Chapter 35

63.8K 4.6K 4K
                                    

"AKO ANG PAKASALAN MO, JILLIAN."


Tigagal ako. Kung si Hyde lang ang gustong makuha ni Hugo ay maiintindihan ko pa, pero bakit kailangan pati ako? Naiinggit ba siya sa mga ka-batch namin na may mga asawa at pamilya na? Kaya gusto niya ngayon ng instant?!


Naiiyak na umiling ako. "Hugo, you know I can't do that. Please. Please understand my situation..."


"Why don't you understand mine?" mapait na balik niya sa akin. "Mahirap bang intindihin, Jillian? Ayaw kong magkaroon ng ibang tatay ang anak ko. Itinago mo na nga sa akin, inilayo mo na, balak mo pang ipaako sa iba. Masyado mong tinatapakan ang pagkalalaki ko."


"We don't need to get married," nagpa-panic na suhestiyon ko. "We can just do co-parenting, Hugo. Nasa maayos naman na pag-uusap ito."


"Whoa, after nine fucking years, you want us now to talk?" Umismid ang mapupulang mga labi niya. "I remember asking you before, Jillian. I asked you so many fucking times, but your answer was always the same. That we should forget about what happened." 


Bumuga si Hugo ng hangin at nag-iwas ng tingin sa akin. Nanginginig na napayuko siya para hilutin ng mahahabang daliri ang sentido.


"And when you met me after after a month, hindi kita magawang diretsuhin. Kasi umpisa pa lang,  nagsinungaling ka na sa akin. Ang sabi mo, nasa Pascam pa kayo, pero alam ko na nakalipat na kayo. Pinakiramdaman kita kasi hanggang pangangapa lang naman ako sa 'yo. And what you made me feel on our last meeting was that you no longer need me!"


Umawang ang mga labi ko.


"Jillian, wala akong naaalalang masamang ginawa sa 'yo, yet you chose to hide my own flesh and blood from me for nine fucking years!"


Napasinghap ako nang pag-angat muli ng mukha niya, ay makitang pinangingiliran na siya ng luha sa mga mata.


"I want to see his baby photos. Kung may ultrasound, gusto ko ring makita. Pati ang toddler days niya hanggang sa mag-aral siya. Kung may video, mas maganda. Ihanda mo lahat. Gusto kong makita lahat! At utang na loob, ipakilala mo ako sa anak ko!"


"Hugo, p-please..."


"Didn't you understand me at all?" Pulang-pula siya. "Akala ko ba matalino ka? Malinaw ang sinabi kong paraan sa 'yo kanina. Iyon lang ang tatanggapin ko kung ayaw mong magkagulo tayong lahat dito. Kahit mamatay ako ngayon, isusumpa kita hanggang sa hukay ko. Kasal lang ang magpapatahimik sa kaluluwa ko!"


Kuyom ang kamao niya at bumukas lang nang hagurin niya ng kamay ang kanyang buhok. He was so frustrated. Ilang beses siyang napabuga ng hangin para pakalmahin ang sarili, subalit ganoon pa rin. Humihingal pa rin siya sa taas ng emosyon.


"Three days, Jillian. You have three days to think this through."


Nakagat ko ang aking ibabang labi.


"I am giving you two options only. Marry me or be my enemy." Pagkuwa'y tinalikuran niya na ako.

South Boys #4: TroublemakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon