KABANATA 3

100 5 0
                                    

KABANATA 3

Napamulat ako ng mata at napahawak sa ulo.

"Argh ang sakit." Sambit ko sa sarili ko at minasahe ang sintido ko. Napatigil ako saglit nang maalala ang nangyari kagabi.

"Oh shit." Bulong ko sa sarili ko.

Humawak ako sa noo ko ng may maramdaman doon. Isang sticky note.

"Uminom ka nung Antidote, naamoy ko pa din yung dugo mo.-Rufus" Basa ko sa nakalagay sa sticky note.

Dali dali kong tumayo at hinanap ang antidote at nagpatak kaagad n'on.

Naligo ako at nagbihis. Lumabas ako ng kwarto ko, naghihintay si Rufus sa labas ng kwarto ko.

"Oh, gising ka na pala." Bungad niya saakin. Ngumiti ako ng awkward sakanya at napakamot ng ulo.

"Ah, hehe, oo. Kanina ka pa diyan?" Awkward na tanong ko sakaniya. Dahan dahan naman siyang tumango.

"Tara na, ililibot kita sa palasyo." Inilahad ni Rufus ang braso niya at kumapit naman ako doon.

Nakaformal ako ngayon dahil ito ang unang araw ng trabaho. Nakaslacks ako at nakawhite na t-shirt tsaka  pinatungan ko lang ng blazer na kulay itim. Naka-doll shoes din ako na kulay black. At may dala din akong black na sling bag. Laman n'on ay ang phone ko at ang antidote.

Bumaba kami sa isang malawak na hagdan at lumiko sa kaliwang bahagi ng palasyo. Pumasok kami sa isang silid kung saan may Computer at may mga papeles na nakaayos sa isang shelf, may mga libro din. Brown and red ang theme ng opisina. Pang-royal blood talaga.

"Ito ang magiging opisina mo, nandito lahat ng kailangan mo." Sambit niya tsaka umupo sa isang couch sa loob ng opisina ko.

Inilibot ko ang mata ko sa buong silid tsaka naglakad sa palibot nito. Sobrang laki nito, may sariling banyo, may sink, may kusina at may fridge din. Feeling ko tuloy isa akong CEO sa isang kumpanya.

Hinawakan ko ang bawat muwebles sa silid na iyon. Inilapag ko ang sling bag ko sa isang swivel chair.

"A-ang laki nito, Rufus." Sambit ko tsaka sumulyap sakanya, "Sigurado ka bang opisina ito at hindi kwarto?" Manghang tanong ko sakanya. 

He chuckled while shooking his head. Inilibot ko ulit ang mata ko doon at hindi ko maiwasan ang pagkamangha.

"Tara na, mamaya babalik tayo dito at may ipapaayos kami ni Ate." Sambit niya tsaka tumayo.

He opened the door, and gestured his hand like he was leading the way out. Para naman akong buhay prinsesa nito.

Dineretso lang namin ang pasilyong iyon mula sa opisina ko, tumigil kami sa isang pinto. Base sa nakita kong sign sa pintuan nitong kwartong ito. Opisina ito ni Mama.

                         .       "Lady Eloisa Vrizco
                                   King's Chairperson."

Ayan ang nakalagay sa pintuan. Vrizco huh? Kasal na nga siya.

Kumatok si Rufus sa pintuan, bumukas ito at bumungad saamin ang isang cute na cute na batang babae.

"Kuya Rufus!" Sigaw nito tsaka nagpakarga kay Rufus.

"Amor! Tagal nating di nagkita, ah. Is Lady Eloisa inside?" Tanong ni Rufus kay Amor. Tumango ang batang babae, ang tagal ko bago napagtanto na, Siya ang kapatid ko.

Nilingon ako ni Amor tsaka ngumisi ng nakakaloko.

"Kuya? Sino siya? Crush? Girlfriend?" Tanong niya at tinuro ako. Amp! Crush? Malabooo! Girlfriend pa kaya!? Malawak ang pag iisip ng batang ito. Halatang bata pa siya pero ang tono ng pagsasalita niya, parang matanda na. Mana sakin or kay Mama.

Marked by the PrinceWhere stories live. Discover now