The Final Chapter

86.6K 5K 4.7K
                                    

ANG LAKAS NG KABOG NG DIBDIB KO HABANG PALAKAD-LAKAD SA SALA.


Ilang minuto pa lang ang nakakalipas, pero panay na ang tingin ko sa pinto. Panay ang tingin sa oras. Hindi lang ako ang aligaga, kundi pati ang bata sa loob ng tiyan ko. Pareho kaming hindi makalma. At noong tumunog ang doorbell sa labas ay bigla na lamang akong nanigas.


Hindi ko makuhang gumalaw, kaya si Carlyn na ang lumapit para tingnan kung sino ang dumating. At sa pagbalik nito ay daig ko pa ang hinugutan ng paghinga nang makitang kasama na si Hugo.


I felt my heart skip a beat when I saw him again. Ngayon na lang ulit siya pumunta rito mula noong nagkasakit siya at sa pagdaan niya bago nagpunta sa presinto.


Nang matitigan si Hugo ay napamaang ako sa itsura niya. His hair was disheveled and the collar of his white polo was tangled. Para ba siyang nagbihis at nag-ayos ng sarili sa loob lang ng ilang segundo. Hindi rin siya naka-tuck in, nakalawit pa ang dulo ng belt sa suot na pantalon, at nasa kamay niya pa ang susi ng kanyang kotse, hindi pa niya naibubulsa.


"Jillian, bakit mo ako pinapapunta?" humihingal pa na tanong niya.


Hindi ako makapagsalita habang nakatingala sa kanya. Sa kabila ng paghingal niya, hindi maayos na itsura, ekspresyon na parang tanga, saksakan pa rin ng guwapo ang lalaking ito. Ganito rin kaya ulit ang magiging itsura ng baby ko?


"What?" Napatigil naman si Hugo nang makita akong nakanganga sa kanya. Bumadha ang sakit sa mga mata niya. "False alarm lang ba?"


Magsasalita na ako nang bigla namang bumaba sa hagdan si Hyde. "Daddy!" masayang sambit nito. Karga ng bata ang pinsan na parang malusog na unggoy na nakapulupot dito.


"Daddy!" tili rin naman ni Mara. Naki-daddy.


Kinuha naman agad ni Carlyn si Mara mula kay Hyde. "Mara, that's not your daddy. Mas guwapo riyan daddy mo."


"Then where ish daddy?!" Nag-pout si Mara at yumapos sa ina. 


"Naghuhugas ng plato sa kusina. Saka, bakit ba nagpapakarga ka kay Kuya Hyde mo? Hindi mo alam kung gaano ka kabigat, ha?" Umakyat na ang mag-ina sa itaas.


"You're really here, Daddy!" Lumapit naman sa amin si Hyde, at yumakap agad sa bewang ni Hugo. "I miss you, Daddy!"


"I miss you, too..." Hinaplos ni Hugo ang ulo ng bata. "So how is my big boy?"


"I'm good!" maliksing sagot ni Hyde. Nangingislap ang mga mata habang nakatingala kay Hugo at hindi pa rin umaalis sa pagkakayakap sa bewang niya.


Ang init sa dibdib na pagmasdan ang mag-ama. Nagkakausap sila nang madalas sa phone, pero iba pa rin talaga kapag nagkikita sila. You could tell how much they missed each other.


"Daddy is so glad to know that," ani Hugo na puno ng fondness ang mga mata sa bata. Nang tumingin siya sa akin ay kahit wala siyang sabihin, ramdam ko sa mga tingin niya ang pagpapasalamat.

South Boys #4: TroublemakerWhere stories live. Discover now