Chapter 10

1.1K 53 12
                                    

BEEP BEEP! BTOB FACTS ALERT!

1. Sungjae's favorite movie is "Bruce Almighty".

2. Ilhoon's favorite movie is the "Pianist".

3. Hyunsik's favorite movies are "The Ray" and "Notting Hill".

4. Changsub's favorite movie is "Inception".

5. Minhyuk's favorite movies are "The Dark Knight" and "Inception".

6. Eunkwang's favorite movie is the "Harry Potter Series".

7. Peniel doesn't have a favorite movie.

CHAPTER 10

Kisame ang bumungad sa akin nang magising ako. Pinakiramdaman ko ang paligid. Nakahiga ako sa isang malambot na kama at natatakpan ng kumot ang kalahati ng katawan ko. Luminga-linga ako at dun ko lang nalaman na nasa kwarto pala ako ng apartment na pagmamay-ari ni Sungjae.

Pero teka. Pano ako napunta dito? Sa pagkakatanda ko ay nasa waiting shed ako kagabi at naghihintay ng taxi tapos bigla nalang akong nanghina.

May sumalo sakin!

Pero sino yun?

"Gising ka na pala." Nahinto ako sa pag-iisip nang bumukas ang pintuan ng kwarto. May dala syang tray na naglalaman ng bowl ng pagkain.

"M-Minhyuk?"

"Nae. Kumain ka na muna." Inilapag nya ang tray sa tabi ko.

"Wala akong gana eh." sabi ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang may disappointment akong naramdaman nang si Minhyuk ang nakita ko? Bakit parang iba ang iniexpect ko?

"Hindi pwede yun. Kelangan mong kumain." Naupo sya sa gilid ng kama at kinuha ang bowl ng mainit na noodle soup. "Say aaaaaah."

Nag-alinlangan pa ako pero nagpumilit sya kaya binuka ko nalang ang bibig ko. "Aaaaahh." Tapos ay sinubuan nya ako. Nakakahiya naman kay Minhyuk.

"Kumain ka ng marami ah. Kelangan mong gumaling agad para maituloy na natin yung lesson natin." nakangiti nyang sabi.

"Ganun? Edi mas lalong ayoko ng gumaling." kunwari ay inirapan ko sya.

"Wae? Ayaw mo ba akong maging tutee?" nakapout nyang tanong. Ang hilig nya talagang magpout. Ang sarap ngang kurutin eh.

"Mira!"

Napatingin kaming pareho sa pintuan. Parang may kung anong nabuhay sa dibdib ko nang makita ko sya.

"Sungjae!" Hindi talaga ako sanay na tawagin silang oppa. Kaya hayaan nyo na ako.

"May dala ako para sayo." Ipinakita nya sakin ang isang basket ng prutas. Ang dami! Iba-iba pa!

"Wow! Thank you!"

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong nya at naupo sa bandang paanan ng kama.

"Okay na ako."

"Ikaw lang ba Sungjae?" tanong ni Minhyuk sa kanya.

"Hindi hyung. Parating na rin yung iba." sagot nya.

"Pupunta dito ang buong BtoB?!" nanlalaki ang mga mata kong tanong.

"Nae." -- Sungjae

"Pero bakit? Anong meron?" Ano ba naman tong reaksyon ko? Para namang first time ko silang makikita eh.

"Bibisitahin ka nila. Nabalitaan kasi nila ang nangyari sayo eh."

Napangiti naman ako. Nakakatuwa naman sila. Sino ba naman ako para bisitahin pa nila diba? Kung tutuusin ay isa lang naman akong ordinaryong fan na muntik na nilang masagasaan. Pero napakabuti nila para puntahan pa talaga ako. Pakiramdam ko tuloy ay napakaimportanteng tao ko.

BTOB - Beep Beep [FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon