KABANATA 22

69 5 0
                                    

KABANATA 22

"Gising na," naramdaman kong may marahang tumapik sa pisngi ko sabay halik.

Nang idilat ko ang mga mata ko, bumungad sakin ang mukha ng mahal ko.

"Sleepyhead." Sambit niya sabay iling.

"K-kanina pa tayo dito?" Tanong ko tapos kinusot ang mga mata ko. Tumingin ako sa likod ng sasakyan at nakitang wala na sila Phyra doon.

Tumango siya tsaka ngumiti sakin. Bakit ba kailangan niyang ngumiti.

"Mahal kita." Out of nowhere na sabi niya.

"Mahal kita, Rufus." Sagot ko.

"Tara na, baka hinahanap na nila tayo." Sambit niya tsaka bumaba ng sasakyan.

Pinagbuksan naman niya ako ng pintuan para makababa ako.

Pagbaba ko, hinawakan niya agad ang kamay ko at pinagsalikop ang mga kamay naming dalawa.

"Hinding hindi na kita bibitawan, pangako." Sambit niya tsaka kami nagpatuloy maglakad.

Pumasok kami sa palasyo at sinalubong naman kami nila Grandma at Lola.

"Apo, namiss kita." Sabay nilang sabi.

"May lakad kayo? San kayo pupunta?" Sunod sunod na tanong ko.

"Aba oo! Bibisitahin namin si Dom." Sabay ulit nilang sabi. Nag-giggle pa sila. Kala mo mga bagets pa.

"Sige po, mag iingat kayo." Sambit ko nang magpaalam silang mauuna na sila.

"Ang cute nila tignan." Nandito pa pala siya.

"Napansin ko lang, parang balisa ka. May problema ba?" Tanong ko sakanya.

"Wala, love." Maiksing sagot niya tsaka umiling iling. Tumango nalang ako at ipinakitang hindi na ako nababahala.

Umakyat kami sa 3rd floor kung nasaan sila Phyra ngayon.

Bumungad samin ang ang aalalang mukha ni Phyra nangmakarating kami doon.

"RJ.." pagtawag niya kay Rufus.

"May problema ba?"

"Nandito sila." Maiksing sambit ni Vlade.

"Sino?" Tanong naming dalawa ni Rufus.

"Royal family of Abiantis. Nandito sila para pag usapan ang dapat pag usapan." Sagot ni Vladimir. Napakunot naman ang noo ko dahil doon. Ano bang meron?

"Nagpatawag ng emergency meeting ang Amang Hari. Kailangan tayong lahat don." Sambit ni Phyra tsaka isa isang tinignan ang mga kasama namin sa loob ng silid.

Maya maya, biglang nagvibrate ang phone ko. InstaVamp nanaman.

vlade_handsome added lourd♠️ and ivorluther to the group.

Sinali na pala ni Vlade sina Ivos at Ivor.

"Tara na," pag-aya ni Vladimir samin.

"Ihanda mo ang puso mo sa dapat mangyari." Bulong sakin ni Damien, inakbayan niya ako hanggang sa makarating kami sa Meeting Hall. Halos mapuno na iyon dahil may dumagdag na apat na katao. Idagdag na rin ang mga tropa namin.

"Omg hubby!" Sigaw nung isang babae na nasa harap ng Counsel. Lumapit ito kay Rufus tsaka lumingkis sa braso nito. Papapaliguin ko mamaya si Rufus ng alcohol.

"Yuck, stay away from me you ugly creature." Ehh?

Ngumiwi naman ang babae at tinignan ang Hari, sumama ang titig nito kay Rufus at tsaka sumigaw

"RUFUS JOSEPH! UMAYOS KA!" Sigaw nito na umalingawngaw sa bawat sulok ng silid

"Ama! Anong ibig sabihin nito?!" Pasigaw na tanong ni Rufus nang makaupo kami.

"Hindi ba't kinausap na kita tungkol sa pagpapakasal mo sa panganay na anak nila Reyna Helena at Haring Bruce na si Prinsesa Eula." paliwanag nito. Napatakip naman ako
ng bibig ko dahil sa nalaman.

"Hindi pwede, Ama!" Kinalampag ni Rufus ang lamesa at agad itong nagkaron ng lamat.

"A-anak," bakas sa mata ng Reyna na siyang Ina ni Rufus ang labis na pagtataka. "A-anong problema?" Tanong nito.

"Ayokong magpakasal, Ina!" Pasigaw na sagot ni Rufus.

"HINDI PUPWEDE! NAPAGUSAPAN NA ITO!"

Nagsimulang magbulung-bulungan ang lahat ng nasa loob ng meeting hall. Nakayuko lang ang babaeng ipagkakasundo sa mahal ko.

"LUMABAS MUNA ANG HINDI KABILANG SA AMING PAMILYA!" Sigaw nung Hari, galit na galit siya.

Lumabas naman kami, kagat kagat ko ang labi ko habang naglalakad kami palabas.

"Pagkatiwalaan mo siya, Ate." Hinagod ni Damien ang likod ko.

"Eli," hinawakan ni Serafino ang balikat ko. "Maayos niya ito."

"Oo nga, Eli! Si RJ pa ba? Walang kinatatakutan yon!"

Natuwa naman ako sa pang-chicheer up nila.

Nakarating kami sa kwarto at wala pa rin sila Grandma, buhat ni Damien ang tulog na si Amor at dahan dahang inilapag ito sa kama.

Nagtagal pa kami sandali sa kwarto at nag kakantaha lang sila. Maya maya biglang bumukas ang pinto at bumungad si Vladimir.

"Anong nangyari?" Tanong ko.

"Oo nga, bro. Naayos ba?"

Bumuntong hininga siya bago tumango.

"Yun oh! Sabi sayo Eli maayos niya iyon e!"

Lihim naman akong napangiti, bilib din talaga ako sakanya.

"Inamin niya." Napalingon kami sa nakayukong si Vladimir.

"Anong inamin niya?" Sabay sabay naming tanong.

"Inamin niya ang tungkol sainyo, Eli." Sagot nito.

"Oh, ano namang masama? Hindi ba't payag siya kina Eli?" Katwiran ni Drake.

"Oo nga!" Gatong naman ni Charles.

"No, si Tita Hera lang ang pumayag. Ngunit ang hari ay hindi. Binigyan siya ng choice, kung palalayasin siya kasama ka Eli at ang pamilya mo o magpapakasal siya kay Eula." Nanatili ang tingin namin kay Vladimir at inaabangan ang mga susunod niyang sasabihin.

"Anong pinili niya? Siguro yung paglalayas ano?" Hula ni Serafino ngunit umiling si Vladimir.

"I'm sorry, Eli."

Ibig sabihin, m-magpapakasal siya?

"Siya na ang bahalang magpaliwanag sayo, Eli. Tara na dude, practice tayo." Naunang lumabas si Vlad at sumunod naman sila sakanya.

Bago lumabas ng pintuan si Charles ay tinapik niya ako aa balikat.

"Eli, nandito lang kami."

Lumabas sila ng kwarto kasama sila Amor, sabi sakin ni Damien ay hahayaan daw muna nila akong mapag-isa.

Napaupo ako sa couch tsaka niyakap ang isang throw pillow at isinubsob ang mukha tsaka umiyak.

Walang tigil ang pag agos ng luha ko mula sa aking mga mata pababa sa aking pisngi.

Maya maya may kumatok sa pintuan ng kwarto.

"Sino yan?"

"Love," agad akong napatakbo sa pintuan at sumandal doon at ibinuhos ko lahat ng luha na meron ako.

"L-love?" Tawag ko sakanya.

"Open the door please, I'll explain everything. I'll tell you everything." Umiling ako ng ilang beses kahit hindi niya nakikita, ayoko. Ayokong makita niya akong umiiyak.

"You can explain kahit ganito ang pwesto natin diba?"

Naramdaman kong umupo siya sa tapat ng pintuan ko at sumandal din.

"Love, sorry."

Marked by the PrinceWhere stories live. Discover now