Chapter 57

71.7K 5.1K 4.3K
                                    

Trigger warning: This chapter is disturbing and may be traumatizing. Contains sexual abuse of minor, and strong language. You can skip this chapter if you feel uncomfortable-------------------------------------------------------------------------------------------------



I DIDN'T WANT TO DO THIS ANYMORE.


I needed to get out not only because I was scared to completely forget where do I stand, but also because I wanted to protect my son. Hindi deserve ng anak namin ng isang pamilya na buo nga, pero huwad naman.


I agreed to marry Hugo, and that was my mistake. Naging pamilya kami, napo-provide niya ang mga kailangan namin ni Hyde, and we were also sexually compatible. He was a complete package, a good husband and a father, but that was not enough. He was fooling me. He was fooling our son. And he was fooling himself. We lived together in the same house, but his heart was not here. Wala sa amin.


Ang puso niya ay naiwan sa ibang babae. Nandoon pa rin kay Sussie.


Ayaw ko na ng mga gabing mag-o-overthink ako, ayaw ko nang mangapa kung saan dapat ako, at ayaw ko na ring matuwa habang umaasa sa wala. Hindi ko rin deserve iyon. Wala kahit sinong babae ang may deserve nang ganoon.


Nagdesisyon na ako na tuluyang makipaghiwalay na. Wala na akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao, o kahit ng mga pamilya namin. Para ito sa anak ko, at higit sa lahay ay sa puso ko. Kahit ngayon lang, pipiliin ko na maging makasarili.


Nasa kama ako at pawisan na naglalagay ng damit sa maleta nang biglang bumukas ang pinto. Natatandaan ko na ini-lock ko iyon kaya gulat na lumipad doon ang aking paningin.


"WHAT THE HELL ARE YOU DOING?"


Nanlaki ang aking mga mata nang makita na nakatayo roon si Hugo. Sinundan niya ako. Hawak niya sa kamay ang spare keys ng mga kuwarto.


"H-Hugo, I won't take Hyde with me, but I will come here every day to take care of him. Saka lang ako hindi pupunta kapag uuwi ka. Or puwede rin siyang mag-stay sa akin, at uuwi na lang kapag nandito ka—"


Malamig ang mga mata niya. "Napagdesisyunan mo lahat agad iyan ngayon? O matagal mo nang plano?"


Umawang ang mga labi ko. "N-no... Of course not..."


"Really?" mapait na sambit niya. "Ang bilis mo namang nakapagplano."


"We can practice healthy co-parenting. Hindi ko naman ilalayo si Hyde, kilala ka na rin niya, hindi siya lalayo sa 'yo. Nasa pag-uusap naman—"


"And then what? You'll go back to that bastard?"


Napahumindig ako. "Hugo, walang kinalaman si Harry dito!"


"Kaya nakapagdesisyon ka agad dahil lang pumunta siya? Do you still love him?"


Napatayo na ako. "And how about you? Aminin mo man o sa hindi, I know that you still love Sussie!"

South Boys #4: TroublemakerWhere stories live. Discover now