Chapter 70

76.8K 4.4K 2.2K
                                    

MERONG MGA TAONG HINDI SIGURO MAKAKAINTINDI. Merong mga tao na patuloy na may masasabi. Pero sila na iyon. Nasa kanila na iyon.


Sabay na kaming bumalik ni Sussie sa sala ng bahay nila. Parehong may ngiti sa mga labi at magaan ang loob. Si Carlyn naman ay nakataas ang kilay habang nakatingin sa amin. Pareho lang naman naming nginitian ang babae.


Wala na pala rito sa sala iyong iba nilang kaibigan. Ang mga babae at mga bata ay magkakasama na raw sa guestroom, ang mga lalaki naman ay kanya-kanya naman dito sa sala ng puwesto. Si Miko ay nasa sahig pa rin nakasubsob, habang sina Isaiah at Asher ay nagsisiksikan sa sofa, mga wala ng malay tao.


Sinalubong si Sussie ni Arkanghel, na tanging natitirang gising, pero mukhang lasing na lasing na rin. Hinaplos ni Sussie ang pisngi ng asawa. "Antok ka na?"


"Hmn," ungol na lang ang sagot ni Arkanghel. Mukhang gusto na ring matulog, pero hinihintay siya.


May humaplos na mainit sa puso ko nang masaksihan kung paano nila titigan ang isa't isa. Mahigit tatlong taon na silang kasal pero kung titingnan sila ay para bang kahapon lang.


Nagising lang ang diwa ko nang tumili si Shasha. Karga-karga ito ni Tita Tess. Kabababa lang mula sa hagdan. Ayaw nitong bitiwan ang sabu-sabunot na buhok ni Hyde. Ayaw nitong pauwiin ang batang lalaki. Panay ang hikbi nito. "Hahy, no! Plish down't leave Shasha!"


Sinasaway ni Arkanghel ang anak pero ayaw talagang papigil ng batang mataba. Nagkakawag ito. Kinarga na ito ng lalaki para aluin, dahil mukhang nag-aantok na kaya tinotopak. "Baby, Kuya Hyde needs to go home now. Let's just invite them again next time, all right?"


Si Mara na karga ni Kuya Jordan ay may topak na rin. Nang-aabot ang kamay nito. "No! Hahy is mine! He's my toy, not youwrs! They are all mine!" Nagbilang pa sa mga maliliit na daliri ang batang babae. "Hahy mine, Matmat mine, and Vieny mine! All mineeee! Blehhh!"


Doon na lalong umatungal si Shasha. Pulang-pula na ang matambok na pisngi nito sa pag-iyak, kaya doon na ako lumapit. "Hi, baby girl. Uuwi na kami ni Kuya Hyde, but I promise you that we will come back."


Ngumuso si Shasha at itinuro ng munting daliri ang aking tiyan. "Owkay, but bring youwr baby, too! Promish me!"


"Sure." Matamis na nginitian ko ito. "Kapag lumabas na ito, palakihin muna natin nang kaunti, 'tapos puwede mo na ring gawing horse mo. Okay ba iyon?"


Nagningning ang mga mata ng batang babae. Tila natuwa sa aking sinabi. Hinalikan ko na ito sa pisngi, at nagpaalam na kami na uuwi.


Bago rin umuwi ay nagbati rin agad ang dalawang batang babae dahil pinagalitan ni Carlyn. Nangako ang mga ito sa isa't isa na mag-sh-share na ng mga horses para walang away.


Umalis kami sa bahay ng mga Wolfgang na magaan ang pakiramdam. Sa bahay ay pumasok si Hyde sa kuwarto ko. Naabutan ako ng bata na tulala habang nakaupo sa kama.


Naupo ito sa tabi ko. "Mommy, are you sad because Shasha wants me to be her horse?"


South Boys #4: TroublemakerKde žijí příběhy. Začni objevovat