KABANATA 15

61 3 0
                                    

KABANATA 15

"Oh, water boy." Sambit ni Charles.

"Shh! Manahimik ka, Mr. Fortune teller." Banat naman ni Serafino.

"Fortune teller?" Sabay sabay naming tanong.

"Oo! Di niyo pa ba alam? Almost three days na din simula nang madiskubre niya iyon." Sagot ni Serafino.

"Hoy pano? Pano naging fortune teller?" Tanong ni Phyra.

"Kasi ganito yon, nung nakaraang araw kasi may nakita siyang matanda tapos sabi niya, 'Dude, nakita mo yan dude?' Tas sagot ko, 'Alin yung chix?' Tas sabi niya, 'Hindi dude mukha kang chix, yung matanda kasi! Ayun oh.' Tapos tinuro niya yung matanda na nakatayo malapit sa coffee shop sa bayan. Tas sabi niya bigla, 'Dude iligtas mo siya, masasagasaan siya.' Tas di ako naniwala, sabi ko, 'Baliw ka na ba dude?' Tas sinamaan niya ako ng tingin. Maya maya nagkatotoo nga, nasagasaan yung matanda." Kwento ni Serafino at ginagaya pa ang boses ni Charles.

"Dude ang haba naman ng kwento mo." Sabi ni Rufus.

"Tapos dude may nakasalubong pa kaming couple na magkaholding hands tapos biglang sabi niya, 'Dude tignan mo yan, maghihiwalay yan ngayon, dito mismo sa lugar na 'to.' Tas naisip ko pa n'on na bitter siya kaya di ko siya pinansin. Maya maya naghiwalay na ng landas yung couple gagi tas umiiyak yung babae. So ako na nacurious, nilapitan ko yung babae." Sabi niya.

"Tapos anong ginawa mo sa babae?" Tanong ni Phyra.

"Oy, curious din siya, wag kang mag alala hindi ko siya type." Sambit niya tapos kinindatan niya si Phyra.

"Ew, tinanong ko lang." Banat naman sakanya ni Phyra.

"Sus! Kunyare ka pa. Alam ko naman na curious ka talaga. So eto na nga, nilapitan ko yung babae tapos tinanong ko kung bakit siya umiiyak." Sambit niya.

"Chismoso ka, Dude!" Sigaw ni Drake.

"Shh! Tapos sagot niya sakin, 'Nagbreak na kasi kami ng boyfriend ko e.' Diba dude! Isang tingin niya lang sa isang tao alam niya na agad mangyayari!" Sigaw pa niya.

"Sige nga, kung totoo nga. Kami ba ni Eli hanggang dulo na?" Tanong ni Rufus. Napa-ow silang lahat dahil doon.

"Sa nakikita ko, hmm. Oo." Sagot ni Charles, napapitik naman ng daliri si Rufus.

"Oh totoo nga!" Sambit niya tapos niyakap ako.

Clingy pala siya.

"Naglalabasan na ang mga super powers ninyo, kulang pa. Ang nature at ang wind. Abangan niyo nalang kung kanino lalabas iyon." Sambit ni Damien.

"Rufus, malapit na ang kaarawan mo. Anong plano mong gawin sa birthday mo?" Pag singit ni Phyra.

Hala may birthday siya? Oh God, Eli. Syempre! Ano ba tingin mo sakanila? Alien?

"Next month pa yon ha, pero hindi ko pa alam, wala pang sinasabi si Ama at Ina na may kasiyahang magaganap." Sagot naman ni Rufus.

"Dude! Magperform tayo sa birthday mo! What if free concert? Or kung meron mang party, edi kinabukasan! Ano g?" Tanong ni Charles. Sumang ayon naman sila.

"K-kailan ba ang birthday niya?" Tanong ko.

"Hala dude hindi alam ng girlfriend mo ang birthday mo, ouchy naman." Nagsad face pa si Drake.

"Dude magtampo ka bilis." Singit naman ni Charles.

"Di bagay magtampo sayo, bro." Tinapik ni Phyra ang balikat ni Rufus.

"Stupid, syempre dahil bagong salta pa lang siya dito at galing siya sa ibang mundo kaya hindi niya pa alam." Sambit ni Rufus sabay kumindat sakin.

Marked by the PrinceWhere stories live. Discover now