KABANATA 7

61 4 0
                                    

KABANATA 7

"Ate.." Tawag ni Rufus kay Phyra.

"Hmm?" Nilingon siya nito saglit tsaka ibinalik ang mga paningin sa kanyang nilalaro.

"We're going home, may klase ka pa ba?" Tanong nito.

Tumango si Phyra tsaka pinatay ang phone niya.

"Hoy gagi! Phyra baka ma-afk ka nyan sayang 'to! Rank pa naman." Sabi ni Serafino tsaka binuksan ulit ang phone ni Phyra. Hinayaan niya lang ito.

"Bakit? May emergency?" Tanong ni Phyra.

"Uh, yeah. Damien texted Eli and something happend daw." Sagot ni Rufus.

Kumakain na si Vladimir at wala na din siyang suot na headphones. Napalingon din ito samin nang marinig na uuwi na kami.

"Sige, hatid ko na kayo." Sagot nito.

"No need. Kaya na namin." Sagot naman ni Rufus.

"Uuwi na tayo? Teka lang ubusin ko lang 'to hoy!" Nagmamadaling inubos ni Vladimir ang pagkain niya at wala pang dalawang minuto ay tapos na iyon.

"Ay ang bilis. Ayaw maunahan." Wika ni Serafino tsaka humalakhak at tinaas taas pa ang kilay niya.

"Shh!" Suway sakanya ni Phyra tsaka hinampas ang braso nito.

"Aray ko ha!" Wika nito tsaka inirapan si Phyra.

"Did you just rolled your eyes on me!?" Hindi makapaniwalang wika ni Phyra.

"Yes." Matigas na wika ni Serafino.

"How dare you!" Sigaw nito tsaka sinabunutan si Serafino.

Natawa nalang kami bago umalis doon. Nang makalabas na kami ng university, biglang nagsalita si Rufus.

"We're going to walk."

"Ha?"

"Sabi na e." Napapitik naman ng daliri si Vladimir.

"Shh! Sige magtaxi na tayo." Suway ni Rufus.

"Uh, papapasukin ba ang taxi sa palasyo?" Tanong ko.

"Oo nga! Maglakad nalang tayo! Eli sakay!" Sambit ni Vladimir tsaka pumwesto na parang lukasong baka at tinapik pa ang likod niya.

"H-ha? Saan?" Takang tanong ko.

Nginuso niya ang likod niya tsaka tinapik ulit.

"H-ha? Seryoso ka ba?" Tanong ko. Tinignan ko naman si Rufus na nakahalukipkip sa gilid.

"Oo! Tara na!" Sagot ni Vladimir.

"Eh! Ayoko nga! Mabigat ako, Vlad tsaka uh, nakakahiya." Oo nga! Nakakahiya kaya, tsaka prinsipe siya!

"Ano ba wala ng hiya hiya!" Sambit nito tsaka pwersahang pinasan ako. Napasigaw naman ako sa gulat at aksidenteng napalo siya sa balikat.

"U-uh, ipagpaumanhin niyo po ang aking kapangahasan mahal na prinsipe h-hindi ko sinasadya." Paghingi ko ng tawad.

"Bilisan niyo na diyan, diba pinapauwi ka ng maaga ni Damien, Eli?" Sambit ni Rufus bago tumakbo ng mabilis.

"Eh?" Napakamot nalang ako ng ulo tsaka tinignan si Vladimir. Nakapasan pa din ako sakanya. Anong problema n'on?

"Hayaan mo na, tara na. Kumapit ka ha? Baka mahulog ka, dibale ba kung sakin e wala tayong magiging problema." Sambit niya at napansin kong napa-smirk siya.

Kumapit ako ng mahigpit sakanya bago siya tumakbo ng mabilis.

Maya maya ay tumigil kami sa harap ng tarangkahan at dahan dahan naman kaming pinagbuksan ng mga kawal. Agad naman akong bumaba mula sa likod niya

Marked by the PrinceWhere stories live. Discover now