KABANATA 25

47 4 0
                                    

 KABANATA 25

Serafino's POV

"Wala pa siya, bro," sambit ni Vladimir kay Rufus.

"Ano bang sabi niya sainyo kanina?" Tanong naman nito.

"Sabi niya bro pupunta siya," sabat naman ni Drake.

"Malapit na mag-start gig natin," Sabat ko, e kasi naman wala pa si Eli, kasama niya si Phyra, Si Rafael kasi may hinanda atang pasabog para sa pinakamamahal niya.

"Bro, eto nag-text na si Phyra,"Ani Charles tsaka ipinakita samin ang cellphone niya.

From: Phyra Lisslet,

Charles, I'm on my way na, ayaw sumama ni Eli e. Kanina nung hinarap niya ako namumugto yung mata niya, pa-ask naman si RJ kung may problem sila? Things.

"Anong 'things' yan?" Curious na tanong ni Vladimir.

"Thanks daw yan, pre." Sagot naman nitong si Drake, tsaka teka! Bakit hindi siya sakin nag-text?!?!?!?!!

Maya-maya biglang tumunog ang phone ko at nung tinignan iyon, nag-text si Lisslet.

From: Lisslet Myloves,

Magulo ka kasi kausap! Che!

Luh???

"Nga pala, bakit namumugto mata no'n, bro?"

"May ginawa ka ba?"

"Wala naman! Sa pagkaka-alam ko ayos kami, tsaka kanina nung nagkita kami sa palasyo nung nag aabang siya ng elavator, I was with Eula, no big deal para sakin kasi alam ko sa sarili ko na si Eli lang talaga, tapos nagwalk-out siya. Tapos hinabol ko siya sabay nagbiruan pa kami tapos ayon, sinigurado ko sakaniyang siya lang gusto at mahal ko bago siya pumasok sa klase niya." Paliwanag pa niya, wow napaka-detalyado. Daig pa ako magexplain ng sagot ko kapag nagrerecit kami.

"Hoy gagi, di'ba si Eula yon?" Sabay sabay kaming napalingon sa direksiyong tinuturo ni Vladimir.

At oo nga, nandoon si Eula kasama ang mga kaibigan niya at nag iinom sila. Marami rin pala siyang kaibigan, huh? Pero mas gusto ko pa rin si Eli para kay Rufus. Tsaka yung mga babaeng kasama niya, halatang nagpapa-cute sila samin. Pero kahit anong gawin nilang pagpapacute, alam kong mga loyal 'tong mga tropa ko sa crush at mga girlfriends nila. Tsaka ako? Hindi bababa standards ko, sSoB LiSsLeT LuNhG sAkAlAm.

"Siya ba yon? Yung medyo kulot yung tip ng buhok? Ganda pala, bro e!" Kumento naman nitong si Drake.

"Maganda pala e, edi ligawan mo." Ani Rufus sabay irap sa kaibigan namin. Badtrip siya, bro.

"Pero mas maganda si Eli." Sabi niya out of nowhere, I highly agree! Mas maganda talaga yung jowa niya. At si Lisslet.

"Puntahan mo na girlfriend mo, hatid ka na namin sa exit. Baka harangin ka pa ng mga babae diyan." Aya ko kay Rufus. Tumango naman siya at kinuha yung acoustic guitar niya tsaka ko siya inakbayan. Sumunod naman samin yung tatlong mokong.

"Bro, thank you, ha." Sambit ni Rufus tsaka marahang tinapik ang balikat ko. Nag-thumbs up naman ako sakaniya bilang sagot.

"Dali na lapitan mo na!"

"Kaya mo yan!"

"Mapapangasawa mo yan, girl. Wag kang mahiya sakaniya."

"You told me earlier na you have a crush on him pala ha!"

"But sad, he has a girlfriend."

"Ano ka ba! I confronted her girlfriend kanina sa campus! I told her na wag na siyang umasa kay Rufus kasi magpapakasal na kami! And guess what! She just run and then cried! What a loser!" Nagpintig ang tenga ko sa narinig, ang sama ng ugali! Mukha lang pala siyang mabait! MUKHA LANG

"What? What did you just do?"

"I said, I just con- Oh my god, Lisslet! What are you doing here my dear sister-in-law?" Biglang nag-iba yung aura nung mukha niya, what a great pretender.

"I'm here para makipagplastikan sayo, and I'm also here for The Devourers. And Uh! Bawal ba ako dito?" Mataray na tugon ni Phyra, Thats's my girl!

Phyra's POV

Kakarating ko palang sa bar kung saan gaganapin ang gig ng kapatid ko ay natanaw ko na ang bitchesang taga Abiantis. Nasa bungad lang sila kaya medyo naririnig ko yung malanding tawa nilang magkakaibigan, ew. My phone vibrated, when I checked it, its was a text from Eli.

From: Eleanor,

Wag mo nang awayin, please.

Napabuntong hininga ako tsaka nagtype ng irereply sakaniya.

To: Eleanor,

Bahala na, girl :)

Pinindot ko na ang send button at itinago ang aking phone sa shoulder nag kong red. Nakita ko ring naglalakad papunta sa direksiyon ko sila Rufus, pero bakit dala niya yung acoustic guitar niya? Hindi na ba siya tutugtog?

"Ano ka ba! I just confronted her girlfriend kanina sa campus! I told her na 'wag na siyang umasa kay Rufus kasi magpapakasal na kami! And guess what! She just run and then cried! What a loser!" Sabi pa ni Eula tapos tumawa ng malakas na para bang siya ang nanalo sa isang laro. What a loser pala, ha. Dalhin ko kaya 'to sa korte tapos doon kami magdebate?

"What? What did you just do?" Mataray na tanong ko sakanila. Agad namang napalingon sakin yung isa niyang kasamang babae at nanlaki ang mata, napainom pa siya ng tequila at binottoms up iyon, naubo pa siya dahil sa katangahan niya.

"I said, I just con- Oh my god, Lisslet! What are you doing here my dear sister-in-law?" Tanong pa niya, yung kaninang nagmamayabang na mukha niya, ngayon nagbago na parang inosente't walang ginawang kasalanan.

"I'm here para makipagplastikan sayo, and I'm also here for The Devourers. And uh! Bawal ba ako dito?" Mataray na tugon ko, tinignan ko pa sila isa-isa at hinead to foot, kasama na si Eula. Walang wala siya kumpara kay Eli na disente.

Napalunok naman si Eula tsaka uminom sa kaniyang beer at hindi na umimik.

"San ka pupunta, RJ? Hindi ka na tutugtog?" Tanong ko sa kapatid ko.

"Papauwiin ko na siya, my loves. Pupuntahan niya daw girlfriend niya, e." Sabat naman nung Sira ulo. Napangisi ako, team Eli pa rin!!!

"Hindi ikaw kausap ko," Inirapan ko siya at nakita kong madrama pa niyang hinawakan ang dibdib niya na para bang nasaktan siya or naoffend na ewan. Binaling ko ang tingin ko kay Rufus, hinilig niya lang ang ulo niya at parang sinasabi natama si Serafino.

"Sige na, puntahan mo na si Eli." Tumango siya sakin at nagsimulang lumakad papalabas mag isa. Naiwan naman kami rito nila Serafino habang nakatayo sa harapan nila Eula.

"What now?" Tumingin ako kila Eula at nakitang nakayuko silang lahat ngayon, naririnig ko rin ang bulungan ng mga bampirang nasa paligid namin.

"Tara na, Phyra. May pwesto kayo r'on ni Eli sa harap, kaso wala siya kaya ikaw nalang." Aya sakin ni Charles. Naunang maglakad si Serafino kaya sinundan namin siya.

Sinulyapan ko pa sila Eula bago umupo.

"Hayaan mo na yung social climber na 'yon."

Marked by the PrinceOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz