KABANATA 11

61 4 0
                                    

KABANATA 11

"D-damien, ano y-yon?" Kabadong tanong ko.

"Ate! Ito na, ito na ang pangitain ko. Nagkakatotoo na. Maraming buhay ang mawawala, maraming dugo. Isa lang ang makakalutas nito. Ayun ang nasa pangitain ko." Napatingin naman sakaniya ang lahat ng katabi namin sakanya.

"D-damien sigurado ka ba?" Tanong ni Phyra at walang pag-aalinlangang tumango agad si Damien.

Pinalo ni Rufus ang lamesa at nahati ito sa dalawa. Hala ang lakas niya.

"P-paano mo nagawa iyon, Rufus? G-awa iyan sa pinakamatigas na marmol. Wala ni-isa ang makakasira no'n kahit mga bampira tayo. Ngunit ikaw..." Hindi makapaniwalang sambit ni Vladimir.

"Ito na ang sinasabi ko sainyo, sinabi kong may mga magkakaroon ng kapangyarihan sainyo. Nakita ko, nakita ko sa mga pangitain ko." Sambit naman ni Damien. Shocks!

"Kung magsasanib pwersa tayo, maaring matalo natin ang mga black vampires." Sambit ni Rufus.

"M-may nadiskubre din ako sa sarili ko." Sambit ni Phyra at tinuro ang isang baso at agad iyong nagyelo.

Napanganga naman sakaniya sila Vladimir.

"Ikaw kuya Vlad? Wala pa ba?" Tanong ni Damien at umiling naman si Vlad.

"Maaari nating matal-"

"Hindi, masyado silang marami. Ngunit base sa pangitain ko, isang lang. Isang lamang ang makakatapos sa lahi nila." Sambit ni Damien.

"Sino?" Tanong nila.

"H-hindi ko alam, hindi malinaw ang pangitain." Halos pabulong na lang ang pag uusap namin dahil masyado itong confidential.

Tumunog ulit ang mga speakers sa buong campus.

"Ligtas na ang buong Kortion University. Maaari na kayong lumabas ng campus. May mga gunlords na mangunguna sainyo palabas ng University. Keep safe students. Thank you."

"Tara na, kung may mapapansin kayong mga kakayahan ninyo, maari bang sabihin sakin? Para maging aware tayo." Sabi ni Rufus. Tumango naman ang lahat.

"Maaari naman tayong magsama sama lahat sa palasyo, ano g ba?" Tanong ni Phyra.

"Oo!" Sabay sabay naming sagot.

"So, sleep over ha. Umuwi muna kayo tapos kumuha ng mga gamit. Magsstay tayong lahat sa iisang kwarto. Ipapahanda ko na." Sambit ni Phyra tsaka lumingon sakin.

Awtomatikong alam ko na ang ibig sabihin no'n. Agad kong kinuha ang phone ko at nagtipa doon. Ako ang magpapahanda no'n kay Grandma Lenora.

"Ayos na!" Pag aanunsiyo ko.

"Yey!"

"Yes!"

"Sige na, umuwi na kayo para makarating din kayo ng maaga sa palasyo. Sasalubungin namin kayo." Sambit ni Phyra at naglakad na papunta sa sasakyan niya.

"Sige na, kitakits!" Sabi ko.

"Rufus, pwede bang magpractice doon?" Tanong ni Charles. Nagthumbs up si Rufus bilang sagot dahil busy'ng busy siya sa pagtitipa sa phone niya. Hmm, sino kayang tinetext niya?

Maya maya ay nagvibrate ang phone ko.

Rufus:
Hi.

Ako:
Uh, bakit?

Rufus:
May tatanong ako.

Ako:
Ano yon?

Hindi na siya nagreply, napatingin naman ako sakanya at nahuli kong nakatingin siya sakin.

Marked by the PrinceWhere stories live. Discover now