Chapter 43

57.9K 4.7K 3.3K
                                    

"JILLIAN?"


Napakislot ako nang marinig ang boses ni Hugo. Nagmamadali kong ibinalik sa pinaglalagyan na box ang mga hawak-hawak kong pictures nila ni Sussie. Tinakpan ko ulit iyon.


Pagsilip ni Hugo sa pinto ng walk in closet ay nakaharap na ako sa kanya. "Jillian, anong ginagawa mo rito?"


Nakatingin lang ako sa kanya. Wala siyang kamalay-malay sa nakita ko bago siya dumating.


"Magulo pa rito. Hindi pa kasi ako nakakapagpaligpit dito sa kuwarto. Bigla kasing umalis iyong katiwala ko, nagka-emergency."


Tumango ako at naglakad na palampas sa kanya.


"Ah, are you hungry? Gusto mong magmeryenda?" tanong niya.


"Gusto ko nang umuwi, Hugo."


"Huh?"


"Baka hinahanap na ako ni Hyde." Bigla akong nawalan ng gana at ang gutso ko na lang ay umuwi muna.


Hinagod niya ng kamay ang kanyang buhok. "All right. Pero 5:30 p.m. na. Baka gutom ka na, kumain muna tayo. O-order ako—"


"Gusto ko na ngang umuwi." Napadiin na ang boses ko.


Natigilan naman siya si Hugo at sandaling napatitig sa akin. Napabuntong-hininga siya. "Okay, if that's what you want."


Nauna na akong bumaba sa sala ng bahay niya. Sumunod naman siya agad sa akin. Nagtataka ang mga tingin niya kung bakit nag-iba ang mood ko.


Naiinis din ako sa sarili ko kasi bakit ba bigla na lang akong nagkaganito. Ang punto naman talaga ng pagpapakasal namin ni Hugo ay para lang kay Hyde. Kaya ano ang ipinagsisintir ko?


"Kain muna tayo," sabi ni Hugo nang i-start ang makina ng sasakyan pagsakay namin. "Tapos ibili natin ng pasalubong si Hyde."


Right, si Hyde lang talaga ang dahilan kaya kami magkasama ngayon. Kaya kami ikakasal ay para lang din sa anak namin. 'Wag ko dapat iyong kakalimutan.


"Para mawala 'yang badtrip mo, kain muna tayo. Masasarap lomi rito sa Batangas."


"What?" Napabaling ako sa kanya. "Pupunta tayong Batangas?"


Siya naman ang hindi sumagot. Humalukipkip na lang ako at pinabayaan siya. Bahala siya sa buhay niyang mag-lomi. Maghihintay na lang ako sa kanya rito sa kotse.


Bago pa nga lang kami makapunta sa sinasabi niyang lomihan ay nagkaroon ng banggaan sa daan. Napa-shortcut tuloy kami. Kung saan-saan kami lumiko. Hindi ko na alam kung saang bahagi ng Batangas kami napadpad, pero natanaw ko ang mga lumang palasyo sa Fantasy World.


I still trusted Hugo that he knew what he was doing. Until we pass the narrow road where the side of it was a cliff. Nilingon ko siya at doon ko nakita na pawisan na ang gilid ng kanyang sentido habang nagda-drive siya.

South Boys #4: TroublemakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon