KABANATA 19

60 4 0
                                    

KABANATA 19

Nandito kami ngayon sa Kim's dahil dito tutugtog sila Rufus ngayon. At si Phyra? Ayun nasa Entrance, naniningil ng entrance fee, kasama si Vlade. Di ko akalaing seseryosohin niya talaga ang sinasabi niya kanina about sa entrance fee.

Nag aayos ang mga staff ngayon ng  Kim's ng equipments na gagamitin nila Vladimir sa stage at ako ay nakaupo lang sa table namin kasama si Ivos, Ivor at Damien.

Umakyat sa stage si Phyra at tinuktok tuktok yung microphone.

"Mic test, test mic! Ehem! Okay, so nandito na ba ang lahat?" Sambit niya, parang siya ang magiging emcee ha. Nagtilian naman ang mga fan girls nila Rufus. Grabe tama nga siya. Dudumugin sila. Ang ingay sa loob ng Kim's at lahat ng tables dito ay okupado, may mga nakatayo pa. Partida ang laki nito tas napuno ng mga fan girls nila.

"So, lets all welcome! The Devourers!" Anunsiyo niya.

Lalong nag ingay ang mga babae dito sa loob. Napatakip nalang kami ng tenga dahil sa mga tilian nila.

Bumalik si Phyra sa table namin kasama si Vlade at nagbilang ng pera.

"Grabe, ang dami ko nanamang madodonate sa ampunan. Salamat sa fan girls nila!" Sambit ni Phyra at tinuro sila Rufus na nasa stage, lights off palang at hindi pa sila nagsisimulang tumugtog.

Biglang nag lights on at nagtilian nanaman sila. Grabe hindi kaya sila malatin niyan?

Nagbilang muli si Charles gamit ang  drum stick niya at nagsimula silang tumugtog. Nauna si Rufus at sumunod naman si Drake bilang bahista ng grupo, at tumutugtog na din si Vlad ngayon.

"Every fight needs mending,
Every start has an end.
Like the sunrise and the sunset,
This is how it is."

"Infairness ang ganda ng boses ni Vladimir ngayon ha." Pag puri ni Phyra.

Nagtilian naman ang mga fan girls nila tsaka sinabayan ang pagkanta ng bandang The Devourers, sabay sabay na rin silang tumutugtog ngayon. Nakaka-overwhelmed ang ginagawa nila. Para akong nasa concert ngayon. Di ko rin maiwasang hindi mapasabay sa kantang Borrowed time ng Cueshe na kinakanta ng The Devourers ngayon.

"Oh it's good to be true,
If our hopes and dreams come true.
Wish that I have more, of this borrowed time.
If only it would last a lifetime."

Maya-maya nagpalit ng pwesto sila Rufus at Vladimir. Si Rufus ata ang kakanta. Nakangiti siya ngayon at nakatingin ang mga mata niyang singkit ng deretso sakin. Oh fuck, natutunaw ako siyet.

"Okay, ehem." Panimula niya. Ang gwapo ng boses niya grabe. "This song, is dedicated to the person that I love the most." Dagdag niya pa.

"Omg! Kinikilig ako!" Sambit ni Phyra tsaka ako niyugyog yugyog. Grabe naghihysterical siya ngayon. Mas kinikilig pa siya kesa sakin.

Tumahimik naman ang crowd at napatulala kay Rufus. Sino ba namang hindi mapapatulala e ang gwapo gwapo.

"The girl right there," sambit ni Rufus tsaka ako tinuro. "That beautiful woman right there, she's my girlfriend. Eli, this song is for you." Sambit niya tsaka sumenyas kila Vladimir.

"Umaga na sa ating duyan,
Wag nang mawawala.
Umaga na sa ating duyan,
Magmamahal oh, mahiwaga"

Grabe ang manly ng boses niya, naramdaman kong nag iinit ang mga pisngi ko. Simula palang ng kanta niya yan ha! Nakapikit siya ngayon habang kumakanta.

"Mahiwaga,
pipiliin ka sa araw-araw.
Mahiwaga,
Ang nadarama sayo'y malinaw."

Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay ngumiti siya ng napakalapad sakin tsaka pumikit ulit at dinamdam ang pag kanta niya habang nag gigitara siya.

Marked by the PrinceWhere stories live. Discover now