KABANATA 29

9 0 0
                                    

Kabanata 29

"Nandito na tayo." Narinig kong sambit ni Rufus.


Nang iminulat ko ang aking mga mata, nakatayo na kami at may dalawang balon sa harapan namin, nagbago rin ang paligid. Umaga na.

"Nasaan ang bahay niyo rito, love?" Tanong ni Rufus at nagmasid masid sa paligid.

Agad kong hinawakan ang kamay niya at ngumiti, ang init ng palad niya.

"Tara na." Hinatak ko siya patungo sa bahay namin, walang nagbago rito. Malinis at maayos ang mga gamit, may tubig ring nakaimbak sa aming dirty kitchen sa labas. Lola...

"Dito ka lumaki?" Tanong ni Rufus at tumango naman ako, dito ako lumaki, kasama ang Lola Lyn ko.

Dumeretso ako sa kwarto ko sa itaas para magpalit ng damit na mas konportable. Kumuha rin ako ng oversized t-shirt para kay Rufus. Bumaba ako tsaka ibinigay sakaniya ang damit na dala ko. Agad naman siyang pumunta sa cr para magpalit. Paglabas niya ay di ko mapigilang mamangha sa itsura niya. Isa siyang tao ngayon, maputi ang balat, singkit, matipunong katawan, matangkad at higit sa lahat, pogi!

"I could read what you're thinking." Tumawa siya sakin. Binato ko siya ng tuwalya at ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko ngayon.


"Nagugutom ka ba?" Tanong ko sakaniya para mabago naman ang topic! Tumango naman ito at napakamot sa ulo niya.

Agad akong naglakad papunta sa refrigerator at timignan kung ano ang pwede kong lutuin. Nakita kong may dalawang pirasong itlog at may karne pa sa freezer. Ito na lang siguro. Binigyan ko rin ng tubig si Rufus dahil nang makarating ako sa mundo nila, uhaw ang tangi kong naramdaman. Mabilis niyang tinaggap iyon tsaka uminom.

"Gusto mo pa?" Tanong ko.

"Hindi na, salamat love." Ngumiti siya tsaka nilapag ang baso sa coffee table sa harap ng inuupuan niyang sofa.

Nagsimula akong magluto habang naghihintay siya sa sala. Sinulyapan ko si Rufus saglit na nagtitingin tingin sa paligid. Halatang naninibago ang Prinsipe.

"Mahal." Tawag niya sakin, nasa likod ko na pala siya.

"Hmm?" Sagot ko habang busy sa paghahalo ng niluluto kong sinigang.

"I miss you." Dahan-dahang lumandas ang mga kamay niya papulupot sa aking mga bewang.

"Namiss din kita," Sagot ko sakaniya tsaka ko siya hinarap. "Sana ganito na lang tayo palagi." Dagdag ko pa.

Tumitig siya sa nga mata ko pagkatapos ay pinatakan ako ng halik sa labi. Habang nagluluto ako ay nakayakap lang siya sa likod ko. Lord thank you?

"Eleonor!"


"Sino 'yon?" Takang tanong ni Rufus habang nakatingin sa pinto, boses ng lalaki ang tumatawag sa pangalan ko. Wala naman akong inaasahang bisita?


"Sandali lang, mahal." Naghugas ako ng kamay pagtapos kong isalin ang niluto ko sa plato. Tumango naman si Rufus tsaka tahimik na umupo sa dining area.


"Jasper?" Bumungad sakin si Jasper na nakangiti habang may dalang pandesal.

"Baliw ka! Nagchat ako sayo na pupunta ako! Nandiyan ba si Lola?" Tanong niya nang marinig ang nagkakalansingang kutsara't tinidor galing sa dining area. Nagsisimula na atang kumain si Rufus. Si Lola...

"Wala siya, halika pasok ka." Hinubad niya ang tsinelas niya tsaka pumasok na para bang bahay niya 'yon.

Nagdere-deretso siya sa kusina ngunit napatigil din at takang tumingin sakin. Nang makalapit ako ay nakatingin din sakaniya si Rufus at inilipat ang nagtatakang mga mata sakin.

"Jasper, si Rufus, boyfriend ko. Mahal, si Jasper, kaibigan ko." Pagpapakilala ko sa dalawa, nawala naman ang pagtataka sa mukha ni Rufus habang si Jasper ay halata sa mukhang nag iisip pa rin.

Inilapag ni Jasper ang dala niyang pandesal sa dining area tsaka tumayo at dumeretso sa sink para mag hugas ng kamay. Nagtimpla din siya ng kape niya. Nang makaupo siya ay nagsimula na rin siyang kumain. Magkatabi kami ni Rufus ngayon at si Jasper naman ay nasa harapan namin.

"Pre, taga saan ka pala?" Tanong ni Jasper, pambasag ng katahimikan.


"Japan," sagot ni Rufus. "I lived there since I was a kid." Paliwanag ni Rufus. Hmm, pwede na. Maputi? Check! Singkit? Check! Accent? Check! Pogi? Check na check!

"E saan mo naman nakilala 'tong si Eli?" Tanong pa niya, chismoso!


"I randomly saw her sa mall, once lang 'yon. Kakauwi ko lang from Japan to Manila. Then I asked for her number." Teka? Dami namang alam nito ni Rufus! Nag eexist ba sakanila ang mundo ng mga tao?

Jasper's mouth formed an "O". Bakit parang hindi siya naniniwala sa charms ko?! Nagpatuloy kami sa pagkain nang mag-ring ang phone kong naka-charge sa sala. Agad akong tumayo para tignan kung sino ang tumatawag.

Call from unknown number...

Napatingin ako kay Rufus na tahimik kumakain sa dining area kasama si Jasper na dumadaldal sa gilid. Sinagot ko ang tawag.


"Gosh! What took you so long? Shut up, Fins!" Phyra said coming from the other line.


"Teka! Paano mo nakuha number ko?" Takang tanong ko, napalakas din ang boses ko dahil tumayo na si Rufus at naghugas ng kamay, leaving Jasper na kumakain. Pero tinapik niya iyon sa balikat bago lumapit sakin.


"Sino 'yan?" Takang tanong niya. Sumulyap ako sa isa pang phone, umilaw ito dahil sa isang notification. Dinala niya rin ang phone niya rito sa mundo ng mga tao at ngayon ay naka-charge ito.


"Gosh! Narinig ko si RJ! OMG! Are you guys okay there?!" OA na sambit ni Phyra sa kabilang linya.


"Oo, Phyra. Okay lang kami, teka hindi mo pa sinasagot ang tanong ko!"

"Duh, binigay mo sa amin ang reference mo nang kuhain ka namin bilang assistant." Feeling ko umiirap siya sa kabilang linya.

"My sister?!" Gulat na tanong ni Rufus sakin na siyang tinanguan ko.

"Hulaan mo kung nasaan kami at bakit kami nakakatawag sayo ngayon." Humagikgik si Phyra sa kabilang linya. Napakunot ang noo ko, oo nga ano? Bakit nila ako natawagan?

"Huwag mong sabihing nas-"

"Tama ka! Sunduin mo na kami ngayon dahil nagrereklamo na si Vlad. Gutom na raw siya. May food ba diyan sainyo?" Narinig kong nagreklamo pa si Vlad sa gilid para sabihing hindi totoo ang sinabi ng Prinsesa. Teka, kasama ba ang buong tropa?

Sumilay ang ngiti sa labi ni Rufus, tila ba nabasa niya ang nasa isipan ko. Tinapik ko siya at sinenyasang umupo pabalik sa lamesa at sinabihang samahan muna si Jasper dahil susunduin ko ang kapatid niya.

"Sandali lang ako mahal, susunduin ko lang ang mga kapatid mo." Ngumiti ako sakaniya nang magreklamo pa siya. Nakabusangot ang mukha niya ngayon.


"Ihhh."


Natahimik ako dahil sa inasta niya. Ihhh? Saan galing 'yon!


"Luh ang arte mo." Tumawa ako sakaniya at tinuro ang mukha niya. "Sige na, saglit lang ako. I love you." Hinalikan ko siya bago umalis.


Naglakas ako papunta sa balon at sa di kalayuan, namataan ko nga sila Phyra. May maleta pa! Magbabakasyon lang?


"Anong ginagawa niyo rito?!" Tanong ko.


"OMG ELI! NAMISS KITA!" Tumakbo sakin si Fins at umirap si Phyra dahil siya dapat ang yayakap sakin.



"Magbabakasyon kami!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 17 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Marked by the PrinceWhere stories live. Discover now