Chapter 10

61.5K 3.6K 1.9K
                                    

I THOUGHT OF THE KISS AGAIN.


Paggising ay awtomatiko na napahawak agad ako sa aking mga labi. Hindi agad ako bumangon sa kama dahil mga ilang minuto pa akong tumulala. Ganito rin ako kagabi, hindi agad ako nakatulog. Paguwi ko ay bumalik sa akin ang ginawa namin ni Hugo sa ilalim ng puno ng mangga. Ngayon naman ay napapaisip pa ako kung totoo ba talaga iyong nangyari o panaginip lang ba.


Na nagawa ko talaga iyon. I didn't know I had it in me. That I could be daring. Kung malalaman iyon ng mga nakakakilala sa akin ay baka malaglag ang mga panga nila. 


Kahit ako ay nagulat sa sarili. That was my first kiss and I was only seventeen for Pete's sake! And of all men, the man I kissed was none other than the notorious happy-go-lucky and rebel student, Hugo Emmanuel Aguilar.


But you know what? I didn't regret kissing the guy. Nor do I dislike it.


In fact, sa halip maging awkward kami ni Hugo sa isa't isa ay parang natibag pa ang pader na nasa pagitan namin. Siguro dahil bukod sa makapal ang mukha niya ay alam naman namin pareho na wala akong gusto sa kanya.


Napailing ako nang umalis mula sa kama. Naghanda na ako para sa pagpasok sa school. Inihatid na ulit kami ni Daddy. Sa pagkakataong ito ay himala na sumabay sa amin sa kotse si Kuya Jordan.


Humalik ako kina Mommy at Daddy sa pisngi bago ako naglakad papunta sa building ng Grade 11. Nakasalubong ko sa hallway si Mrs. Aguilar na mommy ni Hugo. Ang istriktang teacher ay nakasimangot habang naglalakad. Mukhang maaga pa lang ay nangunsumi na.


Galing ang ginang sa room namin kaya ibig sabihin ay naroon na si Hugo. Kahit tamad ang lalaki mag-aral ay isang bagay ang kahanga-hanga sa lalaki, madalas siya na maagang pumapasok sa eskwela.


Pagpasok sa room namin ay kakaunti pa lang ang estudyante. Narito na nga si Hugo. Basa pa ang kanyang buhok na pagkaligo yata ay deretso alis na sa bahay ang ginawa. Nasa upuan na siya at sinusundot ng kuko sa hinliliit ang kaliwang tainga.


Kaswal akong lumapit at naupo sa aking upuan na katabi ng kanya. "Gusto mo bang ibili kita ng cotton buds?"


Nag-unat siya ng mga braso. "Wala naman talaga akong tutule, trip ko lang sundutin minsan tainga ko."


"Why?"


"Trip ko nga lang. Kailangan pa ba ng explanation? Saka trip ko ring magpamasahe ng palad at mga daliri minsan."


Inilagay ko ang aking bag sa likod ng upuan at nilingon siya. Kinakamot niya na ng mahabang hintuturo ang kanyang makapal na kilay. Ang ahit niya roon sa kilay ay hindi na gaanong pansinin dahil humaba na ang kanyang buhok.


Kumiling ang mukha niya sa akin. "Gustong-gusto ko rin na nagpapahaplos sa ulo ko."


"What are you, a dog?"


Sinimangutan niya ako. "Aso lang ba ang ganoon?"

South Boys #4: TroublemakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon