KABANATA 8

60 4 0
                                    

KABANATA 8

"Anong nakita mo?" Ugh! Kanina niya pa ako kinukulit magmula nung lumabas kami ng orphanage. Natapos na ang feeding program at nasa sasakyan na kami at pauwi na

"Mamaya nalang po, sa palasyo." Sagot ko. Sana makinig na!!!

"Sorry kung pinipilit kita, sige mamaya nalang." Malungkot niyang sabi. Ugh! Nangongonsensiya ba siya?

Hindi namin kasabay si Vladimir dahil may dala siyang kotse. Wala nang umimik samin hanggang sa makarating kami sa palasyo. Nauuna siyang maglakad papunta sa meeting hall.

Dumeretso siya sa upuan niya at tumabi naman ako sakaniya. Nandoon na sila Phyra at Serafino.

"Magsimula na." Wika ng Hari.

"Anong problema sa University, Prinsesa Phyra?" Tanong ng Reyna.

"Ina, Ama, maaari ho ba tayong magdagdag ng bantay sa palibot ng palasyo? Bali-balita kasi kaninang may namataan ang ilang estudyante na isang itim na bampira sa gilid ng Unibersidad." Paliwanag ni Phyra. Anoooo? Kailan yon? Nung umuwi ba kami nila Rufus!?

"Anong masasabi mo dito, Ginoong Lazarus?" Tanong ng hari sabay tingin kay Ginoong Lazarus.

Pumangalumbaba si Ginoong Lazarus tsaka nag isip.

"Hindi ba't nagpalagay na doon ng mga bantay si Ginoong Lazarus?" Singit bigla ni Ginoong Cassius.

"Oo ngunit hindi sapat iyon." Sagot naman ni Phyra. Tumango tango si Ginoong Cassius tsaka pumangalumbaba.

"Mahal na hari, wala na kaming sapat na tauhan para magdagdag pa ng mga bantay sa unibersidad." Sambit ni Ginoong Lazarus.

"Sige. Cassius?"

"Sige ho, ako na ho ang bahala mahal na hari." Sagot bigla ni Ginoong Cassius. Huh? Ano daw?

"Ayos ka lang?" Bulong ni Rufus.

Nag-thumbs up ako sakanya sabay ngumiti ng awkward. Ngayon niya lang ulit ako kinausap ng ganyan ha. Maya maya biglang nag-vibrate ang phone ko na nasa bag ko. Isang InstaVamp notif.

vladimirthepogi_ started following you. Tap to follow him back.

Ayos sa username ha. Agad ko naman iyong finollow back. Oh may isa pang notification.

vlade_handsome started following you. Tap to follow him back.

Isa pa 'to, ayos mga username niyo ha. Sinulyapan ko sila Vlade at Vladimir na nasa tabi ng mga magulang nila ngayon. Parehas silang nakangisi at nag apir pa. Finollow back ko din si Vlade.

Maya maya pa ay nag-vibrate ulit ang phone ko. Oh may nagmessage pa.

vladimirthepogi_:

Gotcha.

"Ano yan?" Sinilip ni Rufus ang phone ko. "Ano username mo? Follow kita." Dagdag niya pa tapos nilabas niya ang phone niya.

"Ah, eto." Wika ko tsaka nilahad ang phone ko.

Sinearch niya naman iyon bigla.

"Ito ba?" Wika niya tsaka pinakita ang isang profile na may username na, eliboromeo_.

"Oo ayan nga." Sagot ko.

"Okay na! Na-follow na kita, Eli." Wika niya at dumating naman ang isang notification sakin.

rufusj_thegreathandsome started following you. Tap to follow him back.

Hanep magpipinsan nga. Hayop sa username mga royalties ha.

Marked by the PrinceWhere stories live. Discover now