Chapter 55

69.6K 4.5K 3.3K
                                    

IT WAS A STEAMY NIGHT.


Hindi ko na halos maalala ang mga nangyari sa sobrang lutang ko sa sarap. It was very different last night. Para kaming mga sabik na sabik na hindi nagkita nang matagal, kahit pa ang totoo ay maya't maya kaming nagkikita dahil panay ang pabalik-balik niya mula Manila to Tagaytay.


Nang magising ako kinabukasan ay mag-isa na lang ako sa kama. Hindi na ako nakahubad dahil may na suot akong T-shirt. Siguro noong natutulog ako ay kumuha si Hugo ng damit sa damitan ko. Nakakumot din ako at ang aking buhok ay nakaladlad nang maayos paitaas sa unan.


Bumangon ako nang maalala ang sulat ni Harry. Nahigaan ko nga pala iyon kagabi. Hinaltak ko ang kumot para tingnan ang kama, pero wala iyong sulat. Hinanap ko kahit saan pero wala na talaga. Saan na napunta?


Kinuha ba ni Hugo? Nang umalis ako sa kama ay doon ako napatingin sa bedside table. Ngayon ko lang napansin, naroon ang sulat ni Harry. Maayos iyon na nakatupi kahit pa gusot-gusot dahil nga sa nahigaan ko. Pero bakit nandoon iyon ngayon? Bakit inilagay ni Hugo roon?



Dinampot ko ang sulat. Kahit ano pa ang dahilan namin ni Hugo sa pagpapakasal, ang point dito ay kasal ako sa kanya. Hindi nga naman maganda ang itago ko pa ang isang bagay na mula sa nakaraan. Pero dapat ko bang itapon ang sulat? Wala naman na itong ibig sabihin, hindi ba puwedeng itabi ko na lang?


Napailing ako. Itinabi ko na lang nga ang sulat. Nag-mental note ako na pagnakauwi sa amin, isasama ko ang sulat na ito sa kahon kung saan naroon ang ibang gamit ni Harry. Siguro ay ibabalik ko lang iyon sa lalaki. O kung hindi man, ilalagay sa bodega na lang.


Pagpasok sa banyo ay naghubad na ako ng damit para maligo. Pagharap ko sa salamin ay napangata ako. Punong-puno ng kiss marks ang katawan ko!


Seriously? Ano bang ginawang pagpapak ni Hugo sa akin kagabi? Ultimo braso ko ay lima yata ang iniwan niyang namumulang marka!


Mainit ang pisngi na naligo na ako. Sumahod agad ako sa rumaragasang shower. Dumadampi na ang malamig na tubig sa aking balat ay pumapasok pa rin sa isip ko ang pakiramdam ng mga haplos at yakap ni Hugo sa akin sa magdamag.


Mukhang goal ng lalaking iyon na hindi patahimikin ang kaluluwa ko!


At kahit ipikit ko nang mariin ang mga mata ko, nakikita ko pa rin ang mapupungay niyang mga mata habang isa-isa niyang isinusubo ang mga daliri ko.


"Ahg! Ano ba itong mga pumapasok sa isip ko na kahalayan?! Hindi ikaw iyan, Jillian!" Nag-shampoo ulit ako. Baka sa ganitong paraan, malinis pati ang mga agiw sa utak ko.



"MAY GIRLFRIEND NA YATA ANG ANAK MO."


Napalingon ako sa tatawa-tawang si Ate Lina. May girlfriend na nga raw talaga si Hyde. Hindi ako nagulat dahil nasabi na ito ng bata sa amin ni Hugo.


Ang iniisip ko ay isang simple at wholesome na relasyong pangbata, dahil napakabata pa ng mga ito. I was still worried, though. Masyado pa kasi talagang maaga kahit pa nga ang pagkaka-crush. Sa ganoong edad ay nag-aaral at naglalaro pa lang dapat ang anak ko.

South Boys #4: TroublemakerWhere stories live. Discover now