KABANATA 24

109 5 1
                                    

KABANATA 24

Kinaumagahan, naghain na ako ng pagkain para samin dahil hindi pa kami pwedeng bumaba, may pulong na nangyayari sa hapag. Alam na ng Hari ang tungkol sa pagkamatay ng lola ko.

"Grandma, hindi ba kayo kakain?" Tanong ni Damien. Umiling naman siya at bumalik sa higaan.

"Eli, nalulungkot kami sa nangyari sa Lola mo." Malungkot na tugon ni Serafino.

Kasama namin sila dito ngayon, may pasok na din kami mamaya kaya nakabihis na sila.

Ngumiti lang ako sa kanya, ako rin nama'y nalulungkot. Sino ba namang hindi, diba?

"Ate," tawag ni Damien. "May gig sila mamaya, kailangan daw pumunta ka." Sambit niya.

Biglang nabulunan si Serafino sa sinabi ni Damien.

"Ano ba yan boi, inunahan mo si Rufus." Tawa niya.

"Malalaman rin naman niya mamaya, ba't hindi ko pa sabihin ngayon, diba?" Nagkibit balikat siya.

"Tsk."

Inilingan ko lang sila at nagpatuloy sa pagkain.

"Alis na ako," paalam ko tsaka tumayo at kinuha ang gamit ko. "See you guys, later."

Isinara ko na ang pinto tsaka ako naglakad papunta sa elevator at naghintay na bumukas iyon. Pagbukas no'n bumungad si Rufus at Eula sa harapan ko.

"Uh, sorry. I'll use the stairs nalang." Sabi ko tsaka lumakad papalayo.

"Shit! Ano ba! Sabi niya sayo diba, ikaw lang? Bakit ka nagkaganito agad? Please! Don't be so selfish, ginagawa niya iyon para sainyo, ano ba!" Sambit ko sa sarili ko.

"Eli!" Narinig kong tawag ni Rufus sa likod.

Agad akong lumingon sakanya at nakita ang mukha niyang nakabusangot.

"Bakit ka umalis? Galit ka ba? Kung galit ka, galit din ako." Nag-cross arms siya.

"Awts, gege." Sagot ko tsaka tumango tango at madramang hinawakan ang dibdib ko.

"Huy, eto naman joke lang," sambit niya tsaka ako niyakap. "Punta ka sa gig namin mamaya, babe." Dagdag niya.

"Sige." Maikling sagot ko tsaka kumalas sa pagkakayakap sakanya.

"Sige na, may klase pa ako." Paalam ko sakanya, tumango siya tsaka ako hinalikan sa noo.

"Mag iingat ka, mahal kita, Eli. Ikaw lang." Ngumiti siya tsaka tumalikod at naglakad papalayo sakin.

Mahal kita.

"Guys, nabalitaan niyo na ba? Yung tungkol sa Prinsesa ng Abiantis! Ang swerte niya talaga. Maganda na, dugong bughaw at mapapangasawa pa ang pinapantasya natin." Hay! Chismis nanaman. Wala na ba akong ibang maririnig kundi tungkol sa kasalan na yan?!

Lunch time na ngayon kaya naglalakad ako mag-isa papunta sa cafeteria, yes mag-isa. Wala naman akong ibang friends dito, tsaka yung mga kakilala ko, hindi sila pumasok dahil may kanya-kanyang lakad. Kung si Damien naman ay nasa Kortion high siya, magkaiba din ang schedule namin. Kaya wala rin akong choice kundi kumain mag-isa dahil nagugutom na rin naman ako.

Simula kaninang umaga pagpasok ko sa campus ayon na ang chismis nila. Wala na bang iba? Nakaka-umay na e.

Umupo ako sa isang bakanteng table na malapit sa glass window. Lumapit na ang waiter at iniabot ang menu nila. Tumuro nalang ako ng kahit ano dahil wala rin naman ako sa mood mag-inarte.

"Hi?" Bati nung isang babae sakin? Sakin siya nakatingin, e.

"Ako ba?" Tanong ko sakaniya tsala itinuro ang sarili ko.

Marked by the PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon