KABANATA 16

55 4 0
                                    

KABANATA 16

Lumingon siya kay Heneral Cassius at tinignan niya ito gamit ang mga nangungusap niyang mga mata. Biglang tumango si Heneral Cassius at sinabihan ang mga kawal na umalis na at iwanan muna kami.

"Sige po, Heneral." Sagot nung isang kawal.

"Salamat, Cassius." Sambit ni Lola.

"Walang anuman ho, maiwan ko na kayo." Sambit niya bago umalis.

"Nako ang papa mo talaga." Natatawang sambit ni Lola. Naamoy ko ang dugo niya, napakabango. Naaakit ako ngunit kailangan kong pigilan. Nagtaka din ako sa sinabi niya, Papa?

Kinuha ko antidote kay Damien tsaka pinatakan si Lola.

"A-ano pong ginagawa niyo dito, La?" Naiiyak na wika ko. Sobrang namiss ko siya.

"Nag-antay ako sa pagbabalik mo, apo ko. Ngunit di ko akalaing matatagalan ka." Tumulo ang luha niya dahilan para daluhan siya nila Damien at Rufus. "Siya ba ang kapatid mo?" Tanong niya at tumango naman ako.

Hinawakan niya sa mukha si Damien at pinagmasdan itong maigi.

"Napakagwapo mong bata." Ngumiti siya kay Damien, "Ako ang Lola Lyn mo." Pagpapakilala niya pa.

"Lola." Tawag sakanya ni Damien dahilan para mapangiti ng todo si Lola.

"Sino naman siya?" Tanong ni Lola at tinuro si Rufus. Sila Phyra at ang iba pa naming kaibigan ay nakatayo sa gilid namin. "Sila?" Tinuro din ni Lola sila Phyra.

Isa isa naman silang nagpakilala, at ang huli ay si Rufus.

"Prinsipe Rufus po, boyfriend po ni, Eli." Nakita ko ang gulat sa mga mata ni Lola tsaka tumingin sakin.

"Totoo ba iyon, apo ko?" Tanong ni Lola sakin. Napatingin naman ako kay Rufus at binigyan niya ako ng wag-mo-akong-idedeny-look.

"O-opo, Lola." Sagot ko, bigla namang lumapit si Rufus sakin tsaka ako inakbayan.

"Gwapo ng boyfriend niya 'no, Lola?" Sambit pa ni Rufus. Aba mayabang! Ngumiti pa siya, yung ngiting nakakainlove talaga, yung nawawala yung mga mata. Ang cute ng boyfriend ko!

"Aba oo! Swerte sayo si Elisse." Nagulat ako nang marinig ko ang second name ko. Ngayon niya lang ako tinawag sa second name ko.

"Elisse?" Tanong nila Phyra.

"Oo! Second name niya iyon. Hindi niyo ba alam?" Tanong ni Lola. Tumango naman sila bilang sagot.

"Wow ganda ng second name ha," puri ni Phyra.

"Tara na, umuwi na tayo. Walang makakalabas na may nakita tayong mortal." Paalala ni Rufus.

Sumakay kaming lahat sa karwahe. Sa palasyo pa din sila matutulog at kasama na si Ivos at Ivor.

"Lola..." Tawag ko sa Lola Lyn ko.

"Ano yon apo?" Sagot naman niya.

"Bakit nga po kayo nandito?" Tanong ko.

"Bakit? Ayaw mo ba ako dito?" Tinaas niya pa ang kilay niya. Natawa naman sila Rufus dahil doon.

"Hindi naman po sa ganon, pero bakit nga po?" Tanong ko ulit.

"Mahina na ako apo, naramdaman kong malapit na ang oras ko. At sa tingin ko handa na ako dahil nakilala mo na ang kapatid ko." Wika niya.

"Si Grandma." Maikling tugon ko.

"Lenora, nasasabik na akong makita ulit ang kakambal ko, bago manlang ako pumanaw." Sambit niy, nalungkot naman ako dahil doon. Ayokong pinag uusapan ang kamatayan. Lalo pa't siya ang nakasama ko buong buhay ko.

"Lola ko, wag kang magsalita ng ganyan." Sambit ko. 

Nakarating kami sa palasyo at dinaluhan kami nila Rufus hanggang sa makarating kami sa kwarto.

"See you tomorrow, love. Good night. I love you." Sambit niya at hinalikan ako sa noo. First time niyang sabihin ang mga katagang iyon. Ang tatlong salitang kayang makapagpatunaw sa puso ko. Lalo pa't galing sakanya.

"I love you more. Good night love." Sagot ko tsaka ngumiti sakanya. Mabilis siyang naglaho sa harap ko matapos ng tagpong iyon.

Pumasok ako sa kwarto, nakaupo si Lola sa kama ko at nakatingin sa labas.

"May niyebe, ngayon ko lang ulit ito nasilayan." Sambit ni Lola na ikinakunot ng noo ko.

"Nakaranas na kayo ng tag-lamig dati, Lola?" Tanong ko out of curiosity.

"Oo, nang dalhin ako dito ng lalaking iniibig ko. Ngunit hindi ako ang napupusuan niya." Ramdam ko ang paghihinagpis sa boses niya.

Naglakad ako papunta sa chimney para sindihan ang ilang kahoy na nandoon. Para na rin mainitan si Lola.

Wala si Damien dahil pinatawag ko sakaniya sila Amor at Grandma.

"Ang kapatid ko ang pinili niya, hindi ko rin akalain na may lihim na relasyon pala sila." Pagpapatuloy niya pa. "Nagbunga ang pagmamahalan nilang iyon, at si Eloisa ang naging bunga ng pagmamahalan nila. Ang mama mo." Kwento niya pa. Bampira din kaya ang lalaki?

"Tao ang lalaking iyon, kumbaga napadpad lang rin sila dito. At sa hindi inaasahang pangyayari, namatay siya. Namatay si Dom. Dito mismo, sa mundo ng mga bampira. Simula noon bumalik na kami ni Lenora sa mundo namin." Pagpapatuloy niya. Tao ang Lolo ko.

"Eh bakit po bumalik ulit si Grandma dito?" Tanong ko.

"Nabuhay siya."

Maya-maya ay dumating na si Damien, kasama si Grandma.

"Damien, Grandma!" Tawag ko sakanila. Napalingon naman si Grandma samin na natatawa tawa ngayon.

Biglang naglaho ang ngiti sa mukha ni Grandma nang makita ang Lola Lyn ko.

"Ate..."

Marked by the PrinceWhere stories live. Discover now