KABANATA 6

67 5 0
                                    

KABANATA 6

"Dadanak ang dugo!"

Tatlong linggo na ang nakalipas at maayos na ang lahat. Ang pangitain ni Damien ay hindi nangyari.

"Eli, papasok na tayo." Bungad ni Rufus na nasa pintuan ng kwarto ko. Kasalukuyan akong nag aayos dahil ngayon ang unang araw ko sa school at nakatingin lang sakin si Amor. Wala siyang pasok kaya maiiwan siya dito kasama ni Grandma.

Nginitian ko si Amor tsaka ginulo ang buhok niya.

"Wait for Ate, okay? Be a good girl! Wag ka magpapasaway kay Grandma. Sige na aalis na kami. Bye, love you!" Sambit ko sakanya tsaka siya hinalikan sa ulo.

Tumingin ako kay Grandma na ngayon ay nasa kwarto namin. Wala na si Damien dahil mas mauuna ang klase niya kumpara samin.

"Grandma, kayo na pong bahala." Sambit ko kay Grandma tsaka ko siya nginitian.

"Oh siya, sige sige. Mag iingat ka, Eleanor. Ang antidote ay ingatan mo." Bilin niya, tumango naman ako tsaka lumabas ng pintuan.

Nag aantay si Rufus at Vladimir. Si Phyra ay nasa labas na.

"Wag kang lalayo samin ha," paalala ni Rufus.

"Samin ka lang didikit." Dagdag pa ni Vladimir.

"Opo mga Prinsipe." Sagot ko tsaka nagbow pa. Nagtawanan naman sila.

Nakarating kami sa kotse at nakahalukipkip si Phyra.

"Problem?" Tanong ni Vladimir.

"Hay nako, dumaan si Siraulo, irapan daw ba ako!?" Hindi makapaniwalang sambit ni Phyra. "Duh! Sino ba siya! Hmp!" Dagdag pa nito.

Parang mortal na magkaaway si Phyra at Serafino ha.

"Ayon lang!? Triggered ka kase inirapan ka?! Edi inirapan mo din sana, Ate." Wika ni Rufus tsaka sila humalakhak ni Vladimir at nag-apir pa sila.

"Heh! Basta! Kaaway ko na siya!" Sambit niya bago nagmaneho papaalis.

"Eh diba, parehas kayo ng department n'on? Legal Management din ang course niya diba?" Tanong ni Rufus at tumango naman si Phyra.

"Eli, mamaya sabay sabay tayo magla-lunch ha. Bantayan mo ang dalawang pasaway na ito!" Sambit niya bago itinuro si Vladimir at Rufus. Bahagyang nanlaki ang mata nila dahil sa gulat. Sa sobrang lakas ba naman ng boses ni Phyra e.

"Opo mahal na prinsesa." Sagot ko.

"Last mo na yan ha." Sambit niya na ipinagtaka ko.

"Huh?"

"Last na 'yang mahal na prinsesa thing. Naiilang ako. Tropa nga tayo dito diba, sis?" Sambit niya tsaka tumawa.

Naka-formal dress siya ngayon. At black na 3 inches heels may kaunting make-up at may gold na necklace.

Sila Rufus naman ay simple lang, naka-pants na itim ang dalawa at white na button down polo. Parang pinag usapan ang suot nila.

Ako naman ay nakaslacks at pink sleeveless na button down at may truffles ito partnered with black doll shoes. Binili namin ito ni Phyra sa kalapit na mall noong isang araw.

Sandali kaming kinain ng katahimikan, tanging ang tunog lamang galing sa plastic ng chitchirya ni Vladimir ang naririnig dahil kumakain nanaman siya.

"Nandito na tayo." Anunsiyo ni Phyra. Nagpapark na siya ngayon ng sasakyan.

"Ang mga paalala ko, sabay sabay tayo maglalunch! See you later!" Kumaway si Phyra samin bago umalis.

Nakasabi na sa balikat ko ang shoulder bag ko at sila Rufus naman ay handa na din.

Marked by the PrinceWhere stories live. Discover now