Chapter 32

731 43 8
                                    

Author's Note:

Mauuna na ang a/n ko ah. keke. Ang video sa media ay nakakaloka. Haha. Hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang to napanood. Siguro nagiging outdated na ako dahil sa pagiging busy ko these past few weeks.

So this is it. May grupo palang binuo which was named Big Byung. It consists of BTOB's Sungjae, VIXX's N & Hyuk, and GOT7's Jackson. The MV was so funny and cuuuuuute. Ang sarap iuwi ng apat na boys na yun. Pampatanggal pa ng stress. Nashocked din ako kay Sungjae kasi marunong pala sya magrap (O baka naman hindi ko lang talaga alam?>.<Eottoke? Anong klaseng fan kang bata ka!) At saka magkamukha talaga sina Sungjae at N. Diba? ^___^ Ang galing-galing ng ating maknae! Pataas na sya ng pataas. Dami ng projects and exposures. Sa susunod sya na ang magiging main lead ng mga kdramas. I know darating yung araw na yun. Yung tipong sa kanya lang nakafocus yung cam diba? Exaggerated? Basta yun na yun. ^___^v

BTOB COMEBACK! Sino excited? OMO! Can't wait! September 29 please dumating ka na! keke. Nakakainspired tuloy magsulat. Ang sarap ng feeling pag ganito no? haha. Nawala tuloy yung lagnat ko. Damayan nyo ko plittthhh. Ang saya-saya!

Anyway, OST of this chapter yung isa pang video. Naks! MakaOST no? keke. Yung mga sidestories pala hindi na tuloy. Weh? JOKE LANG! Inuulit ko JOKE LANG. Syempre tuloy pa rin. Konting hintay lang ah. Baka isipin nyo nakalimutan ko na. Naghihintay lang ako ng tamang tyempo. Arasso?

Kamsahamnida.

****

CHAPTER 32

"Ano?! Nawawala si Sungjae?!" gulat kong tanong kay Appa Eunkwangie na kausap ko sa kabilang linya.

[Huminahon ka lang, okay? Hindi pa naman sigurado kasi wala pa namang 24 hours ang lumipas pero nag-aalala na talaga kami eh. Kaninang umaga pagising namin hindi na namin sya nakita rito sa dorm. Akala namin nasa labas lang pero nung tinatawagan namin hindi namin makontak. Hanggang ngayon wala pa rin kaming alam kung nasan sya o kung anong nangyari sa kanya.] paliwanag nya. Tumingin ako sa orasan. 5:10 na ng hapon. Papalapit na rin ang sunset. Kung kanina pa wala si Sungjae sa dorm, nasan sya buong maghapon?

"Ganun ba? Wala rin kasi akong balita eh. Hindi naman sya nagpunta rito. Hindi rin sya tumawag o nagtext." sabi ko. "May nangyari ba dyan sa dorm nyo? Nag-away-away ba kayo?"

[Hindi naman.]

"Eh kelan nyo sya huling nakita? Anong huli nyang ginawa?" tanong ko.

[Umm,] medyo matagal bago sya nakasagot dahil tila nag-iisip. [Kagabi namin sya huling nakita. Matapos nilang mag-usap ni Minhyuk ay dumiretso na sya sa higaan nya at natulog na kami. Yun lang.]

Kinabahan ako. Ano kayang nangyari? Imposibleng hindi sila kontakin ni Sungjae. Siguradong magpapaalam naman yun kung may pupuntahan sya eh. Pero bakit ngayon ay buong araw syang wala at hindi nagpaparamdam? May nangyari nga kaya?

[Mira-yah...] sumeryoso ng sobra ang boses nya.

"Waeyo?"

[Ikaw lang talaga ang maaasahan ko ngayon. Kaya please, tulungan mo kami na maging maayos si Sungjae.]

Sa totoo lang ay hindi ko sya maintindihan. Parang may hidden meaning yung sinabi nya eh.

"Wag kayong mag-alala. Baka may importante lang syang pinuntahan. Baka walang signal o kaya baka lowbat ang phone nya. Susubukan ko syang hanapin. Tatawagan ko kayo pag may balita na ako sa kanya." sabi ko kahit na hindi ko naman alam kung paano ko hahanapin si Sungjae.

BTOB - Beep Beep [FANFIC]Where stories live. Discover now