singit muli ni Corbin.

"Tungkol saan ba iyon, Mills?" Tanong ni Meadow.

"Tungkol iyon sa dugo ni Chloe na binukod sa ibang sample tube. Kung tama ang pagkakatanda ko, may nakita raw ang mga nurse na kakaibang formation sa dugo niya na siyang hindi pa nila na-discover dati. Isang uri ng dugo na never pang nag-exist sa history ng biology," panimula niya bago nilagay sa apoy ang hawak niyang kahoy. "Ang sabi niya sa'kin, iniwan daw nila ang sample tube kay Sir Winston para mas mapag-aralan niya iyon. Dati siyang Med-Tech di'ba? So dahil siguro sa pag-test niya sa dugo ni Chloe, doon niya na nalaman na iba siya."

Save UsWhere stories live. Discover now