Chapter 14

47.7K 3.2K 1.5K
                                    

WE UNDERSTAND EACH OTHER.


Napapangiti ako habang tumitingin ng CD ni Taylor Swift. Nandito ako sa SM kasama sina Mommy at Daddy. Dito kami dumeretso pagkatapos kaming sunduin ni Daddy sa school kanina. Si Kuya Jordan lang ang hindi namin kasama.


"Jillian, parang may iba sa 'yo ngayon," puna ni Dessy sa akin. Sumabay siya sa amin nina Mommy papunta rito sa SM. Magkikita sila ng boyfriend niya mamaya.


"Anong kakaiba?"


"Hmn, di ko mapunto e. Basta, may nagbago sa 'yo."


"Baka lalo lang akong gumanda," mahinang sabi ko na ikinatanga ni Dessy.


Na ikinatanga ko rin. Mahina man ang pagkakasabi, I still bragged about my physical appearance. It was kind of shocking that I sounded like an overconfident person. Ah right, I had been hanging around with a certain someone.


Nang umalis na si Dessy dahil nag-text na ang boyfriend ng babae na nasa groundfloor na raw ito ng mall ay naiwan na akong mag-isa. Dati-rati'y ay nag-e-enjoy ako na tumitingin ng kung hindi mga libro ay mga mga CDs, pero ngayon ay naiinip na ako.


Hindi ako puwedeng umalis dito dahil dito ako iniwanan nina Mommy. Dito nila ako babalikan. Iniwan lang nila ako sandali dahil may kinatagpo sila sa foodcourt. Kaya rin nila ako iniwan ay dahil alam nilang kasama ko naman si Dessy.


Nag-text na ako kay Mommy na nakaalis na si Dessy, kaya siguradong magmamadali na sila ni Daddy na balikan ako ngayon dito. Habang naghihintay ay nagtingin-tingin na lang ulit ako ng mga CD. Nadampot ko ang album ng Hale. Naaliw ako na tingnan iyon.


Ang mga kanta ay Broken Sonnet, Blue Sky, Kahit Pa, pero ang pinaka kumuha sa atensyon ko ay ang kantang "The Day You Said Goodnight". Naalala ko na narinig kong kinanta iyon ni Hugo. Naibalik ko agad ang CD sa rack. Hugo again. He was all I ever think about now. Ah, there was something definitely wrong with me.


Tinawag na ako ni Mommy na dumating na, "Jillian, tara na! May napili ka na ba?"


Itinaas ko ang napiling CD at pumunta na sa cashier. Nang nasa paper bag na ang CD ay saka ko lang na-realize na hindi ang balak kong bilhing album ni Taylor ang aking nabili, it was the album of Hale!


Bago umuwi ay nag-dinner muna kami sa KFC. Nagpa-take out sina Mommy ng loaded meal para pasalubong kay Kuya Jordan. Sa biyahe ay itini-text ko si Kuya Jordan kung kumain na siya pero hindi siya nagre-reply.


Pagkarating namin ay nauna na akong bumaba sa kotse. Dire-diretso ako sa kuwarto ni Kuya Jordan. Dahil bahagyang nakaawang ang pinto ay hindi na ako kumatok. Itinulak ko na agad iyon at pumasok ako sa loob. "Kuya, ba't di ka nag-re-reply sa text—"


Nahinto ako sa pagsasalita nang makita na hindi lang si Kuya Jordan ang naririto sa kuwarto niya, may kasama siya! May kasama siyang babae at nakaupo silang dalawa sa kama niya!


Napanganga ako nang makilala ang babae na kasama ni Kuya Jordan dito sa loob ng kuwarto niya. Si Carlyn Marie Tamayo!

South Boys #4: TroublemakerWhere stories live. Discover now