Chapter 23

51.7K 3.8K 2.2K
                                    

"HARRY AND I... WE'RE OVER."


Hugo let go of me. Nakayuko siya sa akin at ako ay nakatingala sa kanya.


"It was a mutual decision..." Para sa ikabubuti, dugtong ko na hindi na ipinarinig kay Hugo. He was not dumb to not get the situation. He didn't ask anymore questions.


Pinatay niya ang sigarilyo at binuksan nang malaki ang capiz na bintana para lumabas ang usok. "Baka hikain ka."


Lihim naman akong napangiti. Naupo kami sa gilid ng kama. Nakuwento niya na tumakas siya sa kanila dahil naroon na naman ang kanyang dating nanny. Mukhang hindi niya talaga gusto ang dating nag-alaga sa kanya.


Did his nanny do something bad to him?


Gusto ko sanang magtanong tungkol doon pero hindi ko ginawa. I felt that Hugo was not ready to tell me the reason.


"Okay ka na?" tanong niya sa akin.


Tumango ako.


"Hindi ko na tatanungin kung moved on ka na. Alam ko, matagal 'yang ganyan e."


"Saan mo naman nalaman?" nakalabing tanong ko. Patingin-tingin ako sa kanya. Ang tagal na naman pala noong huling beses na nagkasama kami.


Na-miss ko siguro ang ganitong ugali niya, iyong pagiging prangka.


"Ano, first mo ba? Kung first 'yan, masakit 'yan. Sayang, alak sana ang magandang gamot diyan, kaya lang di ka naman nainom."


Sumandal siya sa headboard ng kama at humalukipkip habang nakamasid sa akin.


"'Di ka pwedeng mag-inom, Herrera. Di rin kita papayagang uminom kahit pa gustuhin mong subukan. Hayaan mo, sasamahan na lang kita rito hanggang sa maging okay na ang pakiramdam mo."


There was something about what he had said that warmed my heart. I smiled. "Thank you, Hugo."


Kumiling ang ulo niya. "You're smiling at me. Ibig sabihin ba nito, bati na ulit tayo?"


Lalo akong napangiti. "Next time na ulit tayo mag-away."


"Okay. Pa-inform na lang kapag game na."


"Sure."


Naiiling na natawa siya. Kinampay niya ang kamay niya sa akin. "Come here."


Sumimangot ako. "Ayoko, baka halikan mo na naman ako."


"Akala ko ba bati na tayo?"


Binato ko siya ng unan. Sinalo lang naman niya iyon at masarap siyang tumawa. Natawa na rin ako. Ang mga pait sa dibdib ko ay sa isang iglap, unti-unting nawala na lahat.

South Boys #4: TroublemakerWhere stories live. Discover now