Chapter 01

2.9K 129 31
                                    

CHAPTER 01

Bumaba ako sa eroplanong sinasakyan ko papunta rito sa Korea. Hindi na mawala ang ngiti sa labi ko. Sobrang saya ko talaga. Hindi ko akalaing mangyayari to sa buhay ko. In my 17 years of existence, hindi ko pa naranasang magkaroon ng masayang summer vacation. Kadalasan kasi nasa bahay lang ako sa mga panahong yun. Pero ngayon, hindi ko akalaing dito sa Korea ako magbabakasyon.

Ako si Mira. At ngayon nga ay nasa labas na ako ng airport. Wala namang sumalubong sakin kasi wala naman talaga akong kakilala dito eh. Tapos sumakay na ako sa subway. Sobrang saya ko talaga. Pero paano nga ba nangyari ang lahat ng to?

Nanalo lang naman ako sa isang raffle na TRIP TO KOREA! Tama! Ang swerte ko nga eh. Mula nung naging fan ako ng kpop, naging fan na rin ako ng kahit ano tungkol sa Korea. At isa talaga sa pangarap ko ang makapunta dito. At ngayon nga ay natupad na ito.

Makalipas ang ilang minuto ay bumaba na rin ako sa subway. Pagdating ko sa labas ay pumara ako ng taxi. Hindi ko naman kasi kabisado dito eh.

"Saan po kayo ma'am?" tanong ng taxi driver.

"Uh sa ano po...sa..." Patay! Nakalimutan kong itanong sa organizer ng raffle na to ang address ng tutuluyan ko. San nga ba yun? Lagot na. Hindi ko na maalala. Pero teka. Wala nga pala talaga syang nabanggit. "Umm, sa pinakamalapit na park nalang po."

Tatawagan ko na sana ang baklang organizer na si JinJin nang marealize ko na mahal pala pag-overseas. Kaya wag nalang. Imemessage ko nalang sya sa facebook. May free wifi naman eh.

Ayun. Nagmessage ako sa kanya. Buti online sya. Tinanong ko kung saan ba ang tutuluyan ko. Maya-maya ay nagreply sya.

'Hindi ko ba nasabi sayong hindi kasama ang tutuluyan mo sa napanalunan mo? Transportation at allowance lang yung sakop ng promo.'

"ANO?!"

Bigla namang pumreno ang taxi at muntik na akong masubsob. Napalakas pala ang pagsigaw ko. "Umm, mianhe."

Halos inuntog ko na ang ulo ko dahil sa message nya. Pano to? Sa sobrang excitement ko kasi hindi ko na naitanong ang mga importanteng bagay. Pano na? Pano ako mabubuhay rito sa Korea sa loob ng isang buwan?

"Nandito na po tayo." sabi ng taxi driver. Nasa park nga kami. Nagbayad naman ako at bumaba dala ang maleta ko.

Maganda ang park. Para ngang napanuod ko na to sa mga korean drama eh. Medyo mainit ang araw kasi hapon na rin naman. Naglakad-lakad lang ako. Pano pag gumabi na? San ako magpapalipas ng gabi? Sa kalsada ba? Magiging palaboy ba ako dito sa Korea?

Nang mapagod ako ay naupo muna ako sa isang bench. Namomroblema talaga ako kung saan ako tutuloy. Wala akong kakilala dito. Marami akong kilalang kpop pero hindi naman nila ako kilala eh. Pero sana naman ay may mapala ako sa pagpunta ko dito. Sana makita ko man lang ang BtoB. Kahit na imposible yung mangyari ay umaasa pa rin ako. Wala namang masamang mangarap diba? Okay lang maging palaboy ako rito basta makita ko sila.

Lumipas ang mga oras at kinain na ng dilim ang buong paligid. Gabi na. Pano na ako? Gutom na rin ako at hindi ko alam kung saan ako bibili ng pagkain. Hindi kasi sya tulad sa Pilipinas na kahit saang kanto ay mayroong tindahan eh.

Tumayo ako at nagsimulang maglakad ulet paalis dito sa park. Baka mamatay pa ako sa gutom kapag naupo lang ako dun eh. Kelangan ko rin namang kumilos para mabuhay. Hindi ko kabisado ang Korea kaya mukhang mahihirapan ako.

Wala sa sarili akong naglakad sa sidewalk habang hila-hila ang maleta ko. Hindi ko alam kung nasaan na ako at kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Basta't naglalakad lang ako. Nung una ay marami pang mga gusali, stores, at kung anu-ano pa sa gilid ng daan. Pero maya-maya ay hindi ko na namalayang nasa ibang mundo--este ibang lugar na ata ako. Halos walang tao pero maraming bahay sa gilid ng daan. Nasan na ba ako?

Nakakapagod. Gutom na gutom na rin ako kaya medyo nanghihina na ako. May nakita akong bench sa kabila ng kalsada. Mabuti sigurong magpahinga na muna ako. Iipunin ko muna ang energy ko.

Nasa kalagitnaan ako ng kalsada nang bigla nalang--

BEEEEP BEEEEP

BEEEEP BEEEEP

Nanigas nalang ang paa ko. Gusto kong tumakbo para iwasan ang sasakyan pero hindi ko magawang igalaw ang paa ko. Naiharang ko nalang ang braso ko sa mukha ko para sanggain ang nakakasilaw na liwanag mula rito at hintayin ang susunod na mangyayari.

Hinintay kong makaramdam ng sakit. Pero wala akong naramdaman. Lasog-lasog na ba ang katawan ko? Patay na ba ako? Pero bakit nararamdaman ko ang sobrang panlalambot ng tuhod ko?

"Yah! Miss!"

Narinig ko ang yabag at boses na palapit sa akin. Hindi lang mula sa isang tao ang yabag na papalapit--marami sila. Gusto ko man silang tingnan pero hindi ko magawa dahil tuluyan nang nanlambot ang tuhod ko. Hinang-hina na ako dahil sa gutom, uhaw, pagod at idagdag pa ang takot. Bigla nalang akong napaluhod sa sahig. Pero bago pa ako tuluyang bumagsak ay alam kong may makisig na braso ang sumalo sa akin.


EUNKWANG'S POV

Action action
B to B in the place to be action
Ready set action

Papunta na ang grupo namin sa dorm matapos ang performance namin sa isang music program. Pinapatugtog lang namin ang latest song namin sa loob ng kotse.

Eoje neowa heeojyeosseo
Silgami jeongmal najil anha
Wiro ttawin pillyo eobtjanha oh girl

Neoreul jeongmal saranghaesseo
Jugeulmankeum akkyeojwonneunde
Geureon nega nal beoryeosseo
Why ma girl insado eobsi

Heundeullyeotdeon ne maeum ara
Dugeundaetdeon sigan gago
Maeum apa na jamdo an wa
Nan nega miwo

Walang ibang gising sa aming pito kundi ako at si Minhyuk na nagdadrive at si Minhyuk na nagdadrive. Syempre bilang leader kelangan kong bantayan ang mga members ko. Lahat sila tulog habang nasa byahe.

Meokgo jago tto dwicheogidaga
Ne saenggage nunmuri nayo
Dapdaphae unjeoneul hadaga heulleonaoneun
eumage
Ttwittwippangppang ttwittwippangppang
ttwittwip--

"LEE MINHYUK!!!" Napasigaw ako nang makitang masasagasaan ng kotseng sinasakyan namin ang isang babaeng bigla nalang tumawid.

BEEEEP BEEEEP

BEEEEP BEEEEP

Sunud-sunod na busina ang ginawa ni Minhyuk pero parang wala sa sarili ang babae kaya bigla nalang syang nagpreno. Buti nalang may seatbelt kami pareho. Yung iba namang nasa likuran ay nagising dahil napasubsob sila.

"HYUNG!" sigaw ni Sungjae.

Hinayaan nalang namin sila at agad kaming bumaba ni Minhyuk sa kotse.

"Anong nangyayari?" tanong ni Ilhoon. Kasunod namin ay bumaba rin sila.

"Yah! Miss!" tawag ni Minhyuk sa babae. Pero bigla nalang itong bumagsak. Agad naman syang nasalo ni Minhyuk kaya hindi sya tumama sa semento.

"Nakasagasa kayo?" nanlalaki ang matang tanong ni Sungjae. Hindi ko sya nagawang sagutin. Shet! Kinabahan ako bigla. Katapusan na ba ng career namin? Mawawala na ba lahat ng pinaghirapan namin?

"Dalhin na natin sya sa ospital." suggest ni Hyunshik. Walang malay ang babae at nasa mga braso lang sya ni Minhyuk.

"Hindi pwede." sagot ko.

"Why not? She might die!" sabi ni Peniel.

"Delikado para sa atin pag dinala natin sya sa ospital. Magkakagulo ang mga tao at malalaman ng media ang tungkol sa nangyari. Baka masira tayo." paliwanag ko. Mabilis kumalat ang balita. Hindi pwedeng masira ang Born to Beat.

"May point ka hyung." pagsang-ayon ni Changsub. "Pero saan natin sya dadalhin?"

"Wala naman sigurong malalang nagyari sa kanya kaya sa dorm nalang natin sya dalhin." sagot ko.

Lahat sila ay binigyan ako ng 'are-you-serious-look'.


to be continued...

BTOB - Beep Beep [FANFIC]Where stories live. Discover now