Chapter 47

59.6K 4.6K 4.3K
                                    

"I LOVE YOU."


Napahawak ako sa aking pisngi nang maalala ang huling beses na mag-make love kami ni Hugo sa hotel. Nang gabing makauwi kami ay bumawi siya sa akin. He made love to me all through the night, and he was amazing.


Sa sobrang hulog na hulog ko sa sensasyon, ay hindi ko alam kung paano lumabas sa aking bibig ang mga salitang iyon. I told him that I love him. I knew that he heard it, but he didn't say anything.


Humihingal siya na umalis sa ibabaw ko. Hinanap niya ang nahubad kong night shirt at maingat na isinuot iyon sa akin. Nagsuot din siya ng pajama, saka niya inayos ang kumot namin at tinabihan ako sa kama. And before I fell asleep, I felt his light kiss on my forehead.


Hindi na rin kami nagtagal doon sa hotel dahil nagkaroon ng problema sa trabaho ni Hugo. Kinailangang lumuwas ng Manila the next day para pumunta sa site. Nakakalungkot man ay wala naman akong magagawa.


And about the gold Cartier couple watches, hindi ko na iyon isinuot pa. Naisip ko na baka kasi hindi lang talaga type ni Hugo. Gayunpaman, itinabig ko ang mga relo kasama ng iba pang mga regalo.


Two days bago nakabalik si Hugo sa Tagaytay. Sumaglit lang din siya at hindi nagtagal. Hindi rin natuloy ang dapat na honeymoon namin sa Maldives. Ang tagal na ng leave niya noong nakaraan, kaya hindi na siya puwedeng mag-extend pa, lalo na ngayon na may problema sa site.


Inabutan niya ako ng susi. "You can use my spare car."


Susi iyon ng sedan na nasa garahe. Isang lumang model ng Mazda na gamit niya noong nag-aaral siya sa college. Bago pa ang itsura ng sedan at kahit hindi ginagamit ay halatang alagang-alaga.


"Thank you!" Tinanggap ko ang susi. "Iingatan ko ito!" masayang sambit ko. First time ko na magkaroon ng sariling sasakyan na magagamit.


Ginulo niya ang buhok ko. "Kahit ibangga mo pa."


Napabungisngis ako. "Sabi mo 'yan, ah?! 'Wag kang magrereklamo kapag nagkabangas ang kotse mo!"


"Sira."


Nandito na pala kami ngayon sa bahay niya. Dito na kami nakatira ni Hyde. Ang mommy ko at ang mommy niya ang tumulong sa amin, sa paglilipat at pag-aayos ng ilang gamit. Dito rin natulog si Mommy noong unang gabi para samahan kami.


Sa master bedroom ako natutulog, sa kuwarto ni Hugo. Inayos ko na iyon, at bago na rin ang kama. Isang king sized bed na regalo nina Kuya Jordan at Carlyn sa amin.


Marami rin akong inayos sa kuwarto. Binago ko ang ayos ng walk in closet mula nang ilagay ko roon ang aking mga gamit. Sabi naman ni Hugo ay libre akong gawin kahit na ano ang gusto ko. Akin na rin daw ang bahay na ito dahil muna nang ikasal kami, lahat ng kanya ay pag-aari ko na rin. 


Pati damitan ni Hugo ay inayos ko rin. Wala na roon ang shoebox na nakita ko dati, iyong may mga photos nila ni Sussie. Siguro ay itinapon na ni Hugo o kaya ay inilagay sa bodega.

South Boys #4: TroublemakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon