KABANATA 21

66 5 0
                                    

KABANATA 21

"Wait, are you serious!? Sa bubong niyo ako ilalagay?" Iritang tanong ni Kristal.

"Oo, angal ka?" Barumbadong sagot sakanya ni Rufus.

"Alam mo, gusto kita kaso ang gaspang ng ugali mo." Banat naman ni Kristal. Aba't!

"Sayo lang." Sagot ni Rufus tsaka binato si Kristal sa bubong ng van. Joke hindi binato, sana binato nalang niya.

Nag aantay si Serafino sa bubong ng van para buhatin ang upuang kinalalagyan ni Kristal paakyat.

"Paano kung may biglang kumuha sakanya dyan?" Tanong ni Serafino matapos itali si Kristal.

"Edi nakuryente sila." Sagot naman ni Ivos.

"What?" Sabay sabay naming tanong.

"May electricity ang buong baging, which is hindi nararamdaman ni Kristal, kaya tignan niyo parang chill lang siya. Once na may humawak sakanya diyan sa taas, makukuryente ang bampirang iyon at agad mamamatay. Mararamdaman ko rin kapag may humawak sakanya dahil sakin galing ang electricity " Paliwanag niya.

"Big brain!" Puri ni Phyra tsaka pinalakpakan si Ivos. Nagpalakpakan din sila Rufus dahil sa naisip ni Ivos.

"Sige na, balik na tayo sa palasyo. Sa ngayon, magsasama sama muna tayo." Sabi ni Rufus.

"Bakit kaya hindi natin tanungin kung anong pangalan ng kuya ni Kristal?" Tanong ni Vlade.

"Sasagot kaya yan?" Tanong ni Ivor.

"Depende, siguro kukuryentehin muna? Turuan natin ng leksyon." Sabi ni Ivos.

"Wag muna, hayaan nating mag imbestiga ang ating future detective." Sabi ni Phyra tsaka lumingon kay Damien,  "Damien, diba ikaw ang president ng detective club? How about your members? Vlade, you should join their club, I'm sure it will help if you join." Phyra pointed at Damien then looked at Vlade.

"Ate, deduction is not my thing, tsaka di ako mahilig magsolve ng mysteries. Sorry." Napayuko si Vlade.

"Uh, it's okay. Malaki pa rin ang maitutulong mo sa squad." Ngumiti si Phyra sakanya.

"Ikaw na ang bahala sa sibling ni Kristal, Damien." Sambit ni Ivor.

"I will help them, since dati akong president ng detective club at may mga karanasan na rin ako." Sabat ni Serafino.

"Good, kailangan nating magtulungan." Sambit ni Phyra tskaa tumango tango.

Nakapikit lang si Ivos at parang nakikiramdam sa mga nangyayari.

"Ivos kamusta," ani Charles.

"May humawak, ihinto mo muna." Sagot ni Ivos. Hininto ni Rufus ang sasakyan at saktong bumagsak ang isang bagay mula sa taas.

"Ano yon?" Tanong ko.

Lumabas sila Ivor at Damien kasama si Serafino para tignan ang bagay na bumagsak.

"Isang black vampire. May marka sa kamay niya, sa tingin ko malakas ang electric shock na nagmula sa baging para magkaganto ang kamay niya." Lumapit si Serafino at nilagay ang palad niya sa tapat ng ilong nito, "he's not breathing." He added.

"Sige, isasakay na namin yan sa likod, magiging abo rin yan maya maya." Rufus calmly said. Pumasok na kaming lahat sa saksakyan matapos mailagay nila Rufus ang bangkay sa bandang dulo ng kotse kung saan walang nakapwesto.

"Inaantok ka ba?" Tanong ko kay Rufus.

Lumingon siya saglit tsaka ngumiti at ibinalik din ang tingin sa daan. May ka-kaunting niyebe pa na bumabagsak mula sa kalangitan.

Weird 'no? Nagbeach kami sa kalagitnaan ng taglamig. Ni-hindi kami nakaligo. Pero siguro dadating din yon.

"Nope, ikaw? Kung inaantok ka, then sleep. Gigisingin nalang kita kapag nandoon na tayo." Sagot niya. Nilingon ko muna sila Phyra at nakitang tulog din sila. Napagod sa adventure ngayon.

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko tsaka tumango kay Rufus at sinimulang matulog.

Third person's point of view

Habang nagddrive si Rufus ay napatingin siya kay Eleanor at napangiti.

Maya maya ay bigla siyang kinalabit ni Phyra mula sa likod.

"Hindi mo pa ba sinasabi sakanya?" Tanong nito at saka kinusot ang mga mapupungay niyang mata.

"Ang alin?" Tanong ni Rufus pabalik.

"Ang tungkol sa prinsesa ng Abiantis. Nakatakda kang ipakasal sakanya. What's her name again? Yung sister ni Elisabetha?" Tanong ni Phyra sa kapatid.

"I don't know, and I don't care about that fucking wedding. Only matters to me now is Eli, and our relationship." Deretsong sagot ni Rufus at napahigpit pa ang hawak niya sa manibela dahil sa inis.

"Pero RJ, paano si Ama? Siguradong magagalit siya." Ani Phyra.

"I don't care, I can stop that fucking wedding for her. And no one can stop me." Desididong sagot ni Rufus sa kanyang Ate.

Napabuntong hininga si Phyra ng napakalalim.

"Don't worry, kung magalit man sila sayo. Ipagtatanggol kita. Syempre kapatid kita at mahal kita. At mahal ko na rin ang mga mahal mo. So mahal ko rin si Eli. I'm in the both of you." Ngumiti siya sa kapatid niya tsaka bumalik sa pagtulog.

Sandali niyang naisip ang tungkol sa kasal na yon. Hindi niya pa nasasabi sa ama niya ang tungkol sakanila ni Eleanor.

Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan nang makarinig siya ng sigaw mula sa bubong ng sasakyan nila.

"Hoy! Dahan dahan naman! Baka mahulog ako!" Sigaw ni Kristal mula sa taas.

Napangisi si Rufus at lalo pang binilisan ang pagpapatalbo ng sasakyan nila.

"Bullshit!" Sigaw muli ni Kristal.

Nagsiklab muli ang galit mula sa loob ni Rufus kaya mas lalo niya pang binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan.

"Kailangan niyong magbayad." Gigil na sambit ni Rufus.

Samantala, mula sa laba ng sasakyan. Nagmamasid ang mga itim na bampira sa sinasakyan nilang van. Pinagmamasdan ang kaawa-awang si Kristal na nakatali.

"Kasalanan ko ito!" Bulyaw ni Alvaro.

"No, pa. It's my fucking fault." Kalmadong wika ng isang lalaki sa tabi niya. Nagtatakang napalingon si Alvaro sa lalaki at napangiwi.

"Kukunin ko siya, kasama ng babaeng iyon. Igaganti ko ang ating lahi." Dagdag pa nito tsaka tinapik ang balikat ng kanyang ama at deretsong naglakad paalis.

Marked by the PrinceWhere stories live. Discover now