Chapter 26

64.3K 4.3K 3.9K
                                    

Trigger warning: Violence


-------------------------------------------------------------


"YOU'RE DEAD, MOTHERFUCKER!"


Hugo pulled Wayne away from me and then he punched him hard in the face. Kahit nanlalabo ang aking mga mata sa luha at kitang-kita ko ang pagtalsik sa ere ng dugo ni Wayne.


Pagbagsak sa sahig ni Wayne ay tinadyakan ito ni Hugo sa sikmura. Dinampot ni Hugo ang monobloc na upuan sa gilid at inihampas dito. Sa likod tinamaan si Wayne dahil patayo na ito. Wasak ang upuan at napahiyaw ito sa sakit.


It didn't end there. Galit na galit si Hugo na kahit hindi malinaw ang liwanag sa paligid ay batid ko ang pamumula niya. Ayaw niya pang tumigil sa pagbanat kay Wayne. It was my first time seeing Hugo go all berserk like this.


Wayne was screaming. Tinatawag nito ang mga kasama. Naririnig ko na nagkakagulo na rin sa ibaba ng bahay nina Dessy.


Hindi makabuwelo si Wayne dahil sunod-sunod ang sapak sa kanya ni Hugo. Duguan na ang ilong at nguso nito. "T-tama na, Aguilar!"


Sinapak ulit ito ni Hugo. "Anong tama na? 'Wag kang excited, papatayin pa kita!"


Dumudura na si Wayne ng dugo. "A-Aguilar, ayoko na!"


"Bimbo, asero!" sigaw ni Hugo.


Pumasok sa pinto ang isang malaking lalaki. Si Bimbo Zaragosa. May bangas ito sa mukha na mula sa pakikipagbasag-ulo. Sa kaliwang kamay ay may nakataling scarf na panyo.


Nang kalasin ni Bimbo ang scarf sa kamao ay lumitaw ang isang four-finger metal ring. Inihagis nito iyon kay Hugo. "Salo, Hugo Boy!"


Isang kamay lang na nasalo iyon ni Hugo. Kinilabutan ako sa takot nang humakbang na siya palapit kay Wayne habang isinusuot ang asero. Baka mapatay niya na si Wayne kapag ginawa niya ang binalabak.


Yakap ang halos mahubaran na katawan ay nanginginig ang boses na tinawag ko siya, "H-Hugo, 'wag..."


Lumingon si Hugo sa akin. Lalong nagbaga ang galit sa mga mata niya nang makita ang ayos ko.


"P-please, no..." pakiusap ko. "Stop..."


Lumapit ako sa kanya at hindi binibitiwan ang paghihinang ng aming mga mata. Ayaw ko na makalingat sa kanya dahil baka bigla na lang niyang sugurin ulit si Wayne. Baka matuluyan niya na ito.


"Hugo, please tama na, ha?" Inilahad ko sa harapan niya ang aking palad. "G-give that to me..."


Umigting ang panga niya.


"Hugo, I said give the four-finger metal ring to me!"


Napabuga siya ng hangin saka inalis sa kamao ang bakal. Mahina man ang kamay ko ay inagaw ko sa kanya ang asero. Binitiwan naman niya agad.

South Boys #4: TroublemakerΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα