KABANATA 26

43 5 0
                                    

Kabanata 26

Eleanor's POV

"Tapos ano ginawa mo Ate?" Tanong ni Vlad kay Phyra.

"Chismoso!" Binato ng twalya ni Rufus si Vlad.

"Ano ba Kuya! Gusto ko lang naman malaman kung gaano ka-savage si Ate Phyra, tumawa si Phyra tsaka inawat sa pagtatalo ang magpinsan.

"Inirapan ko siya pag labas namin ng club, she tried to reached for me pero agad akong lumayo. I don't want a trash touching me." Pinagpagan pa ni Phyra ang balikat niya at umaktong parang nasa isang action film.

"Astig mo talaga ate!" Pinalo ni Vlade ng marahan si Phyra sa braso.

"Lods, cod." Aya nitong si Vladimir kila Damien.

"Ayoko pabuhat ka." Sagot sakaniya ni Vlade

"Ikaw ba inaaya ko?" Naka-taas kilay na tanong ni Vlade. Ano palag!

"Sabi ko nga hindi ako, pero wag kayong makikipaglaro diyan! Nabagsakan na yan ng airdrop ayon na-dogtag. Sugapa kasi sa adrenaline." Naka-ngising sabi ni Vlade sa kaniyang kuya.

"What the hell is cod?" Tanong naman ni Phyra.

"Oo nga ano yon, care to share?" Tanong ko.

"Online games, barilan. Tara na!" Pamimilit ni Vladimir.

"Just one game." Dali daling nilabas ni Damien ang kaniyang phone.

"Sali rin ako." Nilabas na rin ni Rufus ang phone niya.

Lumapit sakin si Phyra at nilaro ang buhok ko.

"Hayaan mo sila, mga boys talaga. Pero it looks so fun 'no? Why don't we try it?" Nilabas rin ni Phyra ang phone niya at nag install ng COD na sinasabi nila.

"She's here." Biglang tugon ni Damien.

"Who?" Tanong ko.

"Eula the freak." Maiksing sagot nito.

Maya maya ay marahang bumukas ang pintuan at iniluwal no'n si Eula. Kasama niya si Elizabetha at dali dali itong lumingkis kay Vladimir.

"Ano ba! Pucha naglalaro yung tao, e. Mamaya mo na ako kulitin di ka ba nagsasawa?!" Bulyaw nito kay Elizabetha. Dali daling umiling si Elizabetha at patuloy na hinarot ai Vlad. Napailing nalang ako.

Naramdaman ko ang matalim na titig sa akin ni Eula. Agad akong lumingon sakaniya, bigla namang nagbago ang expression ng mukha niya. Bigla itong naging maamo. Plastic.

"Bro kapag na-dogtag ako, pakikuha nalang. Ang kulit kasi nitong babaeng 'to sabing hays. Ayan na!" Binato ni Vladimir ang kaniyang phone tsaka tumayo sa kaniyang kinauupuan.

"How does this game works?!" Inis na tanong ni Phyra.

"Ohoy! Sabi na nga ba naglalaro kayo, e. Kumpleto na ba kayo? Five man?" Biglang sabay ni Serafino. Saan dumaan ang isang 'to?

"Gago bro, battle royale 'to. Mamaya multiplayer tayo." Rufus said.

"Sa bintana ako dumaan, bukas kasi." Bigla naman nitong sabi.

"Bro, laruin mo muna 'to." Binigay ni Rufus ang phone ni Vladimir kay Serafino.

"Oh nasaan ang may ari nito?" Takang tanong ni Serafino kila Rufus. Dali daling nilaro ni Serafino ang phone ni Vladimir dahil nasa labas na raw ng safe zone ang character ni Vladimir.

"Bro, may snow b ata 'yan, punta ka na sa zone." Utas ni Rufus na tinanguan ni Serafino, busy sila sa paglalaro nang pinausog ako ni Eula.

"Can you move aside? I want to be beside Phyra." Bait niya ngayon ah.

Marked by the PrinceWhere stories live. Discover now