Chapter 59

66.9K 5.1K 3.2K
                                    

Hi, JFam! It has come to our attention that some accounts were posting spoilers to stir up fights, worse false spoilers, to confuse you. We will block these accounts. Again, There's no version 1 or 2 of TM. This is the official update na currently pa lang ginagawa/inaayos ni JF. 


-----------------------------------------------------------------------------------------


TUMIGIL NA SA PAG-AARAL SI HYDE.


Nagdesisyon kami na pahintuin muna ang bata sa pagpasok sa school. Pinagpapahinga muna namin ito sa bahay. And the kid was also undergoing therapy.


Si Hugo ay hindi na rin napasok sa trabaho. Hindi na siya umaalis at palagi na lang nandito sa bahay. Binitiwan niya ang lahat. He was focused on taking care of Hyde. Mula sa paggising sa umaga at hanggang sa pagtulog, ang bata ang inaalala niya.


At ganoon din naman ako. Huminto na rin muna ako sa work ko at hindi na tumanggap ng work commission para makapag-focus kay Hyde. Ang mas importante ngayon para sa akin ay ang anak namin.


Kung ano kami, anong problema namin ni Hugo, hindi na muna namin nauungkat. Sa ngayon, halos sa bata na umikot ang mundo namin.


Hindi gaanong nakikipag-usap sa amin si Hyde pero kahit paano ay sumasagot naman na ito kapag tinatanong. Hindi namin ito sinusukuan. Hinding-hindi. At doon kami ni Hugo nagkakaintindihan.



NATULOY ANG KASO LABAN KAY DESSY. Matibay ang mga ebidensiya. Noong una ay ayaw makipagtulungan ni Hyde, pero sa huli ay pumayag na ito. He gave us all the accounts that Dessy created for him.


Nakapagtataka lang dahil tiwalang-tiwala si Dessy na hindi ito ilalaglag ni Hyde. But unfortunately for her, we were able to get the kid to cooperate.


Bukod pala sa mga chat ng account na Dee Dee ay may isa pang account si Hyde kung saan ka-chat nito mismo sa tunay na account nito si Dessy. Nandoon pa ang mga naked photos ni Dessy sinend kay Hyde na hindi pa nito nabubura.


Naroon pa rin ang mga convo nila. Mga bastos na chats nito sa bata. Nakakasuka. Parang hindi ko kilala ang babae. Parang ang nakikita ko na ang demonya na nagkatawang tao. May video pa ito na nagsasarili. Lahat iyon. Worse was that Dessy also had a video of her while doing that 'thing' to Hyde!


Kung hindi lang nakaalalay sa akin si Hugo ay baka hinimatay na ako sa mga napanood ko. Umiiyak na si Hyde pero hindi pa rin tumitigil si Dessy. Dinig na dinig ko kung paano nahihirapan ang anak ko!


Nangyari ang lahat ng iyon during school hours. Tuloy rin ang demanda namin sa school at sa teacher ng bata. Wala kaming kaalam-alam na bukod tuwing breaktime ay may pagkakataon na totally absent si Hyde. Kunwari lang na papasok sa gate, pero darating si Dessy para sunduin ito. Ni wala akong nare-receive kahit isang text o letter mula sa school na may ganitong pangyayari.


Nang hulihin ng mga pulis si Dessy ay gulat na gulat ito. Hindi ito makapaniwala sa ginawang panlalaglag ni Hyde. Humihiling ito na makausap ang bata bago ang lahat.

South Boys #4: TroublemakerWhere stories live. Discover now