Chapter 07

1.5K 67 4
                                    

BEEP BEEP! BTOB FACTS ALERT!

1. Eunkwang's role model is Kim Bum Soo.

2. Minhyuk's role model is Lee Seung Gi.

3. Changsub's role model is Rain and Michael Jackson.

4. Hyunsik's role model is Stevie Wonder.

5. Peniel's role model is his father.

6. Ilhoon's role model is Dynamic Duo.

7. Sungjae's role model is Kim Dongryul.

.

.

.

.

.

CHAPTER 07

"Okay lang ba si Sohyun?" tanong ni Appa Eunkwang pagpasok ni Sungjae dito sa practice room ng BtoB. Matapos kasi madulas ni Sohyun ay dinala sya ni Sungjae sa clinic dito sa loob ng building.

"Okay naman sya hyung. Wala namang malalang nangyari." sagot ni Sungjae.

"Buti naman kung ganun."

"Alam mo, bagay na bagay talaga kayo." komento ni Changsub. Ano ba naman yan? Parang pinipiga ang puso ko. Ang OA no? Pero normal lang naman siguro yun sa isang fangirl diba? Masakit talaga kapag nalaman mong may ibang babaeng nalilink sa bias mo. Mas gugustuhin mo pa ang bromance o kaya ay i-date nila ang kapwa member kesa sa ibang babae.

"Oo nga Sungjae. Ba't di kayo magdate?" -- Peniel. Waah! Sasakalin kita Peniel! Hindi pwede makipagdate si Sungjae! Magagalit ang fans!

"Ano ba kayo? Iba na nga lang ang pag-usapan natin." -- Sungjae

"Bakit? Hindi mo ba sya type? Ang cute kaya nya." -- Ilhoon

"Aish! Bakit ba ako ang topic dito?" -- Sungjae

"Kunwari ka pa. Wag ka ngang torpe." -- Hyunsik

"Tapos na ba ang practice natin?" Biglang tanong ni Minhyuk.

"Oo. Bukas naman. Magpapahinga lang tayo ng konti tapos babalik na tayo sa dorm." -- Eunkwang

"Kung ganun," tumayo si Minhyuk. "Mauuna na kami ni Mira."

Nagulat kaming lahat sa sinabi nya. Kahit ako.

"Oh Mira. Kanina ka pa tahimik dyan." Puna sa akin ni Ilhoon. Tama sya. Kanina pa ako walang imik. Nandito lang ako sa tabi at nanunood at nakikinig sa kanila. Ewan ko ba.

"Teka Minhyuk, bakit--" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko kasi sumingit si Minhyuk.

"Oppa." sabi nya. Ay oo nga pala. Lagi ko talagang nakakalimutan. Eh kasi naman walang ganun sa Pilipinas eh.

"Oppa," Nakakailang naman talaga. "Bakit tayo mauuna?"

"Oo nga hyung. Sabay-sabay na kaya tayo." -- Sungjae

"May gagawin pa kaming dalawa eh. Hindi kayo pwedeng sumama." -- Minhyuk.

"KAYONG DALAWA?" sabay-sabay sila.

"Oo. Diba Mira?" nakangiti nyang tanong sakin. Ano bang sinasabi nya?

"Saan kayo pupunta?" -- Peniel

"Secret. Sige alis na kami ah." Inakbayan ako ni Minhyuk na labis ko namang ikinagulat. Nagpaalam sya sa BtoB at saka kami lumabas sa practice room. Pero wala pa rin akong idea sa kung saan kami pupunta at kung anong gagawin namin. Narinig ko nalang ang pagtawag ng BtoB pero hindi pinakinggan ni Minhyuk at nagtuloy-tuloy lang kami palabas.

BTOB - Beep Beep [FANFIC]Where stories live. Discover now