KABANATA 2

131 7 0
                                    

KABANATA 2

"Anak gising na," Naramdaman ko ang marahang pagtapik ni mama sa pisngi ko at ang paghalik niya sa aking noo, "Hindi ka pa nagpalit ng damit mo. Inumin mo na ito at nangangamoy na ang dugo mo." Napabangon ako dahil doon, nakita ko ang labis na pagpipigil ni mama sa sarili niyang kagatin ako.

Namumula ang mata niya at para bang takam na takam. Ngumanga ako at pinatakan niya ako kaagad ng antidote sa bibig. Mabilis namang nawala ang pagkapula ng mata niya at nakahinga ng maluwag.

"Mama, kamusta?" Ngumiti ako sakanya tsaka siya niyakap, "Namiss kita mama." Ibinaon ko ang mukha ko sa balikat niya.

"Ayos lang ako anak, namiss din kita." Hinaplos niya ang buhok ko tsaka ito hinalikan. "Sige na kumilos ka na, may ipinadala si Prinsesa Phyra na damit. Iyan daw ang suotin mo. Sa tingin ko ay aalis kayo." Sabi bigla ni mama, nanlaki ang mata ko ng maalala ang sinabi ni Phyra kagabi.

"Oo nga pala, sige mama ha? Kikilos na ako." Sabi ko at hinalikan siyasa pisngi. Narinig ako ang pagtawa niya at tumango. Tumakbo ako papuntang banyo para maligo.

Habang naliligo ako ay hindi ko maiwasang isipin si Lola. Sana ayos lang siya sa mundo namin.

"Hay, ang sarap maligo." sabi ko sa sarili ko pagtapos. Nagpatuyo ako ng buhok bago tinignan ang damit na pinadala ni Phyra. Nakalagay ang mga damit sa isang walk in closet na nasa loob ng cr, wow deluxe suit ba 'tong kwartong 'to?

Off-shoulder na kulay pula at high waisted na kulay puting jeans. Bumagay ito sakin dahil maputi ang kutis ko. Meron 'ding kulay black na rubber shoes, low cut lang iyon kaya mas lalong bumagay. Hinalungkat ko ang bag ko at hinanap ang necklace ko na may pendant na Crescent Moon. Paborito ko iyon. Bumalik ako sa walk in closet para tignan ang sarili ko sa salamin.

"Wow ako ba 'to." Bulong ko sa sarili ko. Kamangha mangha. Ang ganda ko. Syempre ako lang 'to.

Paglabas ko ng banyo ay nandoon na sila Phyra sa loob ng kwarto ko.

"Witwiw!" Sumipol si Vladimir at siniko naman ito ni Phyra.

"Wow chix." Sabi naman ni Rufus. Agad itong binatukan ni Phyra.

"Um! Isa ka pa!" Sabi nito tsaka umirap.

Si Phyra ay nakasuot ng dress na above the knee. Ewan ko kung anong tawag don, bakuna dress nalang para mas madali maunawaan. Bakuna dress na kulay itim at itim din na doll shoes, may dala siyang black purse at may ribbon sa ulo niya na kulay itim. Wow lady in black.

Tumingin ako kay Rufus na nakasuot ng button down black polo at naka shorts, naka rubber shoes din to. Bumagay sakanya kahit simple lang.

Sumulyap ako kay Vladimir, ang suot niya ay V-neck plain gray shirt at naka shorts din. Naka balenciaga ito. Iba talaga wow. Kahit simple ay bumagay sakanya, kagaya ng kay Rufus. Hindi maipagkakaila na royalty sila. Napansin ko din na wala na ang mga pantal niya sa mukha.

Sinulyapan ko ang isa pa nilang kasama. Tumaas ang kilay nito at lumunok, nakita ko ang pag galaw ng adams apple niya. Mukha bata pa siya, nakasuot siya ng button down polo katulad ng kay Rufus at naka shorts din, nakablack rubber shoes ito.

"Ah, Eli. Si Vlade, Kapatid ni Vlad, pinsan namin. Vlade si Eli, sekretarya namin ni Rufus at anak ni Lady Eloisa. Tropa natin siya hah! Wag mo siyang sungitan." Mahinanong sabi ni Phyra kay Vlade, umirap sa kawalan si Vlade tsaka tumango.

"Vlade," Maikling pagpapakilala niya at inilahad ang kamay saakin. Inabot ko iyon at nakipag kamay sakanya.

"Eli." Ngumiti ako ng awkward sakanya, baka sungitan niya ako.

Marked by the PrinceWhere stories live. Discover now