KABANATA 17

60 3 0
                                    

KABANATA 17

"Nandito ako para makipag ayos. Patawarin mo na ako, Lenora. Bago manlang ako pumanaw." Sambit ni Lola Lyn, umiiyak siya ngayon at hawak hawak ang kamay ni Grandma ngayon.

"Kapatid ko, wag ka ngang umiyak dyan! Hay! Wala kang kasalanan, hindi kita masisisi kung napusuan mo din ang kasintahan ko noon 'no! At saka hindi na niya ako naaalala ngayon." Malungkot na tugon ni Grandma.

Hinayaan namin silang magusap habang kami ni Damien ay nakaupo sa couch. Busy siya sa kung anong bagay na nasa phone niya at ako naman ay nakatulala lang sa kawalan. Pinapanood ang niyebeng nagbabagsakan. Ang ganda nila panoorin.

"Ate, hindi ka ba nababagot?" Tanong niya sakin.

"Nababagot, bakit san tayo pupunta?" Tanong ko, alam ko na kasi kapag nagtatanong siya ng ganyan, ibig sabihin aalis kami.

"Wala, asado ka." Sambit niya tsaka umiling iling. Napa-irap naman ako sakanya tsaka binuksan ang phone ko.

May isang message galing kay Rufus.

Rufus:
I wrote a song for you, hope you like it!

It was sent 3 minutes ago. Pagtapos non ay nagsend siya ng video niya habang kumakanta.

Sinuot ko ang earphones ko at pinanood siyang kumanta habang nag-gigitara.

"Sayo na rin nanggaling,
Na ang himig ng pag-ibig,
Ay sadyang mahiwaga.
Kapag tinamaan ka,
Tinamaan ka, oh."

Ang lamig ng boses niya, ang galing pa mag gitara. Sana one of these days maturuan niya ako.

"Yabang, ayaw ishare ang sinend ng boyfriend." Sabi bigla ni Damien. Di ko namalayang nakasilip pala siya sa phone ko. Chismoso talaga!

"Hoy hindi ako chismoso ha, nakita ko lang kaya ayon hehe." Kumamot pa siya sa ulo niya. Di pa siya chismoso sa lagay na yon ha.

"Tara na, punta muna tayo kila kuya Rufus. Panigurado inaasar na yon doon." Sambit niya, sabay kaming tumayo at nagpaalam kila Grandma at Lola na nagtatawanan ngayon.

"La, Grandma, punta lang kami kila Phyra." Paalam ko kila Grandma, tumango naman silang dalawa ni Lola bilang sagot at nagpatuloy sa pag-kukwentuhan.

"Namiss talaga nila ang isa't-isa, ano?" Sambit ni Damien. Tumango naman ako tsaka ngumiti.

Sabay kaming lumabas ni Damien at tinahak ang papunta sa kwarto kung nasaan sila Phyra ngayon. Nasa tapat palang kami ng pintuan ay rinig na rinig na ang ingay nila at ang pagkantyaw nila kay Rufus

Tuluyang binuksan ni Damien ang pintuan at bumungad samin ang serye na nag aagawan sila ng phone. Teka.. Kilala ko ang phone na iyon, casing pa lang alam ko na. Kung hindi ako nagkakamali kay Rufus iyon. Lagi kong napapansin ang casing niyang gitara ang design at may strings pa. Tinutugtog niya iyon noong nasa City heights kami at kapag bored siya. Nung sinagot ko siya, ang cute nga ng casing na iyon.

"Panood na kasi, dude!" Sigaw ni Drake at nagpapapadyak pa na parang bata.

"Oo nga, dude! Di naman namin pagkakalat na cheesy ka e!" Sigaw din ni Charles tsaka ginaya ang ang ginagawa ni Drake. Para silang mga batang nagta-tantrums ngayon.

"Ano ba yon? Scandal?" Tanong naman ni Phyra habang tumatawa.

"Para kayong mga bata sa ginagawa niyo, itigil niyo nga yan." Seryosong sambit ni Serafino. Himala, hindi siya nakikisali sakanila ngayon.

Napalingon samin si Phyra na nakatingin lang sakanila kani-kanina at ngayon ay gulat na itinuro kami na para bang nakakita sila ng multo.

"H-hoy kanina pa kayo diyan?" Gulat na tanong ni Charles at napatigil na sila sa ginagawa nilang pagpadyak padyak.

"Uh, oo?" Alinlangang sagot ko.

Sumimangot si Rufus tsaka tumayo at lumapit sakin.

"Love, gusto nila makita yung sinend ko sayo." Sumbong niya. Para din siyang bata!

"Ay eto oh," offer ko sakanila tsaka ibinigy ang phone ko.

Humagikgik naman sila Drake at Charles tsaka iyon kinuha.

"Hoho! Sa amin pa rin ang huling halakhak!" Charles said and then he let out a loud laugh.

"Graduating ka na, Phyra. Saang law school ka papasok?" Tanong ni Ivor.

"Hindi ko pa alam, nagbabalak akong pumasok sa Abiantis Law School." Sambit niya at tumango tango naman si Ivor.

"So, you're going to that country just to study at their law school? Why not here? Kortion Law School? Bakit doon pa?" Sunod sunod na tanong ni Serafino.

Hindi siya pinansin ni Phyra na para bang walang narinig na nagsalita.

"Lisslet, don't be so rude, tinatanong ka ni Fins." Singit naman ni Ivos.

Napalingon si Phyra kay Serafino tsaka ito tinaasan ng kilay.

War ba sila?

"I want to try something new, besides wala namang magagalit kung magma-migrate ako diba?" Tanong niya at lumingon sa amin. Tanging kibit balikat lang ang naisagot namin.

Lumingon ulit siya kay Serafino na nakahalukipkip ngayon. Bigla naman silang nagtitigan at parang may electricity na dumadaloy nula sa mata ni Phyra hanggang sa mata ni Serafino. Sobrang sama ng tingin nila sa isa't-isa.

Siniko ko si Rufus tsaka bumulong sakanya.

"Anong nangyari? Nawala lang ako saglit tapos ganyan na sila?" Tanong ko kay Rufus.

"Kanina pa yan ganiyan simula nung makauwi tayo. Hindi ko rin alam. Hindi ko mabasa ang nasa isipan ng dalawang yan, magaling silang magtago." Sagot naman ni Rufus, napatango tango ako bago ulit tinignan sila Phyra at Serafino.

Sandali kaming kinain ng katahimikan hanggang sa nabasag ng tunog ng mga phone namin iyon. News mula sa Kort Counsel.

"Idineklarang ligtas ang buong kortion? Paano?" Tanong ni Charles tsaka tumingin samin.

"Base dito, napatay na daw ng mga Gunlords ang mga black vampires na sumalakay." Sagot naman ni Phyra.

"Wala pa rin tayong pasok, boring naman." Napabuntong hininga si Serafino tsaka binitawan ang hawak niyang stick.

"What if we go to, uh.." Sambit ni Phyra tsaka inilagay ang hintuturo at hinliliit niya sa baba niya na para bang nag iisip siya.

"What? Where?" Tanong ni Vlad.

"Vacation?" Sagot ni Rufus at bahagyang kumunot ang noo niya.

Napapitik ng daliri si Phyra na para bang naisip na niya ang gusto niyang sabihin o puntohin.

"Beach!"

Marked by the PrinceOnde as histórias ganham vida. Descobre agora