Epilogue

848 50 22
                                    

Bumalik si Sungjae sa Korea matapos ang araw na yun. Sa muli ay nagkahiwalay kaming dalawa. Pero sa halip na pigilan siya, hinayaan ko siya. Sa loob ng mga panahong hindi namin kapiling ang isa't isa ay sobrang lungkot ang naramdaman namin. Pero tiniis namin iyon. Nagsakrispisyo kami dahil alam naming may makukuha kami sa future.

Nagpatuloy siya sa career niya sa Korea. Ako naman ay ipinagpatuloy ko ang pag-aaral ko. Pero hindi gaya dati, may communication na kami. Lagi kaming nagkakausap. Ganun din ang ibang members. Hindi man nila ako kasama, ramdam naman nila ang suporta ko.

Hanggang sa dumating ang pinakahihintay kong araw. Nakapagtapos na ako ng pag-aaral at ngayon ay handa nang magtrabaho. Agad akong lumipad papuntang Korea dahil na rin sa may nakareserve ng trabaho sa akin doon.





"Cut!" sabi ng director nang matapos ang taping namin para sa bagong mv ng BtoB. Pumalakpak siya at kinamayan kaming lahat. "Good job guys! Chukkahamnida!"

"Kamsahamnida."

Naunang umalis ang BtoB. Nagpahuli naman ako dahil baka may makahalata sa amin ni Sungjae. Mahirap na marami pa namang camera sa paligid.

Nagkatitigan muna kami ni Sungjae bago sila umalis. Para bang sinasabi niyang 'tara na!' Ako naman kunwari deadma lang. Nag-iingat nga ako eh.

Biglang nagvibrate ang phone ko. Binasa ko ang message.

From: JaeKo

Yung kiss ko! :*

Muntik na akong matawa dahil dun. Buti napigilan ko. Nang tingnan ko si Sungjae nakatingin pa rin siya sa akin tapos nakapout.

Nireplyan ko naman siya.

To: JaeKo

Mamaya na. :P

Ngumiti siya. Tapos ay nagtuluy-tuloy na sa paglalakad kasama ang mga hyung niya.

Umalis na rin ako. Naghihintay ang BtoB sa parking lot. Bigla namang nagningning ang mga mata ni Sungjae nang sumakay ako.

"Dito ka na maupo, Mira." sabi ni Minhyuk habang tinuturo ang bakanteng pwesto sa tabi niya. Biglang nag-iba ang expression ni Sungjae. Doon kasi siya nakaupo sa pinakalikod eh.

Doon ako naupo sa tabi ni Minhyuk. Anyway, alam na nila ang tungkol sa amin ni Sungjae. Gusto lang siguro nilang asarin si maknae kaya ako naman ay nakikisabay nalang. Ang cute kasi kapag sumisimangot eh. Haha.

Nagvibrate ang phone ko. Hindi ko tiningnan kasi alam kong si Sungjae yun. Tapos maya-maya ay nagvibrate ulit. Hindi ko pa rin tiningnan. Nakasampung vibrate ata eh. Nagpipigil naman ako ng tawa nang makita ko ang itsura ni Sungjae mula sa rear-view mirror.

Tiningnan ko na ang phone ko dahil walang tigil sa kakavibrate.

From: JaeKo

Bayaran mo ko ng maraming kiss!

:*

:*

:*

:*

:*


Baliw na tong lalaking to. Nakakaloka. Pero nagblush ako promise! Hindi ko nalang siya nireplayan. Haba ng hair ko! Haha

Dumiretso kami sa dorm nila. Actually may sarili na akong apartment. Nakakahiya na kasi sa kanila eh. Sinama lang nila ako ngayon para magdinner.

Napansin kong tingin nang tingin sa akin si Sungjae. Pero hindi ko siya pinapansin. Kunwari busy ako. Nagtatawanan pa kami ng ibang boys. Tapos siya walang imik. Maya-maya ay bigla nalang siyang lumabas sa kusina. Hala! Nagalit na ata.

Nakonsensya na ako. Baka magtampo pa yun. Pupuntahan ko na sana siya kaya lang biglang nawalan ng ilaw!

"Brownout?!"

Anubayan wala akong makita. Ang dilim! Bakit ngayon pa nagbrown out?

Nagulat nalang ako nang biglang may humila sa akin. Sobrang dilim kaya wala akong makita.

Bigla akong niyakap nung humila sa akin. The next thing I know ay nakasandal na ako sa pader!

"Kala mo ah." bulong niya sa tapat ng tenga ko. Biglang nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Nakakapanindig balahibo ang boses niya!

"Sungjae..."

Grabe ang kabog ng dibdib ko ngayon. Anong pakulo na naman to ni Sungjae?


"Nasan na ba kasi yung kandila?"

"Hindi ko nga makita eh."

Narinig ko ang mga boys. Parang medyo malayo kami sa kanila.

"Lumayo ka nga. Baka mamaya makita nila tayo---Mmmph!"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla nalang may pumatong sa labi ko. Hinalikan ako ni Sungjae!

Sige na nga. Kinikilig naman ako eh kaya pagbigyan na. Last na rin naman to eh. At saka madilim din naman.

So, I guess hanggang dito nalang ang storya namin. Isang storyang nagsimula sa isang Beep Beep, na sa aking pagsama sa byahe kasama ang BtoB ay naranasan ko ang iba't ibang klase ng aksidente dahil sa hindi pagsunod sa rules ng pag-ibig, at ngayon ay magpapatuloy ang aming paglalakbay sa isang daang hindi namin alam kung ano ang nag-aabang sa bawat kilometrong lalagpasan namin. Hindi man namin alam kung saan at kailan namin makakaharap ang mga aksidente ng buhay, ang mahalaga ay magkasama kami ni Sungjae sa pagtahak ng walang hangganang daan---dahil naniniwala akong ang true love ay hindi kailanman nawawakasan.






Napahiwalay ang mga labi namin ni Sungjae nang biglang lumiwanag ang paligid. Bumalik na ang kuryente.

"Whoa! Kaya pala ah." Eunkwang

"Brownout pala ah." Minhyuk

"May papatay-patay ng kuryente ka palang nalalaman ah." Changsub

"Eh pwede naman kayong mag-excuse kung gusto nyo magkiss eh." Hyunsik

"You can even have a room for that." Peniel

"Oo nga. Para naman hindi lang kiss ang magawa nyo." Ilhoon.

Grabeng kahihiyan ang naramdaman ko nang makita nila kami sa ganoong posisyon. Pero sa halip na bitawan ako ni Sungjae, hinalikan niya lang ako sa harapan nila. @////@


The End...



© mirahpat

All Rights Reserved ©2014

BTOB - Beep Beep [FANFIC]Where stories live. Discover now