KABANATA 14

65 4 2
                                    

KABANATA 14

"Damien, ang papa mo." Sambit ni Ivos.  "Alvaro ba ang pangalan niya?" Dagdag niya pa. Tumango naman si Damien bilang sagot.

"Ang papa mo ang pinuno nila." Deretsahang tugon ni Ivor.

"ANO!?"

--

Umuwi na kami matapos malaman ang mga nangyari. Hindi ko pa rin maiproseso.

"Hindi naman mahirap paniwalaan iyon, Ate." Tugon ni Damien.

"Huh?"

May kinuha siya sa bulsa niya at iniabot sakin. Sulat ni mama.

"Nung araw matapos mamatay si mama ay pumunta ako sa gubat para magtirik sana ng kandila, pero iyan ang natagpuan ko." Napatingin ako kay Damien. Kalmado lang siya. Agad ko iyong bunuklat at nagulat sa aking nalaman.

"A-anong ibig sabihin nito?" Tanong ko kay Damien.

"Pinilit nila si mama ate." Niyakap ako ni Damien dahil para mapakalma ako.

Bigla namang may kumatok kaya pinunasan ko ang luha ko at bumitiw kay Damien. Nginitian ko siya tsaka nag-thumbs up.

"Eleanor.." Tawag ni Grandma sakin pagkapasok niya ng kwarto. "Pamilyar ba ako sayo?" Dagdag niya pa. Tumabi siya sakin sa upuan.

"Hindi ko po sigurado ngunit, opo. Parang nakita ko na kayo noon." Sagot ko sakanya. Malungkot siyang ngumiti.

"Nakakalungkot nga lang dahil mas pinili kong magpunta dito kesa makasama ang apo ko." Nagulat naman ako sa sinabi niya. "Wag kang mabibigla ngunit, ako ang kakambal ng Lola Lyn mo. Ako ang totoong lola mo." Sambit niya.

"P-paano?" Naguguluhang tanong ko.

"Hayaan mong ikwento ko sayo." Panimula niya.

"Nung una, hindi ko talaga alam kung bakit pinili ko ang mundong ito. Iniwan ko ang mama mo noon sa nakatatanda kong kapatid na si Lyn. Ang tumatayong lola mo sa mundo ng mga mortal." Sambit niya. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko, sumulyap ako sakanya para makita ko ang reaksiyon ng mukha niya.

Unti-unting tumulo ang mga luha niya at ngumiti ng mapait sakin.

"Buntis palang ang mama mo noon, sayo nung pinili ko ito. Ni-hindi manlang kita nasilayan noong sanggol ka. Naiinggit nga ako ate ko dahil nakita ka niya." Tumawa siya ng mahina at pinaglaruan ang mga daliri ko.

"L-lola, bakit mo pinili ang mundong ito?" Tanong ko sakanya.

"Pinili ko ang mundong ito nang dahil sa isang lalaki. Hindi nagtagal ay sumunod na din ang mama mo sakin. Kaya naiwan kang mag isa sa Lola Lyn mo." Sambit niya.

"N-natatandaan ko," tumango tango ako bago lumingon ulit kay lola. "Dalawang taon palang ako wala na si mama." Dagdag ko pa. Oo tama, pero bakit mas pinili ni mama dito?

"Alam kong nagtataka ka kung bakit pinili ng mama mo ang mundong ito. Malalaman mo din iyon pagdating ng takdang panahon." Sambit niya pa tsaka lumabas ng kwarto.

"Dame," tawag ko kay Damien at lumingon naman siya agad. "Kailan mo binasa itong sulat?" Tanong ko sakanya.

"Nung sinabing si Papa ang pinuno ng mga black vampires, tsaka ko naalala ang tungkol sa bagay na iyan." Sambit niya tsaka itinuro ang bagay na hawak ko ngayon.

Pinagmasdan ko iyong maigi nang may ala-alang pumasok sa isip ko.

Umiiyak... Umiiyak si mama habang sinusulat niya ito na para bang alam na niya ang mangyayari sakanya.

"Damien," tawag ko ulit sa kapatid ko. Itinaas niya ang kilay niya sakin at nagtatakang tumingin ang mapanuri niyang mga mata. "Anong plano?" Tanong ko sakanya. Lumapit siya sakin at umupo sa tabi ko. Lumingon ako sa bintana at pinagmasdan ang mga butil niyebeng bumabagsak papunta sa lupa.

Marked by the PrinceDove le storie prendono vita. Scoprilo ora