KABANATA 10

66 4 0
                                    

KABANATA 10

Ano iyon? Pati ba naman dito?

Napahawak naman ako sa braso ni Rufus dahil muntikan na akong matumba.

"Ano nangyayare sayo? Masakit ba ang ulo mo?" Tanong ni Rufus.

'May nakita ako, Rufus.'

'Anong nakita mo?'

'Isang.. Isang lalaki ang pinatay dito.'

Pagtapos naming mag usap gamit ang telepatiya ay dumeretso na kami sa Main building kung saan gaganapin ang program.

"ARE YOU READY KORTIANS!" Sigaw ng host, nagsigawan naman ang mga estudyante. Kakatapos lang magspeech ng mga royalties at lalabas na ang banda nila Rufus na The Devourers.

Naglights off sa stage at nakita kong sineset-up na ang mga gagamitin nila para tumugtog.

Bumukas muli ang ilaw at nakapwesto na ang mga kabanda nila Rufus.

"OMG! WE LOVE YOU RUFUS JOSEPH KYAAAAAH!" Tili ng mga babae sa isang parte. Wow may pa-banner pa sila.

"VLAD TAPAKAN MO AKO PLEASE!!!"

"FINS AKIN KA NALANG!!!"

"CHARLES ANG GWAPO MO KYAAAH!!"

"OMG DRAKE KINDATAN MO AKO!!!"

Halos mabingi kami ni Phyra sa sigawan nila. Nasa unahan kami syempre dahil kasama ko si Phyra na royalty.

Nagsimulang tumugtog ang The Devourers at sumasabay naman ang mga fans nila.

Napansin ko din na may mga Lordian na nagkalat dito sa buong Main building dahil nga sila ang naatasang magbigay ng seguridad dito sa buong campus, pansin ko din ang ibang kawal na ipinadala ni Ginoong Cassius.

"Nagkakagulo ang mga Gunlords, ano kayang nangyayari?" Bulong ni Phyra.

Napansin ko nga, nagtatakbuhan ang iba sakanila. Anong nangyayari?

"Phyra, magbabanyo lang ako saglit." Pagpapaalam ko kay Phyra at tumango naman siya. Kailangan kong alamin kung ano ang nangyayari sa labas.

Palabas na ako ng Main building nang harangin ako ng isang Gunlord.

"Saan ka pupunta, binibini?" Tanong niya.

"Uh, anong nangyayari?" Tanong ko.

Napabuntong hininga siya tapos hinawakan ang balikat ko.

"Binibini, mas mabuting wag ka nang mangia-"

"Please.." Putol ko sakanya.

"Isang black vampire, balak patayin ang isa sa mga prinsipe." Sambit niya, kumalabog ng malakas ang dibdib ko.

"P-paano niyo nalaman?" Tanong ko.

May kinuha siya sa bulsa niyang isang papel at iniabot sakin.

'Humanda kayo, mapapasaamin ang Kortion. Papatayin namin ang mamumuno sainyo.'

Mabilis akong bumalik sa loob para i-check ang mga royalties.

Nakahinga lang ako ng maluwag dahil nakita ko pa rin sila sa stage at si Phyra naman ay sumisigaw para sakanila dahil naharangan na siya ng iilang fan girls nila.

"ANO BA YAN! BAKIT KAYO HUMAHARANG!?" Sigaw niya.

Natawa naman ako dahil mukhang nagagalit na siya.

"Oh bakit ka sumisigaw dyan?" Tanong ko.

"Eh kasi! Hinaharangan na nila ako! Paano magkakaron ng insperasyon si Charles niyan!?" Ay wow ha, wow wow wow.

Marked by the PrinceDonde viven las historias. Descúbrelo ahora