Chapter 63

64.5K 4.6K 1.8K
                                    


It is only when we are able to see the different point of views that we will be able to have a correct understanding of anything.


-------------------------------



HUGO REALLY DID STOP SHOWING UP.


But he never stopped sending a bouquet of red roses every day. No letters or cards, just the red roses.


Matapos ilagay sa vase ang mga rosas ay hindi ko na ulit iyon para pagtuunan ng pansin, kahit pa minsan ay hindi ko naiiwasang hindi roon mapatingin. Hanggang doon lang. Although I admit that there were times that I still thought of Hugo, I appreciated the time we spent apart.


I wanted to regain myself by taking time with my emotions, and I had a feeling that he was aware of that.




[ You are now reading the book version of TM. The uncut and official copy, not copycat. 00 ]



WE WERE FROM THE OB.


Habang nasa kotse ni Daddy mula sa aking check up ay naramdaman ko ang paghawak ni Mommy sa aking kamay. We were both in the backseat with Hyde. When I looked up at Daddy, who was driving, our eyes met in the rearview mirror. May kung anong tinutukoy ang mga mata nito. At nakuha ko agad kung ano.


Nang lumingon ako sa likod ng sasakyan, isang pamilyar na kotse ang nakasunod sa amin. Marahan lang ang takbo, walang balak humabol o kahit magpapansin sa amin. Pero hindi puwede na hindi iyon mapapansin.


Dahil hindi lang ngayon ito nangyari. Kada alis ko sa amin, kada check up ko sa OB o simpleng pagsama kay Mommy sa grocery, palaging simpleng nakasunod ang naturang tinted na sasakyan. Napabuga ako ng hangin dahil kilala ko kung sino man ang driver niyon.


At alam ko rin na kahit huminto si Daddy ngayon at magsibaba kami, hinding-hindi magbaba ng salamin ang kotse na nakasunod sa amin. He would never show himself to us.


Especially to me. And that was fine.



THIS TIME, I WOULD BE KINDER TO MYSELF.


My focus now was my well-being. To be an effective mother to my children, I needed to first be a healthy mother. Not just in terms of physical health, but also in terms of mental health.


Ginagawa ko ang mga bagay na nakakasaya sa akin, unang-una ay bonding with Hyde. Masaya ako dahil tuluyan nang bumalik ang sigla ng bata. Nakikipagkuwentuhan na ulit. Nagagawa ko na rin ulit ang pagsilbihan sina Mommy at Daddy kahit sa simpleng pagluluto lang ng aming pagkain at pagtulong sa paglilinis ng bahay namin.


Marami akong pinagkakalibangan. Kapag tulog si Hyde at walang ibang gawain sa paligid, nagbabasa-basa ako at nakikinig ng music. Kapag naman nandito ang pamilya ni Kuya Jordan ay tumutulong ako sa pag-aalaga kay Mara.

South Boys #4: TroublemakerWhere stories live. Discover now