KABANATA 18

59 3 0
                                    

KABANATA 18

"Wuhooo! Vacation! Tagal ko nang hindi nakapag-beach!" Sigaw ni Vlade at tumakbo sa may dalampasigan tsaka lumuhod sa buhanginan at kumuha nang ilang buhangin at binato iyon sa dagat. Nagkalat din ang mga piraso ng niyebe at nakasama yon sa nadakot ni Vlade.

"Vlade! Tara na muna sa hotel room!" Sigaw ni Phyra.

Mukhang excited na excited si Vlade sa bakasyong ito. Iniwan namin si Amor kay Grandma at Lola. Kahapon lang nang dumating siya sa palasyo at kanina pag alis namin ay ayos naman siya. Binilin ko rin na kailangan niyang magpatak ng antidote araw araw.

"Mamaya, doon tayo tatambay." Tinuro ni Phyra ang isang restaurant na yari sa kawayan. Mukhang maganda doon.

"Sige na, naibigay ko na sainyo ang mga keycards niyo, ha. Wala nang dapat problemahin. Kita kita nalang tayo mamayang lunch sa Kim's, okay?" Tumango ang lahat tsaka pumasok sa kanya kanyang kwarto.

Medyo malaki ang kwartong tinutuluyan ko, tig iisa kami ng kwarto, kaya uh, natatakot ako baka may multo dito.

Maya maya ay may kumatok sa pintuan.

"Sino yan?" Tanong ko mula sa loob.

"Phyra 'to." Sagot niya mula sa labas. Binuksan ko kaagad ang pintuan at nakita ko nga si Phyra.

Pumasok naman agad si Phyra at umupo sa couch malapit sa kama ko. Sa tapat ng couch na yon ay may malaking salamin, ganda mag mirror shot dito oh.

"May pinaayos ako doon sa Kim's, tutugtog sila Rufus." Sambit niya, napatingin naman ako kaagad sakanya tsaka umupo sa tabi niya.

"Alam na nila? May fan girls?" Tanong ko, panigurado wala kasi wala namang nakakaalam na nandito kami kasama ang The Devourers diba.

"We'll see, wala naman sigurong nagpost about sa vacation na 'to." Kasabay non ay ang pag-vibrate ang phone namin ni Phyra.

vlade_handsome is doing live chat "White Island, gagawa kami sand castle."

Ayon ang title ng live chat nila ngayon. Plinay ko ang video at nakinood naman sakin si Phyra.

"Hi!! Yow wazzup wazzup wazzup! We're here at uh, wait kuya nasan ba tayo?" Tanong ni Vlade sa kuya niyang si Vladimir.

"White island." Maikiling sagot ni Vladimir.

"Oo ayon! Nasa White island kami kasama ang tentenenententen! The Devourers!"  Wika niya tsaka pinakita sa video ang The Devourers.

Nakita kong naka-cross arms si Rufus habang naglalakad at si Damien naman ay nakahalukipkip sa gilid.

Kumuha ako ng tubig para kay Phyra. Pinapanood niya pa rin ang Live Chat nila Vlade at nakikita base sa ekspresiyon ng kanyang mukha na nagagalit siya.

"Pasaway talaga ang Vlade na 'to! Siguradong dudumugin tayo ng mga fan girls nila!" Sigaw ni Phyra at sa gigil niya nabasag pa ang basong hawak niya ngayon. Ang lakas niya grabe!

Tumayo siya at tsaka tumingin sakin. Nanliliit pa ang mga mata niya tsaka kinuyom ang kamao niya at itinaas iyon.

"Eli! Tara, puntahan natin sila!" Sambit niya tsaka naunang lumabas ng kwarto.

Base sa nakita sa live nila, nasa dalampasigan sila ngayon at naglalakad lakad.

Sumunod ako kay Phyra na nasa dalampasigan na ngayon. Mabilis akong nakarating sa kinaroroonan niya ngayon.

"Asan na ba ang mga mokong na yun?" Tanong ni Phyra at lumingon sa paligid.

Ginawa ko rin ang ginawa niya, lumingon lingon ako sa paligid at namataan ko sila na nasa may dulo.

Marked by the PrinceWhere stories live. Discover now