KABANATA 12

62 5 0
                                    

KABANATA 12

"Hoy fireboy! Ihawin mo 'to." Biro ni Charles at itinuro ang marshmallow na kinakain ni Serafino.

Bigla namang itinuro ni Vlad yung plastic ng marshmallow at nagliyab na ito.

"Woah bro, I'm just kidding." Sambit ni Charles tsaka napaatras. Bumalik naman si Serafino dala amg isang can ng soda.

"B-bakit? S-sinong nag utos sayo, V-vlad?" Tanong niya. Parang naiiyak pa siya hahaha!

Mag-aalas onse na ay hindi pa rin kami natutulog. Ayos lang naman iyon dahil wala kaming klase bukas. Sinuspinde dahil sa mga itim na bampira.

"Siya." Inosenteng turo ni Vlad kay Charles. Agad nilapitan ni Fins si Charles tsaka hinampas hampas ng unan.

"Aray dude tama na." Sambit ni Charles habang tumatawa.

"Tumigil na kayo," pag aawat ni Rufus. "So, we just discovered our abilities. Kayo ba wala pang nadidiskubre sa sarili ninyo?" Tanong niya pa.

"Wala pa." Sabay sabay na sambit nila Vlade.

Humiga siya sabay tumitig sa kawalan.

Maya maya ay napalingon siya sakin at ngumiti. Agad naman akong napaiwas ng tingin.

'Ako mismo ang nagengraved niyang pendant.' Sigaw niya sa isip ko. He's using telepathy again.

Hinawakan ko naman ulit ang pendant at dinama iyon nang isang ala ala ang pumasok sa isipan ko.

Siya nga, walang kaduda duda.

Nahiga na rin ako tsaka ipinikit ang mga mata.

Nagising ako sa tunog ng gitara. Hmm sino kaya yon?

Agad akong tumayo at sumulyap sa bintana. Madaling araw pa lang.

Nilingon ko naman ang mga kasama ko at nakita kong tulog na rin sila. Maliban sa isa.... Si Rufus.

Kumakanta siya ngayon. Hindi alintana sakanya na may mga tulog sa paligid.

"Ikaw na ang may sabi,
Na ako'y mahal mo rin.
At sinabi mong,
Ang pag ibig mo'y di magbabago."

Kumakanta siya. Maganda rin ang boses niya at magaling pang mag gitara. Swerte ang mapapangasawa niya for sure.

"Nauuhaw ka ba?" Tanong niya, natauhan naman ako doon. Napre-occupied pala ako gosh!

Itinuro ko pa ang sarili ko para masiguradong ako nga ang tinatanong niya.

"Oo ikaw nga, Eli. Nauuhaw ka ba? Gusto mo ng maiinom?" Tanong niya ulit. Naramdaman ko namang nanunuyo na nga ang lalamunan ko kaya tumango ako.

"Sige ikukuha kita saglit." Sambit niya sabay tumayo. Dali dali naman akong tumayo at sumunod sakanya.

"Sama ako." Sambit ko at nagpout. Hindi ko alam kung anong itsura ko, mukha ba akong labi na tinubuan ng mukha? Napatulala kasi siya.

"U-uh, sige! Magsuot ka ng sapin sa paa dahil malamig ang sahig." Sambit niya, agad ko naman iyong sinunod.

"Halika ka na cutie." Sambit niya ulit nang makalapit na ako sakanya. Napangiti naman ako dahil doon.

Teka nga! Bakit hindi pa siya natutulog?

"Kasi may bampirang hmm, sabihin nalang nating lagi niyang ginugulo ang isipan ko." Sambit niya.

Huh? Wala pa naman akong sinasabi ha!

"Nababasa ko ang isipan mo." Sabi niya at nakita kong ngumisi pa siya!

Marked by the PrinceWhere stories live. Discover now