Chapter 32: Imbestiga

998 84 0
                                    

Kasalukuyang nasa loob ng camp si Zigler kung saan patuloy pa ring ginagamot ng Military Nurse ang kaniyang mga natamong sugat. Hindi biro ang sinapit niya para lang makaalis mula sa Juanico High at mapa-hanggang ngayon ay hindi pa siya halos makapaniwala na tuluyan na nga siyang nakaligtas mula sa malagim na landas na pinagmulan niya. Kung hindi napadaan ang Black Mamba mula sa isang shop na pinagtaguan niya ay baka tuluyan na nga siyang nasama sa mga pagsabog na naganap sa siyudad.

"Ayos na 'tong sugat mo." Imporma ng nurse sa kaniyang tabi matapos nitong  mabendahan ang sugat sa kaniyang tuhod.

Hindi kumibo si Zigler bagkus ay tipid na tango lang ang kaniyang isinagot.

"May pagkain din diyan sa gilid kung saka-sakali mang gusto mong kumain," turo nito sa maliit na mesa hindi kalayuan sa kaniyang pwesto. "Kung may kailangan ka, tawagin mo lang ang kahit sinong military men diyan sa labas. Aasikasuhin ko lang muna ang iba pang survivors."

Muli ay hindi siya umimik bagkus ay pinasadahan niya lang ng tingin ang pagkaing nakahain sa ibabaw ng mesa.

Tahimik na niligpit ng nars ang kaniyang mga gamit bago ito nagpasyang lumabas na siyang pinanood lang ni Zigler.

Muli ay naiwan siyang mag-isa sa loob, ngunit sa halip na maging kampante siya para sa lagay  niya, mas lalo lamang siyang inatake ng samut-saring emosyon na tila nagkukumahog na sa pag-labas.

"What have you done, Pa?" Wala sa wisyo  niyang tanong sa sarili habang nakapako ang tingin sa gawing bintana. Pinalandasan niya ng tingin ang bagong dating na military truck na may sakay na mga sibilyan. Huminto iyon sa harap ng gate saka sunod-sunod na bumusina. Ilang saglit pa ang lumipas at malayang nakita ng binata ang pagbagsak ng isang lalaki sa ibaba. Hindi iyon kaagad nakatayo bagkus ay para bang hinang-hina itong kumilos na siyang hindi na niya ikinapagtaka pa. Sa ilang araw niyang pakikipagsapalaran para lang mapanatiling buhay ang sarili ay hindi na bago sa kaniyang paningin ang makasaksi ng ganitong kaganapan. At nangyari nga ang kaniyang inaasahan, nag-umpisa ngang mag-seizure ang lalaki senyales na magiging isa na itong halimaw.

Kitang-kita ni Zigler kung paano iyon gumalaw na tila wala sa kontrol ngunit bago pa man iyon mabigyan ng tyansang makatayo ay mabilis na nakaresponde ang mga sundalong nasa pwesto upang paputukan iyon nang paulit-ulit hanggang sa hindi na nga nakagalaw pa. Umalingawngaw ang putok ng baril maging ang sigawan ng mga taong nasa loob din ng truck na siyang hindi nakaalapas sa pag-ooberba ng binata.

"You risked everything for me to stay alive," mahina niyang banggit saka nag-iwas ng tingin. "Sa kagustuhan mong mabuhay ako, sinakripisyo mo ang buhay ng lahat ng tao."

Dulot ng mga nangyari ay hindi niya rin mapigilang sisihin ang sarili kahit aminado siyang hindi niya kasalanan. Ngunit pilit na tinatatak ng kaniyang isipan na kung hindi lang dahil sa pinanganak siyang may dinadalang sakit, hindi sana sila aabot sa ganitong sitwasyon.

"Have you forgot what I've told you last time? That I don't fucking care if I'll suffer from this illness for life. Hindi ko kailangan iyong gamot na ginagawa mo para lang gumaling ako. What I needed the most is your love and care as my father. Atensyon mo lang naman sana iyong hiningi ko ah. Atensyon na ni minsan, hindi mo man lang magawang ibigay." Dagdag niya pa. Sa hindi na mabilang pang pagkakataon ay nakaramdam siya ng panghihina dulot ng mga emosyong tila nais siyang sakalin sa sobrang bigat. 

Wala sa wisyo siyang napaiwas ng tingin at doon ikinalma ang sarili. Mahirap mang gawin ngunit kinakailangan niya munang isantabi ang mga bagay-bagay na bumabagabag sa kaniya nang sagayon ay mabigyan niya rin ng oras ang sarili niya na makabawi.

"Nakapagpahinga ka ba nang maayos, hijo?" Kaagad siyang napaayos mula sa kaniyang pagkakaupo nang may marinig siyang nagsalita. Wala sa wisyong napatikhim si Zigler at doon mabilisang inayos ang sarili bago siya nagpasyang lumingon.

Save UsWhere stories live. Discover now